DECEMBER 2010
"SELOS! SELOS! Puro ka na lang SELOS! Kelan ka ba titigil ng kakaSELOS?" bulyaw ni Dylan.
"Kapag di na kita MAHAL!" sagot ni Joseph.
Naabutan kong nag-aaway na naman sina Dylan at Joseph. Pinagseselosan ni Joseph iyong kasamahan sa trabaho ni Dylan na hinatid siya nung isang gabi pagkatapos ng event nila sa office. Hindi kasi nasundo ni Joseph si Dylan. Simula nun, lagi na lang sila nag-aaway.
"Nag-aaway na naman ang lovebirds. :/" text ko kay Jake.
"Seloso talaga iyang bespren ko." Sagot niya.
"Seloso ka rin ba?" tanong ko.
"Malalaman mo rin 'pag tayo na." reply niya.
"Patawa ka!"
"Sagutin mo na kasi ako."
"Alin ba ang sasagutin? Ano ba iyong tanong?"
"Kung pumapayag ka na maging boyfriend mo ako."
Hindi ko na siya nireplyan. Isang buwan na rin siguro akong nililigawan ni Jake. Marami na rin kaming kilig moments together. Sa katunayan, mas marami pa siguro sa buong pagsasama namin ni Vincent. Hindi niya dinadahilan sakin ang pagiging busy. Wala na akong mahihiling pa sa sobrang kabaitan at pagiging maalaga niya.
"Guys, punta tayo Tagaytay sa weekend. Nagyayaya si pareng Vincent eh." Yaya samin ni Jake habang nagdidinner kame.
"Sige, wala rin naman kami pupuntahan ni Dylan eh." Sang-ayon ni Joseph.
Hindi parin alam ni Jake ang tungkol sa amin ni Vincent. Hindi ko alam kung kelangan ko pa ba sabihin sa kanya o hindi na. Nung huling beses na pinag-usapan namin ni Dylan tungkol dito, sabi niya huwag ko na lang daw sabihin. Pero sabi naman ni Joseph eh dapat ay sabihin ko.
"Okay na ba kayo ni Joseph?" tanong ko kay Dylan.
"Medyo. Ewan ko ba dun. Napaka-seloso talaga."
"Baka naman kasi may dapat talaga na ika-selos."
"Okay fine. Nakita niya akong naglulunch na kasama si Gelo."
"Ayun naman pala eh. Harot ng pinsan ko!" biro ko.
"It was supposed to be a group lunch. Inindiyan kami ng mga kasamahan namin sa trabaho. Alangan naman na bumalik na lang kame sa office eh nandun na kame at parehong gutom diba? Kaya siya nanggagalaiti kasi ang paalam ko nga ay marami kami tapos nung nakita niya kami ay tanging dalawa lang kami ni Gelo."
"Eh sinabi mo ba sa kanya iyan?"
"Oo. Ayaw maniwala sakin. Mag-break na lang daw kame. Eh pumayag ako. Bigla naman niya binawi at todo sorry. Bwisit!"
----- oo0oo -----
Dumating kame sa Tagaytay ng mga bandang alas-dyes ng umaga. Ang plano nila ay bonding lang sa may picnic grove. Medyo late daw darating si Vincent dahil may sinundo pa siya.
"Naks, lumalovelife si Vincent ah!" sambit ni Dylan habang nakatingin sakin.
Umalis kame saglit ni Dylan para bumili ng maiinom sa may 7-11 sa Olivares. Pagbalik namin nandun na sina Vincent at ang kasama niya. Si Tres. Ngayon ko lang ulit nakita si Vincent pagkatapos ng ilang linggo. Mula nung araw na nalaman niya na nakitulog ako sa bahay ni Jake ay hindi na muli ito nagtangkang magparamdam at magpakita. Kaya sa mga araw na wala siya, nabaling ang atensiyon ko kay Jake na walang sawang naghihintay. Aaminin ko may nararamdaman na ako para sa kanya pero natatakot ako masaktan muli.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.