CHAPTER THIRTY - THREE

176 9 0
                                    

Ang sarap pala talaga ng feeling 'pag may halong pagmamahal ang pagtatalik. Hindi ko masabi kung anong flavor kung bakit ganun kasarap, basta masarap talaga. Talo pa yata ang alak sa pagbigay sakin ng hangover. Kung alam ko lang noon pa na ganun kasarap, matagal ko na sanang ibinigay ang gusto niya. Haha. Nung pauwi na kame pabalik ng Manila, pinagtatawanan ako ni Dylan dahil paika-ika ako maglakad. Eh sa masakit talaga eh at kumikirot pa. Pakiramdam ko nga nun eh parang nakabaon pa rin. Inihatid namin si Vincent sa trabaho tapos umuwi na pabalik ng Manila. Natulog na ako sa byahe dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.

Kinabukasan sa opisina, tambak ang desk ko ng maraming trabaho na naghihintay sa akin. Lahat pare-pareho ang deadline. Bigla akong tinamad at umuwi na lang para makapagpahinga. Ansakit parin ng katawan ko. Wala pa naman si Mommy Angeli para magmasahe sakin. Tinawag ako ng boss ko bago maglunch. May ite-train daw akong new hire. Buti na lang at ipinagawa na lang niya sa iba yung mga tambak na folder sa desk ko.

"What time ko ite-train yang new hire boss?" tanong ko.

"Mamaya na after mo maglunch..." sagot niya.

"Maganda ba yan? Sexy? Mayaman?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Lalake yung ite-train mo. Fresh grad lang din."

Bigla akong na-excite. Hindi na tuloy ako mapakali. First time ko kasi magtrain ng new hire eh. Nakakatuwa. Ako ang pinili ni boss. Feeling ko, pinagtitripan niya lang ako eh dahil alam niya na di ako sanay sa ganito. Medyo na-late ako ng konti pagbalik sa opis after lunch dahil may dinaanan pa ako saglit. Pagdating ko training room, andun na siya naghihintay. Bigla tuloy ako nahiya dahil late ako.

Siya si Kiko, taga-Biñan, graduate ng Letran. 21, 5'5", medyo maputi, pala-ngiti. Madali lang turuan si Kiko at nakikinig talaga sa sinasabi mo. Nakakailang nga lang dahil pag nagsasalita ka eh tinitingnan ka talaga. Eye contact kung eye contact. Sabi kasi nila, dun mo daw malalaman kung alam nung taong nagsasalita ang mga sinasabi niya sa pamamagitan ng eye contact.

"Any questions?" tanong ko sa kanya nung tapos na kame.

"May jowa ka na?" tanong niya.

"Yeah, going 3 months. Why?" balik kong tanong.

"Just asking!" sagot niya.

Dalawang linggo ko ite-train si Kiko. Sapat lang para sa mga kelangan kong ituro sa kanya. Bawas stress din dahil reports lang ang kelangan kong gawin. Si Kiko ang kasama ko tuwing lunch at kasabay pauwi dahil pa-South din naman siya. Bihira ko na lang nakakausap at nakakatext si Vince dahil parati siyang OT sa work. Minsan, 36 hours pa siya. Naiintindihan ko naman siya dahil pinagpapahinga ko na lang at bumawi na lang siya 'pag nakabawi na siya ng lakas at puyat. Nung mga huling tatlong araw na ni Kiko sa one-on-one training namin, nagyaya siya pumunta ng mall. Pa-thank you daw niya sa pagtiyatiyaga ko sa pagturo sa kanya.

Nung uwian na namin, pinauna ko na siya sa baba dahil may tatapusin lang ako na reports. Pagbaba ko sa lobby, nagulat ako ng makita ko si Vince na naghihintay sa akin. Hindi ko inexpect na susurpresahin ako ni kumag at susunduin ako sa trabaho. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Talaga naman 'tong si Vincent, napaka-unpredictable minsan.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong niya sa akin.

"Hehehe. Di ko kasi inexpect na susunduin mo ko. Akala ko busy ka parin sa work." Sagot ko.

"Miss na kasi kita eh. Tara na!" yaya niya.

"PAO! Tara na..." sigaw ni Kiko sabay lapit sa akin.

Awkward. Ang hirap ng sitwasyon ko. Paano ko sasabihin kay Kiko na di na kame matutuloy dahil sasama ako kay Vincent? Paano ko ipapaliwanag kay Vincent na niyaya ako ni Kiko lumabas na walang halong malisya at sa paraan na hindi siya magseselos dahil kame lang dalawa? Ramdam ko na namumula ako. Nagkatinginan ang dalawa.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon