CHAPTER FORTY – THREE
"Minsan kaya di ka maka-move on sa nakaraan, kasi dun ka naging pinakamasaya o pinakanasaktan."Sumama si Vincent sa amin pabalik ng Maynila. Nakiusap siya kung pwede niya akong makasama kahit isang gabi lang. Pumayag ako dahil hindi ko kayang makitang nahihirapan siya. Buti na lang may mga damit pa siya na nasa akin kaya may pamalit siya. Nung malapit na kami sa bahay, dumaan muna kami ng convenience store para bumili ng alak. Nagyaya uminom sina Dylan. Gusto ko na sana matulog na lang pero panigurado kukulitin lang ako ng mga 'to kung di ako sasali sa inuman. Naiwan kami ni Vincent sa kotse, sina Dylan at Joseph na lang ang bumaba para bumili.
"Salamat, Pao." simula niya habang sabay ngiti. Nginitian ko na lang din siya.
Dalawang malaking Red Horse. Dalawang The Bar. Chichirya. Goodluck. Hindi ako binilhan ng San Mig Light. 'Yun lang ang iniinom ko e. Pagdating sa bahay, tagay agad habang nanonood ng DVD. Iwas-senti kaya puro action at sci-fi movies ang pinanood namin. Hindi ko talaga gusto yung lasa ng The Bar kaya nagmakaawa ako na Red Horse na lang 'yung iinumin ko. Pumayag naman sila. Nung nakakalahati na sila sa pangalawang bote ng The Bar, hindi na kinaya ni Joseph. Sumuka siya. Inalalayan siya ni Dylan kaya kami na lang naiwan dalawa ni Vincent. Magliligpit na sana siya pero sabi ko ubusin na lang namin tutal konti na lang din naman ang natira. Sayang. Sumang-ayon naman siya. Niyaya ko siya na lumipat kami sa terrace para presko.
"Na-miss ko 'to. Hehe!" pagbasag niya ng katahimikan.
"Ako din. Hehe!"
"Tatlong buwan na rin pala mahigit."
"Oo nga eh. Pwede na ulit ako magka-lovelife. Tapos na ang three-month rule." biro ko. Di siya umimik. "Joke lang. Hehe!" dagdag ko.
"Naaalala mo pa ba 'yung una natin pagkikita?" tanong niya. Tumango ako.Cubao Expo. Paano ko makakalimutan yun eh yun din yung araw na nakita ko si James na may kasamang iba. Yun yung time na pumunta kami ng UP. Manonood din dapat kame ng mga pinsan ko ng movie nun.
"Eh yung pagkikita natin sa Tagaytay?" balik kong tanong. Natawa siya.
"Nung nawala ako, may nakilala ka bang iba?" tanong niya.
"Oo, si Jagger. Pareho nga kayo na 'baby' ang tawag sa akin. Mas malambing siya sayo at mas mabait. Di ako pinapaiyak." sagot ko. Napatingin siya sakin. "Ano? Anyare?" tanong niya.
"Nagda-drugs at nahuli 'ko sa akto na nakikipag-sex sa iba. At tsaka...."
"At tsaka ano?"
"...mas mahal kita!" sagot ko. Namula siya.
Bumalik si Dylan para magpaalam na matutulog na. Hindi na daw talaga kaya ni Joseph.
"Mahal din kita. Mahal na mahal parin kita." sambit niya pagkaalis ni Dylan.
"Kung talagang mahal mo ako, hindi mo kailanman magiging solusyon ang iwan ako."
"Alam kong nagkamali ako. It's all my fault and I'm really sorry, Pao. I want you back!""Vince, hindi masama ang magkamali dahil dun mo malalaman kung anong nawala sa'yo at anong dapat pinahalagahan mo. Pero sa paggawa ng mali, doon mo din malalaman na hindi lahat ng bagay ay may pangalawang pagkakataon. Alam mo 'kung anong pinakamasakit? Yung iniwan ka ng taong mahal mo nang walang dahilan, dahil wala ka namang ginagawang masama."
Katahimikan. Tanging ang kanyang pag-iyak lang ang kanyang maririnig. Ngayon ko lang siya ulit nakitang umiyak. Wala man lang luha pumatak mula sa mga mata ko, siguro dahil nailabas ko na lahat ng ng kailangan kong ilabas na luha. Nung tumigil na siya sa pag-iyak, niyaya ko na siya pumasok sa kwarto para matulog. Tabi kami natulog pero ramdam kong na may gusto parin siyang sabihin. Nakikiramdam ako pero wala parin siyang sinasabi hanggang sa nakatulog na ako. Paggising ko kinabukasan, wala na si Vincent.
----- oo0oo -----
OCTOBER 2010
Maaga akong pumasok. May new hire na naman kasi pero hindi ako ang magte-train kundi si Kiko. Gagabayan ko lang siya kung ano ang mga kelangan niyang ituro at kung may kelangan akong idagdag. May modules na rin naman na kanyang susundin para hindi na siya masyadong mahirapan. Pagdating ko ng opisina, nakita ko si Kiko. Aligaga.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomansaThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.