SEPTEMBER 2009Wake up in the morning feeling like P Diddy (Hey, what up girl?)
Put my glasses on, Im out the door - Im gonna hit this city (Lets go)
Before I leave, brush my teeth with a bottle of Jack
Cause when I leave for the night, I aint coming back
Im talking - pedicure on our toes, toes
Trying on all our clothes, clothes
Boys blowing up our phones, phones
Drop-toping, playing our favorite cds
Pulling up to the parties
Trying to get a little bit tipsyTunog na nagpagising sakin.
Tunog ng alarm gamit ang cellphone ko.Isang buwan na kame ni Vincent bukas bilang magkasintahan. Excited na ako. May plano na ako kung ano ang gagawin namin kahit wala pa kaming pinagusapan tungkol dun. Ayoko din magopen-up sa kanya. Baka isipin pa niya eh patay na patay ako sa kanya. Sobrang miss ko na ang kumag. Dalawang linggo na kame hindi nagkikita dahil sobrang busy na siya sa paghahanap ng trabaho. Nape-pressure na kasi siya dahil ayaw niya na maging dakilang PAL sa kanilang bahay. Pag may trabaho na siguro siya, less time for me lalo na't malayo kame sa isa't isa. Pero kahit na malayo kame sa isa't isa, wala naman mintis si Vincent sa pag-update sakin kung ano ang ginagawa niya o kung nasaan siya. Kagaya nung isang araw, nagtext siya na nangungulangot daw siya habang nanonood ng TV. Adik lang.
"Baby, pwede ka ba bukas? Gusto kita makita." text ko sa kanya.
"Sobrang miss mo na ba ako baby?" reply niya.
"Magtatatlong linggo na kaya tayo hindi nagkikita. Naka-leave na ako bukas."
"Sige baby, will let you know. May interview kasi ako bukas. Pag maaga natapos, sabihan kita. Puntahan na lang kita at diyan ako matulog. Okay?"
"Okay sige. Balitaan mo na lang ako ah? Sige, prepare na ako for work."
Isa na naman stressful na araw para sakin. Siksikan sa MRT. Traffic. Malagkit na pawis. Andiyan na rin yung mga amoy ng mga kasama mong pasahero sa MRT. Badtrip pa kung makasama mo o makatabi mo ang mga may baktol. Panalo! Bagong ligo ka at bihis na bihis tapos makakatabi mo eh mabaho at naliligo sa pawis. Kaya ayoko magcommute eh. Pagdating sa office, haggard na kahit nagsisimula palang ang araw ko. Bwiset kasi 'tong mga taong sumasakay sa MRT eh, wala man lang konsiderasyon.
----- ~ o0o ~ -----
"Kamusta na kayo ni Vincent?" pambungad na tanong ni Dylan sakin pagdating ko ng bahay.
"Ayos lang naman!" sagot ko.
"Ayos? Eh ilang araw na kaya kitang nakikitang malungkot!"
"Utot mo, dilaw! Stress lang ako sa trabaho at sa pag-commute!"
Tagal na rin namin hindi nakapagbonding ni Dylan. Huli yata naming gimik na magkasama eh yung gabing nag-inuman kame sa Cubao Expo kung saan ko rin nakilala si Vincent. Na-miss ko na rin ang kakulitan ni Dylan. Alam na alam din niya kung may problema ako o kung may iniisip. Kaya nasabi niya kaagad na malungkot ako sa isang tingin lang. Totoo naman talaga, medyo nalulungkot na ako dahil halos tatlong linggo na kame hindi nagkikita ni Vincent. Naiintiindihan ko naman siya. Nag-aalala rin ako dahil baka mawalan ng time sakin si Vincent 'pag nagkatrabaho na siya. Buti sana kung dito siya sa Maynila magtatrabaho. Mas gusto niya daw na malapit lang sa kanila. Ayoko rin naman makialam sa desisyon niya lalo na't bago pa lang din kame.
"Kelan mo ipapakilala sakin si Jane?" tanong ko kay Dylan habang kumakain kame ng hapunan.
"Tsaka na pinsan 'pag medyo matagal na kame!" sagot niya.
"Ganyan din ang sabi mo kay Hanna eh hanggang sa nagbreak na lang kayo, di mo pinakilala!"
"Kulit mo eh noh?"
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.