CHAPTER FOUR

603 17 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng ringing tone ng cellphone. Potek! Naistorbo ako sa pagtulog. Hindi tumitigil sa pagtawag yung nasa kabilang linya. Babangon na sana ako nang napansin kong nakahubad ako. Wala ako sa kwarto ko. Paglingon ko, may katabi ako. Bigla akong kinabahan. Wala akong matandaan. Dahan-dahan kong sinilip ang mukha ng taong katabi ko sa kama. Nagulat ako.

Binilisan ko ang pagbihis. Kelangan ko makaalis bago siya magising. Hindi pwede 'to. Dali-dali kong kinuhan ang aking cellphone para tawagan ang pinsan ko at magpasundo dahil di ko mahanap wallet ko.

"Pakshet, lobat ako..."

Dali-dali akong lumabas ng building at sumakay ng taxi.

"Mckinley hills po tayo, manong..."

Habang nasa byahe ako pauwi. Pilit kong inaalala kung anong nangyari kagabi. Ang huli ko lang natandaan ay tumabi sakin yung lalakeng tingin ng tingin sakin habang nag-iinuman kame ni Dylan. Wala na akong matandaan pagkatapos nun. Di ko na lang din pinilit tandaan ang totoong nangyari. Natulog na lang ako pagdating ng bahay. Pag-gising ko, gabi na.

"Where have you been last night, young man?" tanong ni pinsan.

"Hindi ba dapat ako magtanong niyan? Di mo na ako binalikan."

"Binalikan kita, wala ka na dun. Sabi nung nasa kabilang table, umalis ka na daw at may kasama pa ha?"

Biglang uminit mukha ko. Lagot ako.

"Bakit ka namumula?"

"May hangover pa ako!"


"Utot mo, pink! Come on, spill it!"

Hindi ko na siya sinagot. Hahaba lang ang usapan. Pumasok na lang ako sa banyo para maligo. Kukulitin lang ako ni Dylan hangga't makuha niya yung gusto niyang malaman. Potek, yun nga ang problema ko ngayon eh. Di ko alam kung anong nangyari. Wala din ako maikwento sa kanya.

Paglabas ko ng banyo, diretso ako ng kwarto para magbihis. Todo iwas kay kumag. Pero wala rin akong takas dahil magkasama kame sa isang bahay. Bahala na.

"Kanfeeeeermed!" sigaw ni kumag paglabas ko ng kwarto.

"Huh? Pinagsasabi mo? Bakit ganyan ka magsalita? Bakla ka na rin?"

Natawa siya. Lumapit siya ng konti sakin. Tiningnan ako. Kinikilatis.

"Kanfeeeeeeeermed nga! Hahahaha!"

"Problema mo?"

"Gotcha! Ano yan nasa leeg mo?"

Kinapa ko yung parte sa leeg ko na tinuro niya. Di ako nakapagsalita. Di ko 'to napansin kanina habang naliligo ako. Wala na akong takas.

"Aha! Tsikinini yan diba?"

"Utot mo, beige! Wala lang 'to..."

"Spill it, Paolo or else..."

"Or else what Dylan?"

Binigyan lang niya ako ng isang ngiti bilang sagot. Alam ko na ibig sabihin nun. Dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog na lang. Tiniis ko na lang ang gutom. Sasabihin ko rin naman talaga eh. Di ko lang talaga alam paano simulan dahil wala talaga ako matandaan. Haist, kakulit ng kumag. Bahala na bukas.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon