Di na ako nakapagsalita dahil nabigla ako sa ginawa niya. Hinatak na rin niya ako palabas dahil magsisimula na ang movie. 500 Days of Summer yung pinanood namin. Nakatulog ako sa kalagitnaan ng palabas. Paggising ko, nakahiga ako sa balikat nung kumag. Di man lang ako ginising. Di ko tuloy masyadong naintindihan yung palabas. Basta ang alam ko lang, di nagkatuluyan yung bidang babae at lalake. Haha!
Dyahe. Nakakahiya. Baka isipin niya di ko naenjoy yung movie na pinili niya. Baka isipin niya sinadya kong magtulug-tulugan para makatulog ako sa balikat niya. Tangina this situation. Pero natuwa ako, ambango niya. Di nakakasawang amuyin. ADG ang pabango kung di ako nagkakamali.
Pagkatapos ng movie, niyaya niya ako tumambay sa Seattle's Best Coffee. Sabi ko sa kanya, ako na bibili. Todo tanggi naman ang kumag. Hanep! Ayaw ako pagastusin. Sagot daw niya lahat. Siya daw bahala sakin. Umupo kame sa labas ng SBC, yung isa sa mga benches dun. Pinagmasdan ang mga dumadaan.
"Laro tayo!" sabi niya.
"..ng ano?"
"Let's call this game, Rate That Guy! Sa bawat taong dadaan, i-rate natin from 1 to 10, 10 being the highest. "
"Bring it on!"
"...pero may twist!"
"Ano naman?"
"Sasabihin mo kung type o hindi. Pangmatagalan or Pangkama lang. Kung ano yung nagustuhan mo at ayaw mo dun sa tao. Hahah!"
"Andami naman!" reklamo ko.
"Walang basagan ng trip!"
"Loko lang. Hahah! Simulan mo na. Ayan oh, may parating!" sabi ko.
Unang biktima: Chinito, Mapanga, Maputi, Matangkad.
"8.5, not my type, pangkama lang, gusto ko yung mata, ayoko sa nagmumurang niyang panga..." simula niya.
"9.5, not my type, pangmatagalan, gusto ko yung ilong kaso masyadong maputi..." sabi ko naman.
Pangalawang biktima: Moreno, Matangkad, Payat, Gwapo
"5.5, not my type, pangmatagalan naman siguro, gusto ko yung lips kaso ampayat!" sabi niya.
"7.0, my type, pangmatagalan, nice eyes kaso payat..."Nung naka-sampung biktima na kame siguro, biglang may lumapit samin na cross-dresser. 'Yung mga mahahalata mong nandun lang para bumingwit ng mga foreigners at peperahan sila. Yun ang tangi nilang pinagkakakitaan. Sa unang tingin, hindi mo mahahalatang lalake. Ang kinis at babaeng-babae talaga ang itsura. Panalo!
"Hi! Mag-jowa ba kayo? Angkyut niyong tignan!" sabi niya samin.
"Hindi kame magjowa, we're groupmates. Actually, we're here to conduct a research regarding prostitution. Pwede ka ba?" sagot ni Vincent sabay kunwari na may kukunin sa bag ko.
"Oh, sorry. May pupuntahan pa kasi ako. Sige..." sabay alis nung crossdresser.
Anlakas niya mag-trip. Tawa ako ng tawa sa reaksyon ng bading pagkabanggit ni Vincent sa salitang "prostitusyon". Andami niyang alam na kalokohan. Bumalik kame ulit sa gawain namin.
Di ko na matandaan kung naka-ilang biktima na kame nung nagpaalam akong mag-CR. Nababanas na kasi ako eh. Puro "not my type" yung naririnig ko sa kanya at halos puro "pang-kama". Di niya type pero pang-kama? Ano yun, puro pang-alis kati? Ang gulo ng kumag! Antaas yata ng standards kaya siguro walang natatagalan sa kanya. 3 months yung pinakamatagal niyang relationship. Matagal pa daw siya nagmove-on sa lagay na yun ah? Weirdo.
Pagbalik ko mula sa CR. Nakita ko ang kumag na nakangiting-aso habang papalapit ako. Kinindatan niya ako. Natawa na lang ako. Napaka-weirdo.
"10, my type, pang-matagalan, lahat gusto ko sa kanya, walang dapat ayawan." sambit niya pagkaupo ko...
"Asan na?" tanong ko pagkaharap ko sa kanya.
"nasa harapan ko..." sabi niya na naka-ngiting aso.
'Yun 'yon eh!
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.