OCTOBER 2009
Sampung araw na nakalipas simula nung nagkaroon kame ng matinding problema ni Vincent. Sampung araw na rin kami hindi nagkikita. Sumang-ayon na rin siya sa mungkahi ko na huwag muna kame magkita. Sabi ko sa kanya, alamin muna niya kung ano ba talaga gusto niya. Kung sino talaga yung gusto niya samin nung Tres. Sa sampung araw na hindi namin pagkikita ni Vincent, kina Mommy Angeli muna ako nag-stay para hindi ako makita ni Vincent kung sakaling hindi niya ako matiis. Nung pangalawang araw pa nga lang namin na walang komunikasyon, tawag ng tawag siya at todo text. Nagbago na daw isip niya, binabawi na daw niya yung sinasabi niya na sang-ayon siya na 'wag muna kame magkita at walang komunikasyon. Di ko sinasagot at nirereplyan mga tawag at texts niya kahit gustong-gusto ko.
Nakatulong sakin ang pagtira kina Mommy Angeli sa loob ng sampung araw. Wala kasi yung mga anak niya, nasa bakasyon. Naiwan si Mommy mag-isa. Sa buong araw na nandun ako, kain at tulog lang ang ginawa ko. Ansarap mag-alaga ni Mommy. Sabi niya, sabik na sabik daw kasi siya magkaroon ng anak na lalake. Kaya sa loob ng sampung araw na nagkaroon siya ng pagkakataon na maging anak ako eh nilubos na niya. Anlaki na ng pisngi ko sa kakalamon. Hindi ako pumasok sa trabaho ng isang linggo. Sinabi ko na lang na may importante akong aasikasuhin. Ako ang naging taong bahay ni Mommy Angeli kasama yung helper nila. Hindi ako lumalabas ng bahay. Feeling ko, naging anti-social ako. Pagbalik ko nung Lunes sa trabaho, pinagtripan nila lahat ang pisngi ko. Bilog na bilog daw. Halos lahat ng mga tao na nakakasalubong ko eh kinukurot ang pisngi ko. Nakakaasar! Hindi pa natatapos ang araw ko sa opisina, pulang-pula na ang pisngi ko.
Magkikita kame ni Vincent. Pupuntahan niya ako sa bahay mamaya. Ngayon lang din ulit ako makakauwi sa unit namin. Hindi ko alam kung paano haharapin si Vincent. Hindi ko alam paano siya kakausapin. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Hawak-hawak ko ang singsing na bigay ni Vincent. Binigay niya ulit sakin 'to. Sabi niya, isuot ko daw ang singsing ulit pag ready na ulit ako tanggapin siya. Hindi pa ako sigurado kung ready na akong ulit tanggapin si Vincent pero sigurado akong handa na ako magsimula ulit kame ng panibago. Pagkalabas ko ng trabaho, diretso agad ako umuwi. Nagtaxi na ako dahil mabigat ang dala kong bag dahil galing pa ako kina Mommy Angeli. Kelangan ko na rin makauwi ng maaga para makapag-ayos at makapaglinis ako ng bahay. Hindi ko kasi alam kung anong oras darating si Vincent. sa bahay. Sana walang lakad si Dylan ngayon para may katulong ako sa paglinis ng bahay. Hindi pa naman niya alam na ngayon ako uuwi. Hindi ko rin kasi ako nagpaalam kung saan ako titira ng sampung araw. Di ko rin sinasagot yung mga tawag at texts niya.
Pagdating ko sa bahay, puro kalat ang naabutan ko. Nakipag-inuman na naman yata kagabi si Dylan. Nagkalat din ang mga damit sa sahig. Buti na lang na-ilock ang pinto at baka nalooban na kame. Naiwan ang TV nakabukas at halos lahat ng ilaw naka-on. Sinimulan ko na agad ang pagligpit ng mga nakakalat na bote at mga ilang damit sa sahig. Habang naglilinis ako, napansin ko yung camera ni Dylan. Hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag tingnan yung mga pictures dito. Nagbabakasakali ako na makita si Jane, yung jowa ni Dylan. Nung bina-browse ko na mga pictures sa camera ni Dylan, puro naman mga tropa mga kasama niya sa mga pictures. Pero may ilang pictures akong napansin na dalawa lang sila ng tropa niyang si Gene at kuha ito sa Baguio. May isa pa ngang picture na hinahalikan siya ni Gene sa pisngi. Natuwa ako sa nakita ko. Kiniig ako para sa kanila. Kung sila man, botong-boto ako kay Gene. Pinuntahan ko si Dylan sa kwarto. Gusto ko malaman yung totoo. Excited ako.
"Dylan..." tawag ko sa kanya habang kumakatok.
Walang sumasagot. Tinangka kong buksan yung pinto pero naka-lock. Hindi ko pa naman alam kung saan nakatago ang duplicate ng susi sa kwarto. Nakailang katok din ako bago ako pagbuksan ng pinto ni Dylan. Pagbukas ng pinto, naka-boxers lang ang kumag. Walang suot pantaas at medyo magulo ang buhok. May tsikinini sa leeg.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.