Nagising ako sa alog ni Vincent. Ginigising ako ni kumag. Bumangon na ako para maghilamos at mag-toothbrush. Ako ang magluluto ng almusal namin ngayon. Hindi ko pala nasabi na hindi ako marunong magluto. Puro prito lang ang alam ko at yung nudols. Haha. Bahala na. Lucky Me noodles na lang ang inihando ko para may sabaw kame. Nagprito ng hotdog, ham at itlog. May isa pa pala akong problema, di ako marunong magluto ng sinangag. Kaya, nagsaing na lang ako. Nag-ayos ng mesa. Nung nakahain na lahat, pinuntahan ko ang kumag sa kwarto para gumising. Pagpasok ko sa kwarto, tulog parin. Nung papalapit na ako sa kanya, bigla akong hinili sa higaan at niyakap.
"Good morning!" sabi ni kumag sabay nakaw ng halik sa pisngi.
"Tara! Handa na ang almusal.." yaya ko sa kanya.
"Mamaya na, 5 minutes pa."
"Bakit?"
"Payakap muna!" sabay hinigpitan ang yakap sakin.
Biglang pumatong si Vincent sakin habang nakahiga kame sa kama. Hinawakan ang kamay ko.
"Wala kang takas ngayon..." sabi niya.
Dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko na ang hininga niya. Kahit bagong gising, mabango parin. Ansarap amuyin ng hininga niya. Di nakakasama. Nakipagtitigan sakin si Vincent. Lalo pang inilapit ang mukha niya. Pumikit ako. Hinalikan niya ako sa noo. Tapos sa ilong. Alam kong sa lips na ang sunod pero naghintay ako ng ilang segundo, wala pa. Dumilat ako. Nakita ko ang mukha niya. Nakangiti sakin.
"Ang cute mong mag-blush! Tara na, kain na tayo ng almusal! Gutom na ako..." sabay alis sa pagkapatong sakin at hila sa kamay ko palabas ng kwarto.
As usual, tahimik kaming dalawa habang kumakain. Nakangiti ang kumag. Tinitingnan ako, bawat subo ko sa pagkain. Akala ko kanina, tatanungin na niya ako kung kami na o hindi. Paano mo ba sasabihin kung anong sagot mo kung wala naman tinatanong sayo? Kelangan ba tatanungin ka muna bago mo sabihin ang sagot? Ang gulo. Bahala na. Meron pa naman ako hanggang gabi para ibigay o sabihin sa kanya kung kami na. Haha.
"Ahhh..." sabi ni kumag.
"Ha?"
"Nga-nga!" sabi niya ulit.
"Bakit?" tanong ko.
"Basta!"
"Ahh..." sabi ko sabay nga-nga. Sinubuan ako ni Vincent ng kanyang pagkain. Ang sweet ng kumag.
Pagkatapos namin kumain, tumayo na ako kaagad at nanood ng TV. Si Vincent naman ay naghugas at nagligpit ng aming pinagkainan. Habang nanunuod ng TV, iniisip ko parin kung paano ko sasabihin kay kumag yung status namin. Nakakaasar kasi naman talaga, hindi pa niya tinatanong. Baka daanin ko na lang sa sulat at ilagay sa bag niya. Siguro naman mababasa niya yun pagdating niya ng bahay. Kaso, ang problema ko naman ngayon eh paano ako magsusulat kung nandiyan siya. Eh bantay sarado ako ni Vincent. Paano ko magagawa yung sulat? Lagot na. Kung magkukulong ako sa kwarto, magtataka yun. At tsaka, papasok yun ng kwarto dahil siya mag-aayos ng kwarto eh.Magkukunwari na lang siguro akong jejebs para di ako guluhin ni kumag. Pero, paano ko ipupuslit yung notebook papasok sa CR. Malamang magtataka yun. Naman oh! Pero bago ko gawin yung balak ko, tatanungin ko muna si kumag. Pinuntahan ko sa kusina, tinabihan habang naghuhugas siya ng plato.
"Bisente! Wala ka bang tatanungin sakin?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman! Bakit?" balik niyang tanong.
"Sigurado ka? Wala ka rin bang gustong malaman?" tanong ko ulit.
"Wala naman. Kulit!" natatawa niyang sagot.
Nakakaasar! Patay malisya talaga ang kumag na 'to. Pinapahirapan lang ba niya ako o talagang hindi na siya interesado? Bigla tuloy akong nalungkot. Bahala na, idadaan ko na lang sa sulat. Pumasok ako sa kwarto para kunin ang notebook at ballpen. Ibinalot sa towel para di makahalata ang kumag. Binilisan ko na lang ang pagsulat. Paglabas ko ng banyo, siya naman ang pumasok. Sakto naman para sakin dahil pagkakataon ko na ilagay sa bag niya ang sulat. Pagkalagay ko sa bag niya, diretso ako sa kwarto at natulog. May pasok pa ako mamayang gabi.
Pagkagising ko, wala na si Vincent. Si Dylan naman nakauwi na, daming biniling pasalubong. Kakaalis lang daw ni Vincent mga isang oras lang nakalipas. Hindi na daw niya ako ginising dahil ayaw niya ako istorbohin sa pagtulog. Bigla na naman akong nalungkot. Nagtataka ako bakit di man lang nagpaalam si Vincent sakin bago umuwi. Pagtingin ko sa cellphone ko, wala man lang text galing sa kanya. Sinubukan kong tawagan, hindi sinasagot. Siguro nakatulog sa byahe.
Naligo na ako para pumasok sa trabaho. Kumain ng hapunan kasama si Dylan. Pagcheck ko ulit sa cellphone ko, wala parin text. Pagdating ko sa opisina, sinubukan kong tawagan. Di parin sinasagot. Pagtawag ko ulit, cannot be reached na ang line niya. Inisip ko na lang na pagod sa byahe yun at nakatulog pagdating ng bahay. Di na rin siguro nakapag-charge kaya nalobat ang cellphone niya sa kakatawag ko. Hanggang sa pag-out ko kinabukasan, wala parin text si Vincent. Sinubukan ko ulit tawagan, di ko parin macontact. Pagdating ko sa bahay, natulog na lang ako.
Pag-gising ko mga bandang hapon, una kong tiningnan ang cellphone ko. May isang text galing kay Dylan, pinaalala lang niya na kumain ako dahil di daw ako nag-almusal pagkauwi ko kanina. Akala ko galing kay Vincent. Hindi parin siya nagtetext. Sinubukan kong tawagan, nagriring na pero hindi niya sinasagot. Di ko na tinawagan ulit. Pinilit ko na lang kumain kahit wala akong gana. Gusto kong sana umabsent sa trabaho pero lalo lang ako malulungkot at maisip si Vincent kung andito lang ako sa bahay. Siguro may hindi siya nagustuhan sakin sa 3 days namin pagsasama dito sa bahay. Wala na talaga siguro 'to. Haist, isang linggong pag-ibig. Ni hindi nga pa nga dumating sa puntong nag-iibigan kame eh.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomansaThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.