"Gusto ko makipag-ayos sayo sir..."
"Wala nang dapat ayusin, tapos na tayo."
"Hayaan mo muna ako magpaliwanag..."
"Ano pa ba gusto mo mangyari?"Niyaya ko na lang siya sa labas dahil pinagtitinginan na kame ng mga tao sa lobby. Na-miss ko ang pagtawag niya sakin ng "sir". Pero hanggang dun na lang talaga. Once is enough sabi nga nila. Kung anu-anong palusot ang sinabi niya sakin pero di ko na masyadong binigyan ng pansin dahil di na rin naman niya maibabalik pa ang tiwala ko sa kanya at hindi rin ako maniniwala. Isa pang dahilan kung bakit di ko siya masyadong nabibigyan ng pansin dahil may nangungulit sakin sa text na hindi ko naman kilala. Napansin siguro ni James at inakalang may iba na ako kaya mag-usap na lang daw ulit kame sa susunod dahil may pupuntahan pa siya.
"Sino ka ba ha?" text ko sa kanina pang makulit na texter.
"Kung malaman mo ba kung sino ako, magtetext ka pa rin?" reply niya.
"Oo na. Sino ka ba?"
"Vincent 'to."
"Sinong Vincent?"
"'Yung nakipagkilala sayo nung nasa Tagaytay ka at kasama mo nung lasing ka." Patay! Di ko na muna nireplyan.
"Ui, andiyan ka pa?" text ulit niya.
"Sorry, may ginawa lang. Saan mo nga pala nakuha yung number ko?" tanong ko sa kanya.
"Kay Liera, kinuha niya sa pinsan mo... ^_^"
Lekat na Dylan 'to sabi ko sa isip ko. Hindi man lang nagpaalam sakin na ibibigay niya ang number ko. Okay lang naman sakin. Gusto ko lang may formality. Hihihi.
Hanggang sa pag-uwi ko, katext ko si Vincent. Wala na nga yata akong inatupag nung araw na yun kundi i-text lang siya eh. Di ko na rin yata natapos yung trabaho ko. Tinamad na rin siguro ako. Mas tinuon ko na lang ang pagtetext.Nalaman ko na taga-Tagaytay siya. Nung time na nakita niya ako sa Starbucks, papunta siya ng Manila nun. Ilang araw na rin daw siya pabalik balik dun sa lugar na pinag-inuman namin ni Dylan dahil nagbabakasakali siya na makita niya ako para maisauli ang wallet ko. Bunso siya sa tatlong magkakapatid. Graduate ng nursing at board passer. 5'8 ang height ni Vincent, moreno at matangos ang ilong. Hawig ni Jon Avila pero maitim at maliit na version. Sakto lang ang pangangatawan.
AUGUST 2009
Mga dalawang linggo na rin siguro kame parating magkatext ni Vincent. Halot lahat na yata ng kelangan kong malaman tungkol sa kanya ay nalaman ko na. Mula sa mga kalokohan niya nung elementary hanggang college. Ilang beses na rin niya akong inimbita na bumalik sa Tagaytay. I-tour daw niya ako. Sinabi ko kasi sa kanya na yung People's Park at Magallanes Square lang yung pinuntahan ko dun dahil wala akong masyadong alam sa lugar, Sinabi ko na rin sa kanya yung dahilan ng gabing nakita niya akong umiinom at pagpunta ko sa Tagaytay.
"Psst, punta akong Manila bukas! " text niya sa akin isang araw.
"Psst ka din, anong naman gagawin mo sa Manila?"
"May aasikasuhin lang at tsaka..."
"At tsaka ano?"
"..para makita kita."
"Woooh! LAKAS!"
"Gusto kita makita, di ba pwede?"
"Pwede naman! Haha!"
"Yey! Watch tayo movie at dinner..."
"Ano 'to date?" tanong ko sa kanya.
"Ah, parang ganun na nga. Ayaw mo ba?"
"Ayos lang. Saan naman? Anong oras?"
"Greenbelt, 5PM. "
Kinabukasan, nag-early out na ako sa trabaho. Sinabi ko na lang na may pupuntahan ako. Ayoko kasi ma-late at paghintayin si Vincent. Nasa Greenbelt na ako mga alas kwatro ng hapon. Dumating na rin siya pagkatapos ng sampung minuto. Nagkita kame sa may sinehan malapit sa timezone. May isang oras pa bago magsimula yung movie kaya nag-timezone muna kame. Tekken, Go Go Balls, Time Crisis at Air Hockey and mga pinagtripan namin laruin. May 20 minutes pa bago ang movie, humirit pa ang mokong na mag-music zone. Tig-isang kanta kame. Nauna siya. I'll Be ni Edwin Mccain ang kinanta niya. Habang kumakanta siya, bigla niyang hinawakan kamay ko.Nakatingin sakin.
Mata sa mata.
Pinisil ang kamay ko.
Kinilig ako ng konti.Ako na kakanta. Superhuman ni Chris Brown. Di ko masyadong kabisado yung kanta. Kaya natatawa na lang ako sa mga lyrics na di ko alam yung tono. Nakikinig siya. Seryoso ang mukha. Nung patapos na yung kanta, tumayo na ako para ibalik na rin ang mic sa lagayan nito. Dumiretso na ako sa pintuan pagkatapos pero bigla niyang hinawakan kamay ko. Paglingon ko....
Bigla niya akong ninakawan ng halik sa pisngi sabay yakap.
"Salamat ha?" bulong niya pagkayakap sakin.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomansaThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.