Kasama ko ulit sa likod ng kotse ni Joseph sina Vincent at Jake. Pero nung hinatid na namin si Vincent pauwi sa kanila, kame na lang naiwan ni Jake sa likod. Siya ang makakasama ko buong byahe namin pabalik ng Manila. Kung gaano siya kadaldal kanina nung kasama namin sa byahe si Vincent, sobrang tahimik naman niya ngayon. Daig pa ang na-engkanto. Isang tanong, isang sagot kapag kinakausap ng bestfriend niyang si Joseph. Ito naman si Dylan, sa halip na daldalin ako eh puro lingon lang ang ginagawa niya sabay iling. Buset! Natulog na lang ako sa byahe dahil ayoko rin naman kausap itong si Jake. Mukhang ganun din naman siya sa akin. Quits lang.
"Ganda ng tulog natin ah?" bungad ni Dylan pagkadilat ko. Nakangisi. Sa balikat ni Jake ako natulog.
Nakaparada ang kotse sa tapat ng McDo. Nagugutom na daw sila. Nagpa-order na lang ako ng large fries. Nauna akong lumabas ng kotse at dumiretso sa washroom ng fastfood. Naiwan kame ni Dylan sa mesa habang umoorder sina Joseph.
"Bakit di mo ako ginising?" tanong ko kay Dylan.
"Sarap ng tulog mo eh. At tsaka, huwag ka na daw gisingin sabi ni Jake. Mukhang nagustuhan iyong pagtulog mo sa balikat niya." Sagot niya.
"Gago!"
"You look good together. Tingnan mo." Sabay abot niya ng camera. Nakahiga ako sa balikat ni Jake habang natutulog. Si Jake naman ay nakashades kaya di ko alam kung gising o tulog din.
"Delete mo nga iyan!" sabi ko habang sinusubukan agawin ang camera sa kanya.
"NO!" sagot niya.
Pagkatapos namin kumain, medyo naging madaldal na si Jake habang nasa byahe kame. Pero hindi parin kasing-daldal kapag kasama niya si Vincent. Kinuwento na yata niya ang talambuhay niya sa amin ni Dylan. Mula sa kung paano niya naging hilig ang volleyball hanggang sa paano sila naging bestfriend nitong si Joseph.
"So, how do you find Vincent?" biglang singit na tanong ni Joseph habang todo kwento pa itong si Jake. Kinindatan lang niya si Joseph bilang sagot.
----- oo0oo -----
Birthday din pala ni Kiko nung weekend. Nakalimutan kong batiin si bansot. Kaya pala hindi niya ako pinapansin buong araw nung nakita niya ako kanina. Tinanong ko si Mark kung galit ba sakin, nagkibit-balikat lang siya. Nung nakita niya ako palapit sa desk niya, lumabas siya ng office. Hahabulin ko sana pero sabi ni Mommy Angeli, nagpapakipot lang daw iyon dahil nakalimutan ko siya batiin. Isa daw ako sa mga inaasahan niyang unang babati sa kanya nung kaarawan niya. Na-guilty naman ako. Nung nakabalik na siya sa desk, lumapit ako kaagad habang nakatalikod siya sabay yakap para walang takas.
"Sorry na. Bati na tayo matsing." Sabi ko habang nakayakap sa kanya. Hindi ako pinansin.
"Hahalikan kita kapag hindi ka nakipagbati sa akin." Dagdag ko.
"Antagal naman!" sagot niya sabay harap sa akin.
"Sige mamaya kapag tayo na lang at wala na masyadong tao." Bulong ko.
Nilibre kami ng lunch ni Kiko sa isang resto na malapit lang din sa office. Iilan lang kame ang niyaya niya dahil halos maubos na daw ang pera niya nung weekend dahil gumimik sila ng mga pinsan niya.
"Akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo." Nakalagay sa text na natanggap ko. Hindi nakarehistro ang numero. Baka si Vincent kaya hindi ko nireplyan.
Hanggang makauwi ako sa bahay, text parin ng text sa akin. Kakapalit ko lang ng number kaya imposibleng may makaalam kaagad ng bagong number ko. Mga ka-close ko lang muna ang sinabihan ko tungkol dito. Kinailangan ko kasi magpalit ng number dahil kinukulit ako sa text ni Jagger.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
Roman d'amourThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.