Tatlong araw na rin nakalipas nung nakita ko si James na may kasamang iba sa UP. Hindi ko na rin siya tinetext. Hindi na rin naman niya ako tinetext. Bahala na siya sa buhay niya. Sanay na ako na niloloko ako kaya alam ko na ang gagawin ko tuwing nangyayari sakin yun. Inom, kain at gala lang katapat, solve na. Tapos, move on na.
Isang linggo rin ako nag-food trip kung saan saan. Binondo, Vikings, Yakimix at Crustacia. Minsan, tambay sa may UP kasama pinsan ko, kumakain ng fishball sa tabi-tabi. Tambay sa Technohub hanggang madaling araw. Woohoo! Ansarap ng mga pagkain. Bochog na naman ako. Pero kailangan ko 'to. Buti na lang isang linggo akong naka-leave.
"May gagawin ka ba bukas?" tanong ko kay Dylan.
"Wala naman, bakit?"
"Samahan mo ko.."
"Saan naman?"
"Tagaytay!"Kinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga, gising na ako. Inayos ko na lahat ng dadalhin at kelangan namin ng driver ko. Excited ako. Pers taym kong pumunta ng Tagaytay. Balita ko kasi malamig daw dun eh.
"Ano gagawin natin sa Tagaytay?" tanong ni Dylan sakin.
"Basta! Mag-drive ka na lang..."
"May utang ka pang kwento sakin..."
"Anong kwento?"
"Tungkol dun sa tsikinini na nakita ko sayo..."
"Utot mo, pula! Wala yun..."
"Sige lang Paolo, malalaman ko din iyan..."Pagdating namin sa may Olivares, kumain muna kame sa jollibee. Nagtake-out ng chickenjoy bucket si kumag dahil gugutumin daw siya sa pagdrive ulit.
"Dito mo na lang ako hintayin sa may siete-onse.."
"Bakit mo ko iiwan dito?"
"Eh di gumala ka din pero di tayo pwede magsabay. Magkita na lang tayo dito mamaya mga alas-dos ng hapon..."Isa lang naman ang gusto kong puntahan talaga dito sa Tagaytay bukod sa Picnic Grove. Yung People's Park. Ansarap kasi ng feeling pag nandun ka na sa taas. Ang ganda ng view. Nag-rent ako ng binoculars para makita ko yung mga lugar ng malapitan. Nakakatuwa. Parang ayoko na tuloy umuwi at dito na lang manirahan.
Bumalik na ako sa may siete-onse bago mag-alas dos. Nagtatantrums kasi yung pinsan ko 'pag pinaghihintay mo siya eh. Dumiretso kame sa malapit na starbucks, dun kame sa lugar kung saan medyo tanaw mo yung Taal. Magallanes Square yata yung pangalan ng lugar. Pagdating namin dun, dumiretso na ako sa loob para umorder, si pinsan naman ay nag-park ng kotse at naghanap ng aming mauupuan.
"Venti Caramel Macchiato and Venti Green Tea for Paolo.." sabi ng barista.
Habang kinukuha ko yung order ko, biglang may nagsalita sa likod ko.
"So, you're Paolo?"
"Yes, wh...h...."
Di ko na natapos yung sasabihin ko. Bigla akong pinawisan ng malamig. Sa dami ng lugar sa Pilipinas, dito pa sa Tagaytay. Di ko inaasahan na makikita ko ulit siya. Si anonymous guy.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.