Hindi ko na binigyan pansin yung sinabi ni Vincent. Niyaya ko na siya na maglakad-lakad. Naikot na yata namin ang Greenbelt. Alas tres na ng umaga, ayaw pa umuwi ng kumag. Tambay daw muna kame kung saan. Baka daw huli na niya akong makasama dahil di na ako makikipagkita pang muli sa kanya. Tinanong ko siya kung bakit, ayaw naman sabihin. Weirdo lang ng kumag.
"Hatid na kita sa inyo, Pao?"
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit mo ko ihahatid? Ano ako, babae? Alam ko naman ang daan pauwi. Heheh!"
"Gusto ko lang makauwi ka ng safe."
"Yun lang ba talaga o gusto mo malaman saan ako nakatira?"
"Partida na yun!"
"Weirdo!"Pumayag na ako magpahatid kay Vincent dahil sobrang antok na antok na talaga ako. Hindi ko matapatan ang energy ng kumag. Naka-droga yata ang isang 'to. Sanay siguro talaga sa puyatan mga nars. Nakaka-believe talaga siya, kahit makita mo sa itsura niya na sobrang haggard, di niya pinaparamdam sayo.
"Nandito na tayo!" sabi ko sa kanya.
Walang imik. Ilang beses kong kinalabit, walang reaksyon. Kiniliti ko na, wala parin. Akala ko napano na ang kumag. Kanina, sobrang hyper niya. Isang higa lang pala katapat, knockout na kaagad. Mga sampung minuto na siguro nakalipas ng magising ko siya.
"Dito ka na matulog, sabog ka na. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo." sabi ko.
"Yey! Salamat!" mahina niyang tugon.Pinatulog ko siya sa kwarto ko. Sa sofa na lang ako natulog. Di na ako nakapagpalit ng damit sa sobrang antok ko. Pagkagising ko ng mga alas tres ng hapon, wala na si Vincent. Nakauwi na siya. Pagtingin ko sa cellphone ko, may 5 messages. Tatlo kay Vincent, dalawa kay Dylan. Di ko muna binasa, dumiretso na ako sa banyo para maligo. Anlagkit ko na.
Pagkatapos maligo. Diretso kwarto. Nagsuot ng damit. Tulog ulit. Natulog lang ako buong araw. Pagka-gising ko ulit, alas-dies na ng umaga kinabukasan! Lagot na! Pagtingin ko ng cellphone ko, 32 unread messages. Mahigit kalahati, galing kay Vincent. Nagtatanong kung galit ba ako sa kanya. Weirdo!
"Sorry Vince, di ako galit. Natulog lang ako buong magdamag. Kagigising ko lang ulit! " text ko sa kanya.
"Akala ko galit ka sakin e. Natikman mo ba yung inihanda ko sayo kahapon?"
"Hala! Anong handa?"
"Inihanda kaya kita ng lunch bago ako umuwi. Di mo nakita noh?"
Napabangon ako sa kama ng wala sa oras. Pinuntahan yung mesa at tiningnan kung ano yung nakahain dun. Paglapit ko, di ko mapigilang matawa. Naglagay pa ng note ang kumag.
"Pritong itlog ala Bisente! " nakalagay sa tabi ng plato.
"Lakas mo! Pritong itlog?" text ko sa kanya.
"Hihih. Yan lang kasi ang alam ko eh. Churri!" sagot niya.Mga one week after namin lumabas ni Vincent, bigla siyang di nagparamdam. Sinubukan kong tawagan, biglang napuputol ang tawag. Naka-divert ata. Di rin nagrereply sa mga texts ko. Nagpapamiss ata ang mokong sa isip-isip ko. Siya kasi parati unang nagtetext sakin. Walang mintis. Good morning, good afternoon, good evening at good night. Dagdagan mo pa ang Breakfast ka na, Lunch ka na, Merienda ka na at Dinner ka na. Wakumasey! Hanlupet talaga! Pero 'tong araw na ito, wala talaga texts kahit isa. Mukhang gumagana yung taktika nung kumag, namimiss ko na eh. Hahaha!
"Tulog na ako. Hope you had a good day. Good night!" text ko sa kanya.
Pumikit na ako. Pinipilit matulog pero di ako makatulog. Thirty-minutes na siguro ako pagulong gulong sa kama ko pero di ako madalaw-dalaw ng antok. Binuksan ko ang laptop, nag-internet. Nood porn, pinaglaruan ang sarili. Wala pa rin. Naka-dalawang All By Myself din ako pero hindi parin ako inaantok. Lekat! Sakto naman nung medyo inaantok na ako, tumawag si Tita. Hinahanap ang pinsan kong si Dylan. Nawala na naman antok ko. Argh!"Good morning my sunshine! Blessed Sunday! " text ni Vincent.
Nagulat ako sa text, di dahil galing kay Vincent. Umaga na pala. Gising pa ako. Naka-ilang palabas na rin ang natapos ko sa Star Movies. Badtrip talaga! Inantok na ako mga alas-onse ng umaga. Di ko na nireplyan si Vincent at baka lalo ako di makatulog dahil sa di matapos na pagtetext namin sa isa't isa. Mahaba-habang tulugan pa naman ang kelangan ko.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.