"See you on Friday!" text sakin ni Brian.
Nag-birthday ako na parang hindi ko birthday. Ang loser ko talaga. Maaga ako umalis nung isang gabi after ko sila i-treat ng dinner. Di ko na matandaan kung saan ako dinala ng mga paa ko at paano ako nakauwi. Ang huling natatandaan ko ay iyong pagdating ni Vincent sa resto at inabot ang regalo niya. Ang pagtabi nila ni Jake sa mesa. Nag-uusap. Nagtatawanan. Nagtititigan. Ako dapat iyon. Ako dapat iyong nasa pwesto ni Jake. Nagseselos ako. Sabi ni Dylan, babalikan ako ni Vincent pero bakit parang ayaw na niya? Mas gusto na niya si Jake. Nasasaktan ako.
Pumunta ako ng MoA at nagbabakasaling makita ko ulit dun si Aling Cora. Nabigo ako. Nanood na lang ako ng sine. Naglaro ng bowling. Nag-timezone. Dumaan sa simbahan para magpasalamat. Bumili ng damit. Nagpagupit.
"You deserve to be happy. Buksan mo ang puso mo para sa mga taong gusto kang pasayahin."
Tama si Joseph. Siguro panahon na talaga para magmove on na ako. Vincent is moving on. I should do the same. Kaya lang, Brian is Vincent. Vincent is Brian. Malalaman ko siguro sa Byernes kung ano ba talaga. Kung gusto niya makipagbalikan o hindi na. Pero mukhang masaya na talaga siya kay Jake. Huli ko siyang nakitang ganun kasaya eh nung kami pa. Jake must be something. Kelangan ko na siguro siya pakawalan. Bahala na. Ayoko magsalita ng tapos. Kung ano man ang magiging resulta ng aming pagkikita sa Biyernes, tatanggapin ko.
"Bakit pa kasi nagpakipot pa ako?" sabi ko sa sarili ko habang inaalala nung nakikipagbalikan siya sakin.
----- oo0oo -----
"Wow! Ayos na ayos ah. Saan punta?" tanong sakin ni Dylan.
"Sa Shang, may kikitain lang." sagot ko.
"Date? Naks. New beginnings." Asar niya.
"Ugok! May kikitain nga lang ako."
"Kaya pala kalahating oras ka na sa harap ng salamin. Kikitain pala ha! Kumita na iyan. Huli kitang ganyan nung first date niyo ni Yhuan."
Sa Shang daw kame magkikita. Starbucks, 8pm. Nandun na ako mga bandang 7:30. Umorder na lang muna ako ng green tea frappe habang hinihintay siya. Papunta narin naman daw siya at medyo malapit na rin siya sa Shang. Mga bandang 8:30, nagtext ako kung nasaan na siya. Walang reply. Sinubukan kong tawagan ng ilang beses pero di sumasagot. Nung naubos ko ang aking inumin, naglakad-lakad muna ako sa loob ng mall. Tumingin-tingin na rin ng mga damit. Baka may magustuhan ako. Halos ikutin ko na ang buong mall, wala parin si Brian. Nakailang text na ako pero hindi parin siya nagrereply. Sinubukan kong tawagan pero nung sinagot niya, hindi siya nagsasalita. Baka kako di ako marinig. Mukhang nasa mall na rin siya nun dahil pareho ang naririnig ko sa background niya. Nagsasara na rin ang ilan sa mga tindahan sa loob ng mall. Hanggang sa nagsara ang mall, walang dumating. Walang dumating na Brian. Tangina. Paasa. Drawing. Isa siyang canvass stand.
"Nasaan ka na Vincent? Kanina pa ako andito. Hinihintay ka." Sabi ko sa sarili ko.
Bumalik na lang muna ako ulit sa Starbucks at tumambay. Nag-iisip kung saan ako pupunta. Tinext ko si Kiko, nagbabakasakaling hindi pa nakakauwi. Friday naman, malamang gumimik pa iyon. Walang reply. Ayoko pa umuwi. Lahat na yata ng tao na labas-pasok sa coffee shop eh sinipat ko kung kakilala ko. Desperado na ako. Halos lahat yata ng contacts ko eh niyaya ko makipagkita. Lahat naman may sariling lakad. Naghintay ako hanggang alas dose, baka sakaling may good samaritan na sasagip sa epic fail kong meetup. Kaso wala talaga. Wala akong choice kundi umuwi. Yayayain ko na lang si Dylan na uminom.
"Paolo!" tawag sakin isang lalake paglabas ko sa coffee shop.
Hindi ko mamukhaan kung sino nung nilingon ko kaya tinuloy ko lang ang aking paglakad.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.