CHAPTER THREE

706 23 0
                                    

"I'm trying to forget that
I'm addicted to you
But I want it and I need it
I'm addicted to you
Now it's over, can't forget what you said
And I never, want to do this again
Heartbreaker!!! Heartbreaker!!! Heartbreaker!!!
"

Aminado naman ako eh. Madali ako ma-attach sa isang tao. Feeling nga nila, easy to get ako e. Sa mga naging past relationships ko, walang ligawan naganap. Lahat, HOHOL - Hangout hangout lang. Yun naman talaga ang uso eh kahit noon pa. Basta ako, pag gusto ako nung tao at gusto ko din, di na ako nagpapaliguy-ligoy pa.

"Okay ka lang?"

"Insan naman, ikaw kaya lokohin. Okay lang sayo?"

"Ano ba nangyari? Bigla ka na lang lumabas ng kotse kanina tapos pagbalik mo, masama na timpla mo."

"Nakita ko si James."

"Si Baguio guy?"

Tumango lang ako. Matagal nang alam ng pinsan kong si Dylan tungkol sa sexual preference ko. Medyo nagulat nung inamin ko sa kanya nun pero tanggap niya. Siya ang parati kong karamay.

"Pao!"

Nilingon ko si Dylan. Nakanguso.

"Gusto mo ng kiss?"

"Tangek, tingnan mo yung nasa kabilang table. Kanina ka pa tinitingnan."

"Huwag ka muna lumingon ha, para di obvious. Lingon ka after 10 seconds. Yung naka-white shirt na may cap."

One. Two.....Nine Ten. Lumingon ako. Nahuli kong nakatingin sa akin yung lalakeng sinasabi ng pinsan ko. Bigla siyang tumingin sa ibang direksyon. Kahit nakaupo, masasabi mong matangkad. Moreno, sexy lips, katamtaman ang katawan, medyo gwapo at may dating. "Pwede na..." sa isip-isip ko.


"Uwi na tayo Pao!"

"Mamaya na, maaga pa eh."

"Anong maaga pa? Umaga na! Naka-apat na bucket na tayo oh, ikaw lang nakaubos."

"Ayaw mo kasi akong sabayan e." sabay tawa ng mahina.

"Tsk. Teka, dito ka muna. Wiwi lang ako."

Sampung minuto na nakalipas, wala parin si Dylan. Kinabahan ako, di ko kaya magdrive mag-isa pauwi. Maya-maya nagtext si Dylan.

"Insan, puntahan ko lang saglit si Jane. Emergency. Babalikan kita kaagad. Diyan ka lang."

Naiwan na ako mag-isa. Hilong-hilo na ako. Di na ako makakatayo. Unti-unti na akong dinadalaw ng antok dahil wala akong makausap. Mukha na talaga akong loser.

"Excuse me, pwede maki-join?"

Nagulat ako. Biglang may tumabi sakin. Pag-lingon ko, yung lalakeng kanina pang tingin ng tingin.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon