“Kadalasan nakakatakot magmahal kasi masakit umasa; pero hindi ba mas masakit yung alam mo na ngang wala kang pag-asa, pero siya pa mismo ang nagpaparamdam na sa kanya ika’y mahalaga”.
Ako si Paolo.5'11 ang tangkad.
Kayumanggi ang kulay.
Matangos ang ilong.
Kulot ang buhok.
at higit sa lahat,
anak sa Labas.
Hindi na bago sakin ang pakikipagrelasyon pero mabibilang lang sa mga daliri ko ang matatawag ko talaga relasyon. Sa dami ba naman ng mga taong paasa ngayon at maloko, di mo alam kung relasyon nga ba ang maitatawag sa inyo kung nagkaroon man kayo nagkaugnayan.
Sa totoo lang, straight naman talaga ako eh nung mula highschool hanggang college eh. Humaling na humaling ako sa mga babae nun. Lahat ng mga nagbibigay ng motibo sakin basta may itsura at maganda katawan, pinapatos ko. Ansarap kaya nila bayuhin. Well, noon yun hanggang nakatikim na ako ng ibang putahe - LALAKE.
Masarap.
Nakakatakam.
Nakakahumaling.
Ansarap ulit-ulitin.Ngunit lahat ng ito ay napalitan ng sakit at hinagpis simula nung natuto akong umibig sa kapwa ko lalake. Akala ko kasindali lang nung may girlfriend ako. Hindi pala. Kakaiba.
Uso ang It's Complicated na status.
Lokohan.
Agawan.
Pasa-pasahan.
Gaguhan.
Gamitan.Andami ko nang nakadaupang-palad na lalake. Yung iba, nagkaroon ng espesyal na pagtingin. Yung iba naman, sakto lang. Minsan, HOHOL. Minsan, MOMOL.
Si Mikee, taga-PSBA na nakilala ko sa MiRC.
Si Migs na Campus Idol ng eskwelahan namin na nakilala ko sa acquaintance party.
Si Joem na taga-PCU na minessage ako sa friendster.
Si Yuan na taga-Letran.
Si Rain na nakilala ko sa Downelink.
Si Paolo na isang modelo. Si Dustin na taga-California.
Si Jerome na nagtatrabaho sa Singapore.
Si Jigs na mahilig gumimik.
Si Ikoy na volleyball player.
at si MC na hawig kay Jake Cuenca.Putek! Andami na pala. Yung iba, nakalimutan ko na. Di ko na matandaan. Isa na lang silang malabong alaala. Isang masarap na panaginip na hindi na kelangan at gugustuhin na balikan.
Pero walang dapat pagsisihan dahil marami akong natutunan.JUNE 2009
Uso pa ang friendster nun. Papasikat na rin ang facebook ng panahon na yun pero ang tanging social networking site na may account ako bukod sa friendster ay downelink, isang networking site para sa mga PLU. Ilang beses ko na rin dinelete ang account ko sa site na 'to. Wala naman kasing matinong tao na makakausap mo, puro sex ang hanap. 'Yung iba, kunwari makikipagkaibigan, pero sex din ang habol. Ayaw pang diretsuhin. Deym!
Nagtapos ako ng aking kursong IT sa isang kolehiyo na matatagpuan sa may Mendiola. Pero mas ginusto ko maging graphic artist. Bago ako pumasok sa aking trabaho, magpapalipas muna ako ng oras online - chat, laro, basa, nuod.
June 09, 2009 - may nagmessage sakin sa downelink.
Hi! You're cute!
Thanks, man. Ikaw din!
Can I get your number?
What for?
I wanna be your friend.
Okay, here: 09174137298.
Thanks!
Di na ako nagreply dahil mahuhuli na ako sa aking trabaho. Maya-maya may nagtext.
Hey, James here from DL.
Alright. Save your number.
Busy?
Kinda, I'm at work.
Sorry, sige work ka na.
Siya si James. Una kong nakilala nung gumawa ulit ako ng account sa downelink. Isa siyang Polsci student ng isang university sa Baguio, member ng debate union at fraternity. Nakakatuwa, wala sa itsura niya na member siya ng isang frat. Siya ang Pinoy version ni Witwisit na may braces na pinatangos ng konti ang ilong.
Naging madalas ang pagtetext namin ni James. Lumalabas kame tuwing bumababa siya ng Manila. Ganun ang set-up namin ng dalawang linggo. Hanggang isang araw, bigla siyang nagtext.
Pao!
Oh bakit?
Ano ba tayo?
Huh? Anong tayo?
Ano nga? Kasi gusto kita.
Gusto din naman kita ah, anong problema dun?
Naman to oh! Anong status natin?
Hahahahaha! Bakit mo tinatanong?
Tinawanan lang ako oh. Gusto kita maging akin.
Ligawan mo muna ako. Hehe!
Asar naman to oh.
Oo na.
Tayo na?
I think so?
Yehey!
But I don't love you yet, let's take it slow.Alright. So slow, anywhere we wanna go.
Naging kame ni James kahit hindi ko pa siya mahal. Ganun pa rin ang set-up namin, nakakasama ko lang siya tuwing bababa siya ng Manila. Hindi ko rin siya mapuntahan sa Baguio dahil hindi ako marunong magcommute papunta dun. Akala ko tuloy tuloy na yung relasyon namin hanggang magsimula siya maging cold sakin.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.