CHAPTER TWENTY - SEVEN

162 12 0
                                    


Isang linggo pagkatapos kong malaman na nagsinungaling sakin si Vincent, dumalaw siya sa bahay. Sinakto niya sa Friday ang pagbisita niya sakin, tatlong araw daw siya magstay sa bahay. Babawi daw siya sa akin. Hindi alam ni Vincent na alam ko yung totoo. Sinabi ko na rin kay Dylan na wag na namin pagusapan yun. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa pagbisita niya. Hindi siya nagparamdam simula nung araw na sinabi niyang may emergency daw na hindi naman totoo tapos bigla na lang siya magpapakita ngayon. Sumabay siya samin magdinner. Pagkatapos namin kumain, ako ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin.

"Baby!" tawag ni Vincent sakin habang papalapit siya sa kusina. Tiningnan ko lang siya.

"I'm sorry..."

"Bakit ka nagsosorry? May nagawa ka ba na ikakasama ng loob ko?"

"Wala naman..."

"Wala naman pala eh..."

"Basta sorry..." sabay lapit niya sakin at niyakap ako.

Pagkatapos ko maghugas ng pinagkainan, nanood lang kame tatlo ng TV. Tahimik. Walang imikan. Nakikiramdam. Nagpaalam si Dylan na umalis saglit at may bibilhin lang daw. Naiwan kaming dalawa ni Vincent. Natapos na yung pinapanood namin, wala parin nagsasalita samin dalawa. Humiga ako sa couch at nagkunwaring inaantok.

"Mamaya ka na matulog baby..." simula niya.

"Inaantok na ako at pagod na..."

"Pagod ka na sa akin?"

"sa trabaho...pero pwede rin sa'yo!" sabay pikit at nagtutulog-tulugan.

Buti na lang nakabalik na si Dylan. May dalang siyam na bote ng San Mig Light. Tig-tatlo daw kame. Nagluto na rin siya ng pulutan namin. Wala akong imik habang nag-iinuman lang kame tatlo. Si Dylan lang ang bumabangka sa kwento. Minsan silang dalawa ni Vincent ang nag-uusap. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. Nung ubos na yung iniinom namin at yung pulutan, tumayo na ako at pumasok ng kwarto. Sinubukan akong pigilan ni Dylan pero di siya nagtagumpay. Humiga lang ako pagpasok ko ng kwarto. Maya-maya pumasok si Vincent, umupo sa gilid ng upuan. Nakayuko. Tahimik.

"Oh, kamusta na ang mama ni Liera?" simula ko.

"Mabuti naman. Nakalabas na nung Wednesday!" sagot niya. Pinanindigan parin niya ang kasinungalingan niya.

"Ah, talaga? Great!" sarkastiko kong sagot.
"Na-miss kita baby!" pag-iiba niya ng usapan.

"Salamat..."

Tahimik ulit kaming dalawa. Nakahiga parin ako. Nakaupo na siya sa sahig habang nakasandal sa kama ko.

"Katext pala ni Dylan si Liera last week. Niyaya niya si Dylan makipagkita. Ang pinagtataka ko lang, kasama niya 'yung mama niya. Akala ko nga nagbibiro lang si pinsan e, pero hinde. Ilang kaibigan ba ang meron ka na Liera ang pangalan?" di na ako nakapagpigil. Sinabi ko rin sa kanya.

Biglang tumayo si Vincent. Humarap sakin. Namumutla.

"Hindi mo kelangan magsinungaling sakin kung may iba ka na. All you need to do is let me know. Madali akong kausap. I'll let you go if that's what you want."

"Let me explain, Pao." naiiyak niyang sabi.

"May iba ba?" tanong ko sa kanya.

"Baby...."

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO! MAY IBA BA?" pasigaw kong sabi.

Tumango siya habang umiiyak.

"Kelan pa?"

"Di ko sinasadya baby. Nalasing ako."

"Gaano na katagal?"

"Two weeks..."

"Makakauwi ka na..."

Biglang kumatok si Dylan. Tinanong kung ano ang nangyayari sa amin. Binuksan ko ang pinto. Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. Alam kong narinig niya yung pagtatalo namin ni Vincent kanina. Dumiretso ako ng banyo at nagkulong dun hanggang sa nakatulog ng ilang oras. Paggising ko, namumugto ang mata ko. Naging chinito ang in an instant. Kahit ayoko umiyak, di ko mapigilan. Parang gripo lang ang luha ko, tuloy tuloy lang ang pag-agos mula sa mata ko. Paglabas ko ng banyo, sinalubong ako ni Dylan. Binigyan ako ng yakap. Yakap na alam niyang kelangan ko simula kagabi pa. Si Vincent, nakaupo lang sa sala at nakatingin samin, makikita mo sa mukha niya ang sobrang lungkot. Sabi ni Dylan, pilitin ko daw kausapin. Wala pa daw tulog simula kagabi nung nagtalo kame.

"Magbihis ka na para makakain na tayo..." sabi niya sakin nung nasa kwarto na kame.

"Bakit 'di mo pa siya pinauwi?" tanong ko.

"Pinauwi ko na iyan kagabi pa. Ayaw niya. Hindi daw siya aalis hangga't di kayo naguusap ng masinsinan."

"Wala na kame dapat pag-usapan."

Nagpalit na ako ng damit para makakain na. Kahit wala akong gana, kelangan parin ako kumain dahil lagot ako kay mama. Isusumbong ako ni Dylan. Ganyan din ang ginagawa sa kanya minsan. Hindi pwedeng gawing excuse ang pag-eemote. Bawal malipasan ng gutom. Sumabay parin si Vincent samin kumain. Niyaya siya ni Dylan. Tahimik kame tatlo habang kumakain. Minsan nagkakasalubong ang aming mga mata habang kumakain pero ako una umiiwas.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na ako sa kwarto. Gusto ko matulog buong araw para makapagpahinga. Sumunod si Vincent sakin sa kwarto, Nakadapa ako sa kama, nakaupo siya sa sahig habang nakasandal sa kama kagaya kagabi.

"I'm really sorry..." simula niya.

"Alam ko naman na hindi mo ko mapapatawad. Pero sana makinig ka man lang sa paliwanag ko." dagdag niya.

"Nung mga araw na hindi ako nagpaparamdam sa'yo nun, busy ako sa paghahanap ng trabaho talaga. Nung nagkataon na nagkita-kita kame nung mga kaklase ko nung college sa pag-apply sa isang hospital, lumabas kame at nag-inuman. Nalasing ako baby. Hindi na ako nakauwi samin at natulog sa tropa namin. Hindi ko naman alam na may gusto sakin yung tropa namin eh. Bigla na lang niya ako hinalikan pagkahiga niya sakin. Nagpadala ako sa emosyon ko baby nung gabing yun, di ko talaga sinasadya. Maniwala ka." paliwanag niya.

"Pagkatapos nung gabing may nangyari saMin. Parati na kame nagkikita. Ang sweet niya sakin. Napaka-maasikaso niya sakin. Ngayon lang ako nakaramdam na ganun. Pero naguilty ako dahil mahal kita. Ayoko lokohin sarili ko at makasakit. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang gusto kong makasama. Please give me another chance Pao?"

"Siya ba si Tres?" tanong ko. Tumango lang siya.

"Alam mo naman siguro kung ano yung dahilan bakit naghiwalay kame ni James diba? Nakwento ko naman sayo yun. Alam mo rin na ayokong pinagmumukha akong tanga."

Tahimik ulit kame. Pareho na kami ngayon nakaupo sa sahig. Magkatabi at nakasandal sa kama. Hinayaan kong hawakan niya kamay ko.

"Akala ko ba no more tears? More tears naman pala." simula ko.

"Ano ba kelangan kong gawin para mabigyan mo ako ng isa pang pagkakataon?" tanong niya.

"Wala sa akin ang sagot. Nasa sa'yo." sagot ko.

Inalis ko ang suot kong singsing na bigay niya sakin nung pumunta kame ng Quiapo. Binigay ko sa kanya ang singsing. Naiiyak si Vincent habang inaabot ko sa kanya yung singsing. Nakatingin sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko pagkaabot niya nung singsing. Binigyan ko siya ng isang ngiti.


"Hindi siguro ako ang karapat-dapat na bigyan mo ng singsing na yan."

"Don't do this to me. I don't wanna lose you..."

"Hindi naman ako mawawala eh. Magiging iba lang papel ko sa buhay mo. Andito parin ako bilang kaibigan mo."

"NO! Ayoko! Ayoko!"

"Huwag na muna tayo magkita simula bukas..."

"Hindi ko kayang gawin 'yang gusto mong mangyari Pao. Hindi ganun kadali. Hindi ako papayag. Ipaglalaban kita. Kung kina-kailangan na magsimula tayo ulit sa umpisa, gagawin ko. Huwag ka lang mawala. "

Sabi nila, kahit gaano kadaming dahilan ang meron ka para pakawalan ang isang tao, hangga't may isang dahilan kang natitira para kumapit sa relasyon niyo, kumapit ka. Sa kaso namin ni Vincent, hindi ko lang talaga matanggap na nagawa niya akong lokohin. Siguro masyado lang ako nagexpect sa kanya at inakala kong iba siya sa mga nakilala ko. Pare-pareho lang pala sila, manloloko. Ang kaibahan nga lang ni Vincent sa kanila eh inamin niya sakin yung nangyari. Sinasabi ng isip ko na pakawalan na si Vincent, iba naman ang sinasabi ng puso ko. Ayoko siya pakawalan. Gusto ko siya na ang huli. Gusto ko ibalik yung dating tiwala ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano.

"Tulungan mo ko ibalik yung tiwala ko sa'yo. Ayoko rin mawala ka sakin." sabi ko sa kanya.

"Yes baby, gagawin ko lahat. Bumalik lang yung tiwala mo sakin. I love you!" sagot ni Vince sabay yakap sakin.

"I love you too..."

Yakap.
Halik.
Romansa.
Sexy time.

<Usher's Nice & Slow playing>


You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon