CHAPTER FIFTEEN

335 16 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN



"Ano 'to?" tanong ko.

"Isaw!" sagot niya.

"Eh eto?" tanong ko ulit.

"Helmet!"

"Eh yang kinakain mo?"

"Betamax!"

"Ano naman to?"

"Paa ng manok, masarap yan! Adidas tawag diyan!"

"Anong klaseng inumin to? Parang tubig-baha!"

"Tsk. Sago't gulaman yan!"


May mga ganitong pagkain pala na nag-eexist. Ansarap! Lalo na yung isaw, inubos ko lahat pati yung share ng kumag. Binigay ko na lang sa kanya yung betamax, di ko trip kainin. Masarap din yung helmet, sarap sipsipin yung utak. Haha! Ang hirap kainin yung adidas, kelangan ko pang kamayin pero masarap din. Kung alam ko lang na ganito kasarap ang mga pagkain sa kalye, eh di sana sumama ako sa mga kaklase ko nung college sa tuwing niyayaya nila ako magfoodtrip sa U-belt. Eh yung alam ko lang dating foodtrip eh yung "tusok-tusok the fishball" sa may kanto. Yung tukneneng, never kong sinubukan kainin. Yung balot naman, naku goodluck kung mapapakain mo ko nun. Dirty! Haha! Kahit yung penoy, ayoko rin. Pwede pa yung chicharon. Hihih.


Nasa Roxas Boulevard kame ngayon ni Vincent. Nakaupo sa bench. Tumatambay habang nagfufudtrip. Aabangan daw namin ang sunset. Dito mo raw masasaksihan ang makapigil-hiningang sunset sa buong mundo. Tama nga sila. Ang gandang pagmasdan ng araw na papalubog. Daig pa ang mga magagandang pelikula na napapanood mo sa pinilakang-tabing. Nakakamangha. Astig! Lufet!


Nakatingin pa rin ako sa papalubog ng araw ng may inabot sakin ang kumag. Akala ko isaw, betamax pala. Yung pinaka-ayokong kainin sa mga binili niya. Mangiyak-ngiyak ang kumag sa kakatawa ng nakita niya ang reaksyon ko nang kinain ko ang betamax. Tiningnan ko ng masama. Nag-peace sign lang siya habang tumatawa parin. Natawa na lang din ako.


"Masaya ka ba?" tanong niya.

"Sobra!" sagot ko.

"Ako din, kasi kasama kita..." sabi niya.


Tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha. Nakatingin siya sa malayo. Hinawakan ko kamay niya. Nagulat siya at napatingin sakin.

"Salamat!" sabi ko na nakangiti.

"Grabe namang ngiti iyan!"

"Bakit?"

"Nakakatunaw!"

"LAKAS!"


Nagkayayaan na rin kame umuwi ng mga bandang alas-siete. Ako na ang nag-drive. Sobrang saya ko nang araw na yun. Kahit katuwaan lang yung Demo na yan, nageeffort parin ang kumag. Pagdating namin ng bahay, nagluluto si Dylan ng adobo. Pasipol sipol pa siya habang nagluluto. Dumiretso ako sa kusina kung saan nagluluto ang ungas. Si Vincent naman ay pinaupo ko muna sa sala at niyaya ko na rin na samin na maghapunan.


"Naks, mukhang masarap yan ah!" simula ko.

"Naman! Ako ang nagluluto e." sagot niya.


Matagal ko na rin pala di nakakabonding 'tong pinsan ko. Mga isang buwan na rin. Last bonding naman neto ay nung nagpunta kame sa Tagaytay. Kaya sinamahan ko na muna siya habang nagluluto. Nagkamustahan. Pinagusapan ang kanyang pag-aaral, ang pag-oOJT at ang nalalapit niyang kaarawan. Inayos ko na rin yung mesa para makakain na rin kame at tinawag si Vincent.


"Dinner is ready! Kainan na!" sabi ni Dylan.

Tahimik. Maririnig mo lang ang tunog ng kutsara, tinidor at plato. Busy ang dalawa kumakain. Konti lang kinain ko dahil sa dami ng nakain kong isaw kanina.


"Natanggap mo text ko kagabi Vince?" tanong ni Dylan kay kumag.

"Oo. Nagdala ako. Ako pa! Hehe.." sagot ni Vincent.

"Good job!" sabi ni Dylan.

"Teka, anong text at good job yan?" tanong ko sa dalawa.

Nagkatinginan lang ang dalawa. Nagtuturuan kung sino sa kanila ang dapat magsabi.

"Dito muna si Vincent mag-stay kasama mo...." sabi ni Dylan.


Patay!


You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon