CHAPTER FORTY - TWO

151 8 2
                                    

CHAPTER FORTY - TWO

"Kamusta ka na?" tanong ng pamilyar na boses. Di ako sumagot. Paglingon ko, nakita ko siya nakaupo sa sofa. Nginitian ko lang.

Kadarating ko lang ng bahay. Hindi ko inaasahan na siya ang una kong makikita. Dumating na pala siya. Nabanggit nga ni Dylan na darating na siya pero di ko inasahan na pupunta siya sa bahay ngayon. Nagtext pala si Dylan na umalis lang siya saglit para bumili ng makakain at binanggit niya na andito nga siya. Kung nabasa ko lang 'to kanina bago ako umuwi, di na lang sana ako umuwi. Bahala na. Hindi ko naman pwedeng balewalain lang 'to.

"Ngayon ko lang nabasa text ni Dylan na andito ka. Upo ka muna diyan." sabi ko.

"Lumabas lang siya saglit, may binili lang. Hindi naman siya ang pinunta ko dito eh kundi ikaw. Gusto ko kitang makausap. Marami akong gustong sabihin sayo." sagot niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Nangyari na ang nangyari. Tapos na yun. Wala ng tayo. Tanggap ko na." nakangiti kong sagot.

"Alam ko na nagkamali ako. Alam kong iniwan kita pero matatanggap mo pa ba ako? Kahit na sobrang sakit ang nabigay ko sayo, matatanggap mo pa ba ako?"

Hindi ko na nasagot yung tanong niya. Biglang dumating si Dylan. Buti na lang. Hindi ko rin naman kasi alam ano isasagot ko. Namiss ko siya. Gusto ko siya yakapin. Buti na lang napigilan ko sarili ko.

"Maiwan ko muna kayo" sabay pasok ko sa kwarto.

Na-miss ko siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina. Namimiss ko yung yakap niya. Lambing. Asaran. Tampuhan. Na-miss ko ang baby ko. Pero sa tuwing naaalala ko 'yung ginawa niya sakin, hindi ko maiwasan na magalit ulit. Masakit. Sobra.

"Oh, bakit?" tanong ko nung biglang pumasok sa kwarto si Dylan.

"Anong bakit? Harapin mo naman bisita mo." sagot niya.

"Hindi ko bisita yan. Bakit mo ba kasi pinapunta 'yan dito? Alam mo naman na ayoko makita 'yan."

"Gusto ka niya makausap kaya siya pumunta dito."

"Kakausapin ko siya pero hindi ngayon. Intindihin mo naman ako. Kakausapin ko siya 'pag kaya ko na."

"Sige, ikaw bahala. Sabihin ko na lang sa kanya." sagot ni Dylan sabay labas ng kwarto.

Tinanong ko kay Mommy Angie kinabukasan kung kakausapin ko ba si Vincent. Hindi niya sinagot ang tanong ko, ibinalik niya ang tanong sakin. Tanging ako lang daw ang makakasagot ng sarili kong tanong.

----- ooo0ooo -----

Dalawang linggo na ang nakallipas mula nung pinuntahan ako ni Vincent sa bahay. Buti na lang at hindi na siya nangulit. Ayoko rin naman masyadong isipin tungkol dun dahil hindi ko talaga alam. Gusto ko na ayoko pero ayoko na gusto ko. Nakakatawa na ako. Baka pag binigyan ko ng pagkakataon yun na magkausap pa kame, may maririnig na lang ako na "Spell TANGA". Kaboom!

"Always leave your heart open for the one that you love and never settle for less than what you want." Text ni Dylan habang papunta ako sa office.

"Gago!" reply ko.

"Uy, nakakarelate. Haha. Samahan mo ako bukas."

"Saan na naman? Di pwede, busy ako."

"Niyaya ako nung dinedate ko sa birthday ng kapatid niya. Sabi ko, di ako pupunta 'pag di mo ako sasamahan."

"Manggagamit!"

"I love you too!"

Plano ko sana talaga matulog lang sa off ko kaya lang nagpasama na naman 'tong si Dylan. Pero ayos na rin, katakawan na naman 'to. Masaya na naman mga alaga ko sa tiyan. Hindi na daw kami magdadala ng sasakyan. Hanep! Daig pa sa babae 'tong si Dylan, hatid-sundo.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon