CHAPTER THIRTY - ONE

190 10 0
                                    

Paranormal Activity, ang title ng movie na pinanood namin. Hindi namin nagawa yung gusto mangyari ni Vincent dahil dumating sina Gene at Dylan. Nagdecide ang dalawa na manonood na lang din sila ng movie. Narealize nila na matagal sila maghihintay after nila magdinner. Sabay na lang daw kame pagkatapos ng movie. Hindi ko gusto ang palabas kaya nakatulog ako. Buti na lang hinayaan lang ako matulog ni Vincent at hindi niya ako ginising. Pagkatapos ng movie, kumain kame sa Banapple. Tapos tumambay saglit sa Ayala Triangle, pinagmasdan ang mga nagjojogging at kwentuhan na rin. Umuwi na rin kame dahil pagod na ako. Dun muna ako matutulog sa apartment ulit. Tinext ko na si Mommy Angeli para hindi na siya mag-alala. Nakapagsabi na rin ako kay Mama kanina na hindi ako makakasama sa dinner.


"Salamat Vince..." sabi ko sa kanya nung nakahiga na kame sa kama ko.

"Bakit ka nagpapasalamat?" tanong niya.

"Kasi hindi ka bumitaw..." sagot ko.


"Nabubuhay tayo, hindi para bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto. Tandaan mo, hindi binubuo ang isang relasyon ng isang libong pangako at isang libong kondisyon. Ito ay binubuo lamang ng dalawang tao, isang marunong magtiwala at isang marunong umunawa. Kelangan lang natin magtiwala sa isa't isa. Unawain ang mga bawat pangyayari. Dapat hindi tayo padalos-dalos. Okay?" tanong niya sakin. Nginitian ko lang siya.


"Simple lang ang buhay, baby. Tao lang talaga ang gumagawa ng komplikasyon..." dagdag niya.

"Oo na, sorry na. Di na mauulit..."

"Dapat lang. Isa lang naman ang gusto kong ulit-ulitin eh..."

"Ano naman kaya yun?" tanong ko.

"Alam mo na yun...yung sabi mong available upon request. Hehehe!" sagot niya.

"Tsaka na, pagod ako. Hayaan mo muna ako magpahinga..."


Hindi ko na pinansin ang mga sumunod na sinabi ni Vincent. Natulog na ako sa sobrang pagod. Halos 24 hours yata ako gising eh. Buti na lang at restday ko na, makakapagpahinga ako ng matagal. Narealize ko nung araw na yun na lahat ng mga bagay ay naaayos sa pag-uusap. Tama nga ang sabi ni kumag, tayo lang ang gumagawa ng komplikasyon. Sa lagay namin, ako ang gumagawa ng komplikasyon. Bilib ako kay Vincent, hindi siya bumitaw sakin. Siguro kung kabaligtaran yun at ako ang nasa lugar niya, matagal na ako bumitaw. Ang hirap kaya i-handle ang pagiging moody ko. Buti na lang nakakaya niya yun at siya lang ang napapasunod sakin. Ganito siguro talaga ang pag-ibig.

----- oo0oo -----

"Bakit tinetext ka pa nung James?" tanong sakin ni Vincent habang nag-aalmusal.

"Nakikipag-kaibigan lang yung tao..." sagot ko.

"Nakikipag-kaibigan nga ba o nakikipagbalikan?" tanong niya ulit.

"Nagseselos ka ba baby?" balik kong tanong.

"OO! Oh ano, sagutin mo tanong ko!"

"Kung nakikipagbalikan man siya, impossibleng mangyari yun dahil may mahal na akong iba..."

"So, nakikipagbalikan nga?" banas niyang tanong. Tumango ako.

"Naku! Naku! Sabi ko na eh. huwag mo na itetext iyan ah! Sinasabi ko sayo Paolo!" namumula na si Vincent. Ang cute tingnan.

"Tinatakot mo ko?" tanong ko.

"Ah basta! Huwag mo na itetext iyan! Tapos!" sagot niya sabay tayo at pumunta ng sala.

Nakapagtataka. Paano kaya nalaman ni Vincent na nagtetext sakin si James? Hindi ko naman sinasabi sa kanya dahil alam kong magwawala yun. Pero sasabihin ko parin naman 'pag nakahanap ako ng tiyempo. Tiningnan ko si Dylan, umiwas siya ng tingin. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang sa umamin din. Huli! Alam ko na kung sino ang salarin. Napakachismoso talaga ni Dylan. Ansarap pektusan. He's just doing me a favor lang daw nung tinanong ko siya bakit niya sinabi kay Vincent. Mas lagot ako lalo nito pag nalaman niyang nakikipagkita ako kay James. Hindi ko pa naman alam kung paano suyuin 'tong kumag na 'to. Naalala ko nung nagtampo siya dati, umabot ng dalawang araw ang di niya pagpansin sakin.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon