CHAPTER EIGHTEEN

283 15 0
                                    

Time Check: 9:47PM

Nginitian ako ng kumag sabay kindat nung nalaman niyang siya ang mauuna. Hindi pala ako masyadong nag-oopen up sa kanya. Hindi rin naman kasi siya masyadong nagtatanong eh. Tumayo muna siya at kumuwa pa ng maiinom. Ubos na yung anim na bote na kinuha niya kanina. Lagot na, madali pa naman ako malasing pag ganitong klase lang yung iniinom ko.


"What's your greatest fear, Pao?" simula niyang tanong.


"Naks naman, english ah. Hmm. Greatest fear? Siguro yung maging mag-isa sa pagtanda. Lalo na sa case ko, wala akong kapatid. Darating ang araw, magkakaroon ng pamilya si Dylan. Eh siya lang ang kaclose kong kamag-anak e. Kaya gusto ko magkaroon ng pamilya. Hindi mahalaga kung lalake man o babae yung magiging kasama ko, basta mahal namin ang isa't isa at walang iwanan. Magbubuo kame ng pamilya." sagot ko.


Tahimik. Uminom.

"Oh ako naman. Ano yung isang bagay na maipagmamalaki mo sa partner mo?" tanong ko.

"Yung pagiging sweet ko siguro. Hindi pa ba halata? Alam ko naman na kilig na kilig ka sakin eh. Hahahah!" sagot niya.


Anlakas ng kampidens ni kumag. Kung sa bagay, totoo naman. Kilig na kilig ako sa ginagawa niya. Hindi ko nga lang pinapahalata.


-----------------------

"Naka-ilang relationships ka na?" tanong niya habang kumakain ng chichirya.

"Di ko binibilang. Marami na rin naman. Pero iilan lang talaga yung maituturing kong seryoso, dalawa ata. Kelangan kasi umabot ng 6months para masabi kong seryoso talaga." sabi ko.


-----------------------

Paolo: Describe you ideal partner.


Vincent: Seryoso? Hirap niyan ah. Gusto ko mas matangkad sakin, may sense of humor, cute, maganda mata at mabait. May time para sakin kahit gaano siya ka-busy.

 

Mukhang matangkad lang yata yung swak sakin. Hahaha.


-----------------------

Vincent: Mahal mo pa ba si James?


Paolo: Matagal ko na natanong sa sarili ko iyan. Hindi na. Masaya na ako sa buhay ko ngayon.


Ang totoo niyan, hindi ko alam kung minahal ko ba talaga si James. Pero aminado ako na naging importante siya sakin.


-----------------------

Paolo: Naging third party ka na ba sa isang relasyon?


Vincent: Oo naman. Uso yata yun sa katulad natin eh. Pero yung sa case ko naman, di ko alam na nasa isang relasyon siya nun. Niligawan ko, sinagot ako. Hanggang isang araw, nung nagdate kame sa MoA, sa di inaasahang pagkakataon, nakita kame nung legal na jowa. Hahaha.


Sa lahat ng mga nakarelasyon ko, seryoso man o hindi. Kay James ko lang naranasan ang maging isang kabit.

-----------------------

Vincent: Sa lahat ng mga naging relasyon mo, seryoso man o hindi. Alin dun yung pinakamasakit?


Paolo: Syempre sa unang girlfriend ko nung highschool. Bigla na lang niya ako iniwasan nang di ko malaman kung ano ang dahilan. Pinilit kong alamin pero ayaw niyang sabihin. Tinanong ko mga kaibigan niya, wala silang alam. Masakit kasi alam mong wala kang ginawang masama. Lahat tayo may karapatan malaman ang dahilan kung bakit tayo iniiwan. Hanggang ngayon, di ko parin alam kung bakit niya ako iniwan. Sayang yung isang taon mahigit naming relasyon. Pero sabi nga nila, the magic of first love is as painful when it's over, but the sweetest part of it is when you learn to cry, to let go, to be strong and to be wise.


Di ko namalayan tumulo luha ko. Tuwing naaalala ko yun, di ko mapigilan ang di maiyak. Masakit parin. Hinawakan lang ni kumag balikat ko. Pinilit kong ngumiti. Ayokong sirain yung moment.

-----------------------

Paolo: Bakit ka umiyak at sobrang apektado nung nanuod tayo ng One More Chance?

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon