CHAPTER THIRTY – EIGHT
MARCH 2010
Three months. Sabi ko kay Vincent, bigyan niya ako ng tatlong buwan para makapag-ipon pa. Hindi naman kasi biro yung naisip niya eh. Dahil sa kagustuhan kong makapag-ipon, panay ang OT ko sa trabaho. Sabi ko na lang na may hinahabol kaming deadline. Sayang din naman kasi ang kikitain. Wala rin naman akong gagawin sa bahay bukod sa makipagharutan kay Vincent. Nagtatampo na nga yung kumag dahil parati na akong late umuwi at kadalasan tulog na siya pagdating ko.
"Uwi na. Miss na kita." text niya.
"Asus. Teka lang, malapit na matapos". reply ko.
"Pag di ka pa nakakaalis diyan ng 8pm, ako ang pupunta diyan!"
"Eto na, pababa na."
"That's my baby! I love you..."Pagdating ko ng bahay, nagulat ako dahil may handaan. Wala naman okasyon. Naka-apron pa si kumag. Tinanong ko si kumag kung ano meron, tinawanan lang ako. Akala yata niya nagbibiro lang ako. Pero natigilan siya sa kakatawa nung narealize niya na seryoso talaga ako. Hinubad niya yung suot niyang apron, may kinuhang regalo sa may sala at inabot sakin.
"Happy 7th! Regalo mo..." sabi niya sabay pasok sa kwarto.
"Shiiit!" sabi ko sa sarili ko.Hindi ko talaga alam kung bakit ko nakalimutan. Ganito ba talaga kung marami kang iniisip at iniintindi? Naka-set naman yung reminders ko every 17th of the month tungkol dito pero bakit di ko nabasa? Lagot na. Masyado ko na yatang binabalewala si Vincent. Baka isipin niya eh may iba na ako kaya ako parating late na umuwi. Tapos, nadagdagan pa to ngayon. Nakalimutan ko yung importanteng araw namin.
"Baby.." tawag ko sa kanya pagpasok ko ng kwarto.
"Nakalimutan mo noh?" tanong niya.
"Oo. Sorry, wala akong excuse." sagot ko.
"Tara na, kain na tayo. Huwag natin hayaan na masira yung gabi natin..." sabi niya.Habang kumakain kame, di niya ako pinapansin. Todo kain lang siya. Nakatingin lang sa pagkain. Sa sobrang guilty ko, naiyak ako habang kumakain. Ang pathetic ko lang.
"Why are you crying?" tanong niya.
"I'm really sorry. Hindi ko talaga naalala!" sabi ko sa kanya.
"Hey, it's okay."
"It's not. Alam kong nagtatampo ka dahil nawawalan na ako ng oras para sayo. Sorry.""Minsan, naiisip ko na baka may iba ka na. Pero alam ko naman na walang katapat 'tong kagwapuhan ko." sabi niya. Natawa ako.
"Bakit ka natawa?" tanong niya.
"Ang kapal kasi ng mukha mo eh..." sagot ko.
"Totoo naman ah?"
"Alin? Na makapal ang mukha mo?"
"Hinde! Walang katapat ang kagwapuhan ko!"
"Conceited!" sabi ko.
"Madrama!" sagot niya.Natawa ako dahil nakakatawa mukha ni kumag pag seryoso. Masyado kasing bilib sa sarili. Akala mo eh ang gwapo talaga niya. Kaasar!
"Dahil marami ka nang atraso sakin, may parusa ka mamaya!" sabi niya sabay kindat sakin.
"Matutuwa ba ako diyan?" tanong ko.
"Hinde, masasarapan! Hahaha!" sagot niya.
Sexy time!
----- oo0oo -----
APRIL 2010Two months. Dalawang buwan na lang, tuloy na tuloy na kame papuntang Singapore. Lahat planado na. Naka-book na ang flight. May matutuluyan na kame at ready na ang itinerary namin pagdating dun. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay samin sa pakikipagsapalaran sa SG pero kakayanin ko. Nakakakaba. Nakakatakot.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.