CHAPTER FORTY – ONE
"May mga pangyayare na nakalimutan na ng ISIP pero natatandaan parin ng PUSO!"Hinayaan ko si James manligaw kahit sinabi ko na sa kanya na hindi pa ako handa makipagrelasyon ulit. Gaya ng inasahan ko, sinabi niya na maghihintay siya. Hindi ko rin sigurado kung gusto ko makipagbalikan kay James. Bukod sa parati ko siyang pagdududahan, di ko na rin siguro magawang magtiwala pa ulit sa kanya. Grabe din yung emotional stress na naranasan ko kay James nun. Pero parang nagbago na si James. Hindi na siya tulad ng dati. Lahat ng mga lakad niya, pinapaalam niya sakin. Kung sino mga kasama niya at kung saan sila pupunta. Gusto daw niya bumawi sakin sa mga pagkukulang na nagawa niya dati. Kaya lahat ginagawa niya. Iyong mga hindi niya ginagawa dati, ginagawa na niya ngayon. Pinagluluto, binibisita, hatid at sundo minsan, sleepover sa bahay at kantahan ako kahit wala sa tono. Nagkakatampuhan din minsan pero siya rin kaagad nakikipagayos. Anlaki na nga ng pinagbago ni James.
Kung maganda yung nangyayari samin ni James, iba naman sa kaso namin ni Kiko. Ilang araw ko na napapansin na hindi niya ako kinakausap 'pag di ko siya kinakausap. Kung nagkakasalubong kame, mahahalata mo na kunwari eh nasa ibang direksyon siya nakatingin at hindi ako nakita. Nung isang araw, akala niya hindi ko nakita na nag-iba siya ng direksyon nung nakita niya ako. Tinanong ko si Mommy Angeli kung may alam siya, ayaw naman niya sabihin sakin. Mas mabuti daw na kay Kiko mismo manggaling.
"Kiko!" tawag ko sa kanya habang palabas ng office. Lumingon siya pero nung nakita niya na ako yung tumawag, naglakad ulit siya.
"Kiko naman eh! Pansinin mo naman ako!" sigaw ko habang patakbo sa kanya.
"Ano ba kailangan mo sakin?" asar niyang tanong.
"Wala. Namimiss na kasi kita." sagot ko.
"Sus. Dun ka na kay James."
"Ayun. Lumabas din ang totoo. Uyy, nagseselos siya."
"Ewan ko sayo." sabay lakad niya.
"Aysus. Ikaw talaga. Halika nga dito." habol ko sabay akbay. Di na siya pumalag.Niyaya ko siya gumala sa Gateway. Nilibre ko sa Wendy's sa may foodcourt. Pinag-usapan tungkol sa mga kadramahan niya nitong mga nakaraang araw at kung ano ang pinagkaabalahan niya.
"Huwag mo na ulit gagawin yun ah?" simula ko habang kumakain kame.
"Ang alin?"
"Iyong iwasan ako. Di ko kasi kaya eh. Namimiss kita agad."
"Bolero ka na pala ngayon."
"Bolero ka diyan. Halikan kita diyan eh. Totoo yun noh."
"Tagal naman. Halik na, bilis."
"Hahahaha. Baliw. Sige, mamaya."Nauna ako matapos kumain kaya nagpaalam muna ako na pumunta sa washroom. Habang papunta ako ng washroom, parang nakita ko si James na pumipila sa may KFC. Hindi ko na tiningnan kung siya yun dahil ihing-ihi na ako. Tinext ko siya kung nasaan siya, reply niya eh nasa Trinoma siya kasama family niya for dinner. Paglabas ko ng washroom, nasa labas na si Kiko naghihintay habang kumakain ng burger at hawak yung inumin sa isang kamay.
"Bakit andito ka na? Di ka pa tapos kumain ah?"
"Baka ma-late na tayo sa movie. Tara na, akyat na tayo."
"May 30 minutes pa naman ah."
"Basta, tara na sa taas. Tsaka, daming tao sa foodcourt."Pag-akyat namin sa sinehan. Nagmamadali siya kaagad pumasok sa sinehan. Tinanong ko kung bakit, sabi niya eh para makakuha kame ng magandang pwesto. Going the Distance pinanood namin, si Drew Barrymore ang bida. Di ko kilala yung bidang lalake pero cutie narin para sakin. Pagkatapos ng movie, niyaya kaagad ako ni Kiko palabas ng sinehan at parang nagmamadali.Pero binitawan ko rin kaagad yung pagkakahawak niya sakin dahil ihing-ihi na ako at kelangan ko pumunta sa CR. Sumama na rin siya.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.