Buti na lang at nagtext sakin si James. May magiging karamay ako sa kalungkutan na nararamdaman ko. Alam kong mali na kay James ko sabihin lahat ng hinanakit ko sa mundo pero siya lang ang taong pwede kong malapitan ngayon na makakaintindi sakin bukod kay Mommy Angeli. Dati, si Dylan yung parati kong karamay pag kelangan kong mag-emote pero iba na yung sitwasyon ngayon. Sa totoo lang, hindi ako galit kay Dylan. Naiinis ako sa sarili ko at nagagalit ako sa sitwasyon. Bakit kelangan pati kame ng pinsan ko kelangan maapektuhan? Bakit si Vince pa? Pinuntahan ko sa bahay nila si James. Nandun yung kapatid niya at ang mama niya. Out si James sa mama niya at alam niya yung nakaraan namin dalawa kaya tuwang-tuwa siya nung nakita ako.
"Finally, nakilala ko na rin ang nagpatino kay James..." sabi niya.
"Naku, mabait naman yan si James, Ma'am."
"Huwag mo na akong tawaging Ma'am, Tita na lang!"Nakakatuwang kasama 'tong mama ni James. Kahit unang beses pa lang namin magkita, parang antagal na namin magkakilala. Sumama siya sa inuman namin ni James at siya ang bumabangka sa usapan. Kinuwento niya ang talambuhay ni James mula pagkabata. Hiyang-hiya naman si James sa mga natuklasan ko sa kanya. Nung kame na lang naiwan ni James sa labas, naging seryoso ang usapan namin. Kinuwento ko na sa kanya ang nangyari. Hindi siya makapaniwala na nagawa ni Dylan sakin yun.
"Siguro, kung hindi lang ako nagloko, hindi ka nasasaktan ngayon..." sabi ni James sakin.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi kung hindi ako nagloko, tayo pa sana ngayon at hindi mo makikilala si Vincent. Hindi rin sana ako ngayon umaasa na babalikan mo ako. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi..." sagot niya.
"Madami pa naman diyan James. Hindi ka naman mahihirapan maghanap."
"Ikaw ang gusto ko."Nginitian ko na lang si James bilang sagot sa sinabi niya. Sabi niya, kung wala pa daw ako mahanap after three months, wala na daw akong takas sa kanya. Baliw lang. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, si James kasama ko ngayon pero si Vincent yung iniisip ko. Kaya lang masyado na niya akong nasasaktan. Maya-maya nagpaalam na rin ako kay James na umuwi dahil baka naghihintay sakin si Mommy Angeli at baka mag-alala.
----- oo0oo -----
"Huwag mo nang isipin ang EX mo. Ang isipin mo na lang para tayong keyboard. Magkatabi ang U & I at malayo tayo sa X." text sakin ng ka-opisina ko.
"LAKAS! Di tayo talo! Hahaha!" reply ko.
"Baka makalusot lang. Hahah!" reply naman niya.Late na ako nagising. Nauna na si Mommy Angeli pumasok sa trabaho. Buti na lang at hindi niya ako hinintay dahil nakakahiya na talaga sa kanya. Bine-baby ako. Antaba ko na! Bochog na talaga ako. Hindi na kasya yung isa kong pants sakin. Ayaw paawat si Mommy sa pagluluto. Pagdating ko sa office, 70 minutes late ako. Lumabas muna ako saglit para bumili ng kape. Inaantok pa rin ako. Ansarap kasi matulog pag busog eh. Pagbalik ko ng office, tinawag ako ng boss namin.
"May naghahanap daw sa'yo. Kanina pa naghihintay sa baba..."
"Sino? Ang aga naman mang-istorbo!"
"Vincent Oliveros. Puntahan mo na sa baba."Napatingin ako sa kinauupuan ni Mommmy, alam kong narinig niya ang pangalan ni Vincent. Nung tiningnan ko siya, tinanguan lang niya ako at nginitian. Paksheet! Hindi ko alam kung paano harapin si Vincent. Isang linggo na rin matapos ko sila mahuli ni Dylan. Pagbaba ko sa ground floor, nakita ko siya nakaupo sa sofa. Naalala ko tuloy nung si James naman yung dumalaw sakin dito. Nilapitan ko si Vincent sa kinauupuan niya. Nung nasa harap na niya ako, tiningnan niya lang ako. Matagal kami nasa ganung posisyon, nakatayo ako at nakatingin sa kanya, nakaupo siya at nakatingin sakin. Namumula ang mata niya, dahil siguro sa puyat.
"I miss you..." simula niya.
"Thanks. What do you want?" tanong ko.
"I want you back, baby. I need you". sagot niya.
"What for? You have Dylan now."
"Walang nangyari samin. Maniwala ka naman baby."
"May sasabihin ka pa ba? Makakaalis ka na."
"Simula bukas, hihintayin kita araw-araw sa Greenbelt tuwing hapon hanggang alas-otso ng gabi. Kung saan tayo una nag-date. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Ipaglalaban kita. Hihintayin ko ang araw na puntahan mo ako dun." sabi niya sakin.
"Here, take this..." dagdag niya sabay abot ng isang envelope.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.