CHAPTER THIRTY - TWO

196 12 0
                                    

NOVEMBER 2009

Ngayong buwan na magsisimula si Vincent sa kanyang trabaho. Hindi ko alam kung ano at paano na ang magiging set-up namin - kung ilang beses ko siya makakasama at makikita. Kakaiba kasi ang trabaho ng mga nurses eh. Kung hindi pumasok yung kapalitan mo, wala kang choice kundi magtuloy-tuloy hangga't may kapalitan ka. Malas mo kung aabot ka ng dalawang araw sa pag-duty. Isa ko pang inaalala eh magiging baligtad ang mundo namin dalawa. Gising siya sa gabi, ako naman ay tulog. Tulog siya sa umaga, ako naman may trabaho. Bihira pa naman kame nagkakaroon ng night shift na schedule pag patapos na ng taon. Ang hirap talaga! Dagdagan mo pa ang restday niya na tuwing Sunday lang. Ito lang ang tanging araw na bumabawi siya ng tulog. Paano na kame? Paano na ako? Wala ng sexy time?

Nung unang linggo niya sa trabaho, todo reklamo si kumag. Andami daw pinapautos sa kanya at andaming in-assign na pasyente. Nung bago siya mag-off, tumawag pa at umiiyak. Angkyut lang pakinggan ni Vincent na naglalabas ng sama ng loob sa telepono. Nung pangalawang linggo na niya sa trabaho, bihira na lang magparamdam sakin ni Vincent. Nagtetext na lang siya pag papasok na siya, uuwi at matutulog. Hindi man lang ako kinakamusta. Kahit tanungin man lang kung kumain na ako. Nandito na naman kame ulit sa sitwasyon na bihira na siya magparamdam. Malamang hindi na naman kame magkikita this week at kung hindi pa kame magkikita next week eh isang buwan na kame hindi nagkikita. Isang buwan na akong tigang. Badtrip.

Tatlong buwan na pala kame next week. Gaya rin ng dati, di ko alam kung may plano siya. Andami naman kasing kurso na pwedeng kunin nung college, nursing pa yung pinili niya. Ang hirap tuloy sumingit sa oras niya. Sa totoo lang talaga, nakakabaliw yung hindi kayo nagkikita tapos madalang pa kayo magusap o magtext. Buti pa si Gene, weekly ang dalaw kay Dylan. Todo asar at inggit pa sila sakin ang tuwing magkasama sila. Hindi ko na talaga ma-take. Nakakabaliw! Nung pumunta sa bahay si Gene nung weekend, bigla na lang ako naiyak sa inggit sa kanilang dalawa. Unfair! Unfair talaga!

"Baby, gusto na kita makita. Sobrang miss na miss na kita!" text ko sa kanya. Wala akong natanggap na reply hanggang sa nakatulog na ako.

"Sobrang miss na miss din kita! Sorry baby, busy masyado sa work. Nawawalan na ako ng time sa'yo! :'(" reply niya sakin kinabukasan nung nasa office na ako. Di ko nireplyan.

Sabi ko sa sarili ko, kung walang plano si Vincent next week na puntahan ako. Ako na lang ang pupunta, susurpresahin ko na lang siya sa work niya. Alam ko naman kung saang hospital siya nagwowork. Mag-oovernight na lang ako dun at hintayin ang pag-out niya sa trabaho. Subukan ko na lang din yayain sina Dylan at Gene para may magda-drive sakin at di na ako mapapagod pa.

"Peace be with you, baby! I love you! " text niya sakin pagkagaling niya sa misa.

"...and also with you. I love you too! Ano plano sa Tuesday?" reply ko.

"Di ako makakacommit baby pero try kita puntahan paglabas ko sa duty! Gusto na rin kita magkita..."

"Sige, ayos lang. Kung di mo kaya, pahinga ka na lang! "

Paglabas ko sa office ng Monday evening, umuwi na ako kaagad at nag-ayos ng gamit. Hinihintay ko na lang ang driver ko at ang jowa ning si Gene. Hehe. Umalis kame mga bandang alas-nuebe ng gabi dahil wala na masyadong trapik. Nagtake-out na lang kame at sa kotse na lang kumain. Buti na lang at sa may Olivares lang din yung hospital kung saan nagwowork si kumag, madali lang namin mahahanap. Nakarating kame sa Olivares ng mga bandang alas-onse na ng gabi, parang nakakapagod bumiyahe pag gabi. Kumain kame sa Jollibee tapos tumambay sa Starbucks.

"Kamusta duty mo, baby?" text ko sa kanya habang nasa Starbucks kame.

"Petiks ako ngayon, wala masyado ginagawa. Nasa Nurses' station lang ako mag-isa. Huhu!"

"Puntahan kita diyan, baby?"

"Kung pwede lang sana eh..."

"Bakit naman hinde? Gusto mo dalhan kita pagkain?"

"Hahaha. Patawa! Di sinasabi iyan, ginagawa!"

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon