CHAPTER THIRTY - FIVE

184 13 4
                                    

Lintik na Vincent 'to, pinagtitripan ako sa Araw ng Pasko. May I'm-breaking-up-with-you pang nalalaman. Break ko kaya face niya, tingnan ko lang kung magiging merry pa ang christmas ng kumag na 'to. Alam pala ni kumag na kina James ako nagnoche buena. Kaya nga daw hindi sna siya nagreply sakin. Tinanong ko kung paano niya nalaman, ayaw niya naman sabihin sakin. Pero duda ko, si Dylan ang nagsumbong sa kanya. Saglit lang si Vincent sa bahay dahil may pupuntahan sila ng pamilya niya sa Rizal. Dumaan lang daw diya saglit para ibigay yung gift niya sa akin at yung pasta na ginawa niya.

"Gusto mo samin magbagong taon?" tanong niya sakin. Tumango ako.

"Sige, sabihan ko si Mama mamaya."

"Sigurado ka ba?" tanong ko.

"Oo naman. At tsaka, may sasabihin ako sa'yo na importante. Gusto ko din sabay natin harapin ang bagong taon." sagot niya.

Pag-alis ni Vincent, natulog na lang ako. Gusto ko pa sana kainin yung dala niyang pagkain kaso di ko na kayang labanin ang antok. Si Dylan naman, hinahanda ang mga pagkain na dala niya. Darating daw yung mga tropa niya at tsaka si Gene, sa bahay na nila gagawin ang Christmas Party nilang mag-tropa. Mga bandang alas-dies na ng gabi ako nagising. Paglabas ko ng kwarto, nandun na ang mga tropa ni Dylan. Sinalubong ako ni Dylan na medyo nakainom na.

"Kain ka na insan..." sabi niya.

"Maya konti, cr muna ako saglit. Dami niyo naman magkatropa..."

Pagkatapos ko mag-cr, kumuha ko na ng aking makakain tapos bumalik ulit sa kwarto. Ayoko makihalubilo sa mga tropa ni Dylan na halos taga-UP lahat, baka magka-epistaxis na lang ako bigla at cerebral hemorrhage. Mas gugustuhin ko pa matulog.

"Pao, labas ka muna saglit. Ipapakilala kita sa tropa ko..." sabi ni Dylan.

"Bakit? Kahit hindi na, ayos lang ako..." sagot ko.

"Gusto ka kasi nila makilala. Tara na!"

"Ayoko nga."

"Lalabas ka ng kwarto o papasukin ko sila dito?" banta niya.

Nyemas talaga 'tong Dylan na 'to. Ubod ng kakulitan. Gusto pa ako ilagay sa hotseat nung pinakilala niya ako sa mga tropa niya. Kaya pala niya niyaya ang mga tropa niya sa bahay ay para pormal na ipakilala sa kanila si Gene. Pormal na rin ang kanyang hindi pagiging kloseta. Nakakainggit. Sana gawin din sakin ni Vincent yun.



"Are you single?" tanong sakin nung isang tropa ni Dylan bago ako bumalik sa kwarto. Ngumiti ako sabay pakita ng suot kong singsing.

----- oo0oo -----

"Baby, sa 30 ng hapon na ang uwi namin ng Tagaytay. Sabay ka na sakin. Daanan kita..." text sakin ni Vincent.

"Nagpaalam ka na ba? Sure ka na ba diyan?"

"Oo. Sure na!"

"Final answer?"

"Yes, final answer."

Sinundo ako ni Vincent mga bandang alas-dos na ng hapon. Pero mga alas-singko na kame ng hapon umalis ng bahay, nagpahinga muna siya saglit dahil kulang pa siya sa tulog. Kumain na rin kame muna ng merienda. Habang nasa byahe kame, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Okay ka lang baby?" tanong niya habang nagdadrive.

"Kinakabahan ako." sagot ko.

"Gusto ka na makilala ni Mama..." sabi niya. Di ako umimik. Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Baka maldita ang nanay ni Vincent.

"Huwag kang mag-alala, di ako aalis sa tabi mo." sabi niya sabay hawak sa kamay ko habang nagda-drive.

Meet the family. Sanay na sanay ako sa ganito sa mga naging girlfriend ko. Tinanong ko si Dylan kung ano ang feeling, parang first day of class lang daw sa isang terror na prof. Lintik yun, nanakot pa. Tinanong ko naman si James, wala naman siyang ideya. Lahat daw ng ex niya eh lantad na kaya di na naging problema sa kanya yun. Goodluck na lang sakin mamaya. Bahala na ang Justice League at Avengers.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon