CHAPTER THIRTEEN
Kinabahan ako. Di ako sanay na nagpapaiyak ng tao. Pinagtitinginan na din kame ng mga tao. Di ko alam anong gagawin ko at kung paano ko siya patatahanin. Dapat pala di ko na iniba ang rules, bakit pa kasi ginawa kong oo/meron yung ketchup at hindi/wala yung sundae nang di ko sinasabi sa kanya. Nagtantrums tuloy ang kumag. Nakayuko parin ang kumag, di ako kinikibo. Humihikbi.
"Sorry Vince..." simula ko.
"Bakit ka nagsosorry?" bigla niya inangat ang ulo at tumingin sakin. Nakangiti.
"Kasi iniba ko yung rules..."
"Alam ko, kaya nga ako naiyak sa kaligayahan eh. Alam ko naman na gusto mo talaga ako e."
"Huwaw! Lakas!"
"Salamat, Pao!"
"Salamat saan?"
"...for making me happy!"
Di ko na sinagot ang kumag. Umalis agad ako para mag-CR. Andaya niya, anduga niya. Di ko naman pinapahalata na gusto ko na din siya pero napaka-assumero. Anlakas ng tiwala sa sarili. Akala mo kung sinong sobrang gwapo. Kung mas tuso ako, mas tuso pala siya. Nakakaasar! Ang weirdo talaga niya.
"Pao, marunong ka ba mag-budget?" tanong niya sakin pagkabalik ko galing CR.
"Huh? Bakit?" tanong ko din.
"Napapamahal ka na kasi sakin eh! Hehehe!"
"Huwaw! Lakas! Bastos ka rin noh?" sabi ko.
"Hala, bakit?" tanong niya.
"Bigla-bigla ka kasing sumusulpot sa isip ko eh! Hahaha!" sabay tayo.Niyaya ko na umuwi ang kumag. Dinadalaw na ako ng antok. Dun ko na lang muna pinatuloy sa bahay. Nakakahiya naman kasi kung pauwiin ko na kaagad eh mas mahaba pa yung oras ng byahe niya sa oras na magkasama kame. Binalikan muna namin yung kotse sa office. Tahimik lang ang kumag habang nasa byahe. Nakatingin sa labas at nakangiti. Weirdo talaga.
"Matulog ka na, dito lang ako sa sala manunuod ng TV." sabi niya sakin pagpasok namin ng unit.
"Paano ka?" tanong ko.
"Huwag mo na ako alalahanin." sagot niya.
"Sige, pero kung inaantok ka, pwede ka matulog sa tabi ko pero lagyan mo ng boundary ah. Pag gutom ka, kuha ka lang sa ref." sabi ko.
"Opo! Naks, sweet ng baby ko!" nakangiti niyang sabi.
"Huwaw! Baby! Lakas mo!" sabi ko sa kanya bago pumasok sa kwarto para makapagpalit ng damit.Nagshower na ako at nakapagpalit na rin. Tiningnan ko muna ang kumag kung ano ang ginagawa sa sala. Nanonood ng sponge bob. Weirdo. Antanda tanda na, nanunuod pa ng cartoons na pambata. Pinahiram ko siya ng towel at damit para makapagpalit muna siya at para di siya mabaho kung tatabihan man niya mamaya habang natutulog ako. Sinamahan ko muna siya ng ilang minuto habang nanonood parin ng sponge bob. Ayaw niya na kinakausap siya habang nanonood ng palabas na yun kaya tahimik na lang din ako. Hindi daw siya nakakapagconcentrate 'pag dinadaldal siya. Nagpaalam na rin ako na matutulog ng magcommercial break.
Hindi ko alam kung anong oras na nun pero nagising ako ng pumasok siya sa kwarto ko. Di ko pinahalata at nakapikit parin ako. Naramdaman kong humiga na siya sa kama. Hinihintay ko na yakapin ako habang natutulog o di kaya nakawan ng halik. Nagpalit ako ng posisyon para makita ko itsura ng kumag. Naka-fetal position sa paharap sa kabilang side. Walang siyang unan dahil ginawa niyang boundary yun sa gitna namin. Masunurin ang mokong.
"Bakit di mo ginagamit ang unan?" tanong ko pagkakalabit ko sa kanya.
"Eh sabi mo maglagay ako ng boundary!" sagot niya at biglang humarap sakin.Nagtama ang aming mga mata. Tiningnan niya ako. Bigla akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sa mukha ako. Isa pa niyang galaw, mahahalikan na niya ako. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Pumikit na lang ako. Naghintay ako. Mga 10 seconds na rin siguro akong nakapikit nang bigla niyang sinabi...
"Feeling mo naman hahalikan kita?" sabay tawa ng malakas.
Hinampas ko siya ng unan.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomansThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.