CHAPTER SEVENTEEN

293 17 0
                                    

DAY 6 - Final Interview

Hindi ko na namalayan na nakatulog na kame. Pagkagising ko, wala na sa tabi ko si Vincent. Malamang nagluluto na ang kumag. Pinilit ko ulit matulog pero gising na gising na ang diwa ko. Iniisip ko parin yung nangyari kagabi kung bakit ganun na lang kalungkot si Vincent pagkatapos manood ng movie. Baka nagdadalawang-isip na siya sakin. Baka may ginawa ako na di niya nagustuhan. Sana mali ako. Ayoko tumigil siya dahil nagugustuhan ko na siya.


"Huy, tulala ka diyan..." di ko namalayan na pumasok si Vincent sa kwarto.

"Ha?" sagot ko.

"Wala. Tara, kain na tayo!" nakangiti ang kumag.

"Sige mauna ka na, magligpit lang ako..."

"Mamaya na iyan!" sabay hila sa kamay ko.


Ansarap talaga magluto ng kumag. Kahit simpleng hotdog, bacon, itlog at sinangag lang yun, kakaiba ang lasa. Ang galing talaga. Tinanong ko kung may nilalagay ba siya, wala naman daw. Sus, kunwari pa ang kumag. Di na ako nakipagtalo. Inisip ko na lang na sadyang gutom lang talaga ako kaya lahat ng pagkain eh sarap na sarap ako.


"San tayo ngayon?" tanong ko.

"Ano meron?" balik niyang tanong.

"Day 6 ngayon.." sagot ko. Ngiting-aso ang kumag.


Sabi ni kumag, mamaya na lang daw gabi namin simulan yung Final Interview niya. Nagset-up na siya sa may balcony, inilabas yung comforter na nasa kwarto ko. Andami talagang alam na patweetums 'tong kumag na 'to. Siguro dahil sa kakapanood niya ng mga love story. Dun niya siguro nakukuha ang mga ginagawa niya sakin. Effective naman ang mga pinaggagawa niya. Bagong-bago. Ibang-iba.


Mga alas-singko pa lang siguro nun, nagluluto na ang kumag para sa aming hapunan. Paliwanag naman niya, kelangan daw namin makarami. Ang weirdo talaga. Pagkatapos kumain, pumunta agad siya sa balcony para ayusin yung mga pinaggagawa niya kaninang tanghali. Ako naman, hinugasan yung pinagkainan namin. Pagkatapos maghugas, nagshower na ako. Nagshower din si Vincent.


"Marunong ka ba maglaro ng baraha?" tanong niya.

"Oo, bakit?" sagot ko.

"Laro tayo Lucky 9..."

"Ayaw...Unggoy-ungguyan na lang! Haha!"

"Pfft. Sige na nga..."

"Napipilitan ka lang ata e."

"Hindi ah..."

"Iinterbyuhin na ba kita?" tanong ko...

"Mamaya na, pagkatapos natin maglaro.. Truth or Consequence to ha?"

"Bring it!"


Hanep! Truth or Consequence gamit ang baraha. Pwede naman kasing spin-the-bottle na lang laruin eh. Mas madali pa. Ayaw naman ng kumag. May originality daw siya. Tsk. Dami talagang alam. Kaya naman wala na akong nagawa kundi makipaglaro ng unggoy-ungguyan sa balcony ng unit namin. Ang matatalo, mamimili kung truth or consequence. Sampung laro lang lalaruin namin. Tapos bibilangin kung ilan yung piniling truth at consequence ng bawat isa. Gagamitin namin yun kinabukasan. Pwedeng ipagawa at itanong lahat maliban lang sa estado niya sakin. Haha.


Unggoy-Ungguyan Results: Vincent - 4 (1 Truth, 3 Consequences; Paolo - 6 (4 Truth, 2 Consequences).

Pagkatapos namin maglaro ng baraha. Inuman naman. Dinaya yata ako ng kumag sa unggoy-ungguyan eh. Ako ang nakarami ng talo. Naninilip pa ng mga baraha ko habang naglalaro kame. Anduga talaga! Babawi na lang ako sa inuman at sa interview niya. San Mig light lang yung pang-nomo namin, yun lang kasi meron. Chichirya ang pulutan.


"Nabasa mo ba yung 20 Questions ni Juan Ekis?" simula ko.

"Hindi eh, ano ba yun?" balik niyang tanong.

"Loser mo naman, ganda kaya ng kwentong yun. Nanalo ng Palanca Award yun!"


Nakakaasar talaga 'tong kumag. Akala ko naman maraming alam. Hindi man lang pala niya nabasa yung 20 questions ni Juan Ekis. Ang ganda kaya nun. Bilib na bilib ako sa nagsulat nun. Hindi lang ako sigurado kung ginawang play yung kwento nito or para sa isang play talaga 'tong kwentong ito.


"Oo na. Start mo na ang interview..."

"Ganito, salitan tayo magtanong hanggang alas dose. Magtanong ka narin sakin para malaman mo ang mga bagay na gusto mong malaman tungkol sakin. Hindi pwedeng ulitin ang natanong na nung isa at no follow-up questions. Okay? Game?


"Game!"

"Kara o Krus?"

"Kara!"


Tinapon ko ang barya sa ere. Hinintay ang paghulog sa comforter. Kara. Si Vincent una magtatanong.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon