"Dalawa po, Taft."
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pagka-abot niya nung ticket.
"Ang kulet mo baby!"
Sabi ko na nga ba eh. Sa MRT yung way namin eh. Ngayon naman nasa MRT kame, di ko alam kung saan kame pupunta. Ang alam ko lang, sa Taft kame bababa. Kapag tinanong ko naman si Vincent, ayaw naman sabihin. Kahit anong kulit ko pa sa kanya. Nakakaasar. Nakakapagod kaya maglakad ng lakad. Kung bubuhatin sana niya ako, ayos lang sakin. Buti na lang at nakaupo kame sa MRT. Bihira lang magkaroon ng bakante na upuan, kadalasan kasi eh nakatayo ka. Minsan nga, kelangan mo pa makipagbalyahan para makapasok lang sa loob.
Inaantok na ako. Napagod yata ako sa kakalaro kanina sa Timezone. Buti na lang di na ako nag-dance revo. Baka nakatulog na ako kanina sa music zone. Pero nakakahiya naman kay Vincent. Alam kong pagod na rin ang kumag pero hyper na hyper parin. Ayoko madisappoint siya sakin. Ito ang unang labas namin bilang magkabiyak. Pagkababa namin ng Taft, diretso kame sa LRT Edsa.
"Dalawang Carriedo."
"Ano gagawin natin dun?" tanong ko na naman.
"Ssshhh. Behave. Sabi na 'wag makulit. Malalaman mo din!" sabi niya.
Ngayon lang pala ulit ako makakapunta sa Carriedo. Huli kong punta dito eh nung kumuha ako ng NBI Clearance. Nagoyo pa nga ako nun eh. May lumapit sakin na lalake, tutulungan daw niya ako magprocess ng mabilisan sa halagang tatlong daan. Ako naman si tanga, umoo dahil ayoko pumila pa. Eh pagakyat namin, ganun din naman pala gagawin ko. Tapos, pinabalik pa ako pagkatapos ng tatlong araw. Badtrip! Haha!
"Ang init naman!" sabi ko habang pababa kame ng LRT.
"Ligo tayo sabay mamaya ha?" sabi naman niya.
"Pfft!"
Wala parin talaga pinagbago ang itsura ng Quiapo. Lahat na yata ng klase ng tao makikita mo dito. Lahat na yata ng bagay na gusto mo, matatagpuan mo dito. Mas bagay yata dito ang tagline ng SM eh.
"Ambagal mo naman!" sabi ni Vincent sabay hawak sa braso ko at hinila.
"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko sa kanya.
"Baka kasi dumami na yung tao..." sagot niya.
"Madami talagang tao dito noh..."
"Bilisan mo naman maglakad Pao!"
"Chill ka lang baby!"
Nababanas na si kumag. Di na baby ang tawag sakin. Pinapawisan na rin. Tumahimik na ako. Baka magising ang demonyo. Pero ngumiti siya nung tinawag ko siyang baby. 'Yun kasi ang unang beses kong pagtawag sa kanya nun. Pagkadating namin sa simbahan, nagsindi na siya ng kandila at nagdasal. Sabi niya, gawin ko rin daw yung ginawa niya. First time ko makapunta sa Quiapo church. Actually, pumunta na ako dito noon nung elementary pa ako. Gabi kame pumunta nun at may dalang sasakyan. Iba noon, iba ngayon.
“Sabi ko magsindi ka rin ng kandila!” sabi niya.
“Bakit?”
“Puro ka naman bakit eh. Gawin mo na lang kaya eh noh?” banas niyang sagot.
“Bakit mo ko tinataasan ng boses? Kung gusto mo, iyo na ‘tong mga kandila mo. Sindihan mong mag-isa mo!” sabi ko sa kanya sabay alis.
Iniwan ko na si Vincent mag-isa. Pumunta sa pinakaharap ng simbahan. Naghanap ng pwesto. Hahayaan ko na lang siya mag-isa dun. Ang init-init na nga ng panahon, pati siya sasabay? Tapos pagtataasan pa ako ng boses? Masama ba magtanong? Bakit ba siya nababanas? Daig pa babae sa pagiging moody. Sana lang talaga ‘wag dumating yung oras na pareho kaming moody. Bahala na lang talaga si Batman sa mangyayari.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.