CHAPTER NINETEEN

256 13 0
                                        

DAY 7 – Result


Hindi ko alam kung maaasar ako o maiinis sa tawag ni Dylan. Langya kasi, istorbo. Andun na eh. Papunta na kaming cloud 9 eh. Tatawag lang naman pala para mangamusta at sabihin na pauwi na sila. Nabitin tuloy. Gusto ko pa sana sabihin kay Vincent na ituloy namin kaso nahihiya ako. Hindi kasi ako sanay na ako ang gumagawa ng first move. Nasa balcony parin kame ngayon, andun ulit siya sa pwesto niya kanina na nakaupo. Kani-kanina lang, nakahiga ako at nakapatong siya sakin. Ang awkward na tuloy ng sitwasyon namin ngayon. Pagkatapos namin mag-usap ni Dylan kanina, wala parin umiimik samin. Tahimik. Nagtitinginan lang kame. Pagtingin ko sa relo ko, 12:03AM na.


"Kung magiging tayo, ano gusto mong tawagan natin?" pagbasag ko sa katahimikan.


"Gusto ko tawagan natin ay Baby. Tapos ang magiging theme song natin ay You'll Always Be My Baby. Kahit gasgas na yung tawagan na Baby, ito lang ang para sakin ang nakakakilig at sweet na tawagan. Hehe."


Kung magiging kame ng kumag na 'to, siya ang unang matatawag kong Baby. Naks. Although, nung naging kame ni Yhuan dati eh baby rin tawagan namin pero technically di counted yun dahil pinalitan namin ng "bayaw" ang tawagan yun para di makahalata ang pamilya niya pag magkasama kame. Bayaw, short for baby-asawa. LOL.


"Kung sasagutin kita, sa papaanong paraan mo gustong sabihin ko sayo na tinatanggap ko na pag-ibig mo?" tanong ko ulit.


"Nasa sayo actually yun kung sa paanong paraan mo gusto. Kung ako ang tatanungin mo, gusto ko yung masusurpresa ako. Haha." natatawa niyang sagot.


Wala na akong kawala. Kelangan ko na sabihin sa kanya ngayong araw kung ano ang desisyon ko. Mukhang alam na rin naman ng kumag kung saan kame papunta. Halata naman siguro sa nangyari kanina. Pero gusto niya may formality. Ayaw daw niya mag-assume. Gusto ko sana sabihin sa kanya bago kame matulog kaso di ko alam paano. Di kasi ako sanay eh. Nasanay kasi ako na sa text ko lang sinasagot yung mga nanligaw sakin nun. Yung iba naman, ako ang nanligaw. Pfft. Bahala na.


"Pwede ko na pala gamitin yung powers ko na napanalunan ko kanina sa baraha..." sabi ni kumag.


"Okay. Your wish is my command..."


"2 consequences diba? Ikaw magligpit ng mga 'to, tapos ikaw magluluto ng almusal mamaya. Hehehe!"


"Ah ganun? Okay sige, ikaw naman ang gigising sakin para magawa ko yang almusal mo. Ikaw maghuhugas ng plato mamaya pagkatapos mag-almusal at mag-aayos ng kama mamaya pagkagising..." sabi ko naman.




"Oh, diyan ka na ah. Mauna na ako sa kwarto. Medyo antok na ako..."


Tumayo na ang kumag at dumiretso sa CR para maghilamos. Ako naman nagsimula na magligpit ng pinag-inuman namin at yung comforter kahit nahihilo. Paglabas niya sa CR, tiningnan lang ako. Hindi man lang ako tinulungan. Nakakaasar. Lagot siya sakin mamaya. Pagkatapos kong magligpit, naghilamos na rin ako at dumiretso sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto, gising pa ang kumag. Naglalaro lang ng PSP. Di ko na siya pinansin. Dumiretso na ako sa paghiga dahil inaantok na ako at nahihilo.


"Mamaya ka na matulog." sabi ni Vincent sabay alog sakin.


"Bakit?" tanong ko.


"Gagamitin ko na yung apat mong piniling Truth!" sabi niya.


"Sige, magtanong ka lang. Gamitin ko na rin yung isa mong truth. Haha! " sabi ko naman habang nakahiga na pero nakatalikod ako sa kanya,


"Humarap ka dito, gusto ko makita mukha mo habang nagtatanong ako!"


Hinila ako ng kumag at iniharap sa kanya. Nakahiga pa rin ako pero nakapikit. Siya naman, nakaupo lang at nakasandal sa headboard ng kama.


"Dito ka higa sa lap ko..." sabay hila ng unan ko at nilagay sa lap niya. Di na lang ako kumontra at sinunod na lang gusto niya.


"Unang tanong, kung ire-rate mo ang pag-asa ko sayo from 1-10, 10 being the highest. Ano rating ko?"


"Siguro 8." sagot ko.


"Bakit?"

"'Yan na ba ang pangalawa mong tanong?" balik kong tanong.


"Andaya. Sige na nga."


"Kasi, ikaw ang unang taong nagparamdam sakin na special ako. Di ko alam kung ganun yung turing mo sakin ngayon pero yun ang nararamdaman ko. Ginagawa mo kong baby." sagot ko.


"Masarap ba akong humalik?" tanong ulit niya.


"Pwede na. Amateur!" sagot kong natatawa.


"Anyabang! Kala mo naman. Hmp!" sabi niya sabay pisil ng ilong ko.


"Eh bakit mo ko hinalikan?" tanong ko sa kanya.


"Yan na ba yung tanong mo?" balik niyang tanong.


"Oo, yan na." sagot ko.


"Di ko kasi napigilan sarili ko na di ka halikan kanina e. At tsaka, sabi mo gusto mo maulit yung nangyari nung gabing lasing na lasing ka diba? Hahaha!"


"Adik."

"'Oo, sa'yo. Hehe. Huling tanong, kung hahalikan ba kita ulit, papayag ka?" tanong niya.


"Bakit di mo subukan?" hamon ko sa kanya.


Pagkasabi ko nun, bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Iniharap sa kanya. Tiningnan niya ako. Dahan-dahan yumuyuko at inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Konti na lang, mahahalikan na ulit niya ako. Pero di pwede, kaya tinakpan ko bibig ko at nahalikan niya ang kamay ko. Natawa lang siya.


"Hindi pwede. Tama na yung kanina. At tsaka, hindi pa tayo!" sabi ko sa kanya sabay balik sa pwesto ko dati. Humiga na nakatalikod sa kanya. Niyaya ko na matulog. Kelangan ko pa magising ng maaga. Nung napapapikit na ako, naramdaman ko ang kamay niya. Niyakap ako ni Vincent. Di ko na inalis ang kamay niya at natulog na lang.


 

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon