"Hey, handsome! " text ni Vincent sa akin isang araw.
"Adik! Handsome ka diyan!" reply ko naman.
"Punta ako Makati bukas! Yey!"
"Ano meron?"
"Mag-aaply ako!"
"Saan naman?"
"Basta! Sa tabi-tabi lang. Hehe!"
"Huwaw! Magtataho?"
"Adik! Sana matanggap niya ako."
"...niya?" tanong ko.
"'Yung pag-aaplyan ko kako ibig kong sabihin." paliwanag niya.Kinabukasan, Lunes yun. Gising na ako ng umaga dahil nagpahatid yung pinsan ko sa pinagtratrabahunan niya. Gagamitin ko kasi yung kotse eh kasi panggabi yung trabaho ko ng linggong yun. Malapit lang naman yung workplace ni Dylan, sa may Makati lang malapit sa Makati Med. Pag-uwi ko, natulog ulit ako saglit at nagising mga bandang tanghali.
*beep* *beep* - may nagtext, si Vincent.
"Andito ako sa labas ng unit mo! "
"Wait lang, hilamos lang ako." reply ko.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang kumag sa labas. Nakatayo. Naka-long sleeves na blue, necktie na black, slacks at leather. Naka-backpack at bitbit ang tinake-out na pizza.
"Bebentahan mo ba ako ng insurance?" panimula ko.Tumawa lang ang loko habang pinupunasan ang kanyang pawis sa noo. Pawis na pawis na sa suot niya. Niyaya ko na pumasok. Sinabihan ko na magpalit muna siya ng damit at manghiram sakin, di pumayag. Inalok ko ng juice at kinain na rin namin yung dala niyang pizza. Tagal ko na rin di nakakain ng pizza. Buti na lang yung paborito kong pizza yung dala niya. Sarap na sarap kasi ako sa pizza ng YC eh.
Tahimik lang si kumag habang nanonood ng TV. Pag kinakausap ko, antipid ng sagot. Pinagpapawisan pa din kahit anlamig sa loob ng unit namin. Weirdo.
"Hindi ka naligo noh?" biro kong tanong.
"Naligo ako noh!"
"Oo o hindi lang dapat ang sagot!"
"Adik! Kahit anu isagot ko sa dalawang yun, parang inamin ko na rin na di ako naligo!"
"So, di ka nga naligo?"
"Naligo nga! Kulit mo!"
"Bakit pinapawisan ka parin?"
"Kinakabahan kasi ako..."
"Ganun talaga pag first time magapply ng trabaho!"
Pagkasabi ko nun, biglang naging seryoso ang mukha ng kumag. Tiningnan niya ako sa mata. Tapos umiwas na ng tingin, parang may iniisip. Huminga ng malalim. May kinuha sa dala niyang bag. Isang folder.
"Hindi ako mag-aapply ng trabaho..." biglang yuko niya pagkasabi.
"Akala ko mag-aapply ka sabi mo sakin kahapon?" tanong ko.
"Eto resume ko...." sabi niya sabay abot ng folder na kinuha niya sa bag kanina.
"Mag-aapply sana ako....bilang boyfriend mo!" dagdag niya.
Lagot na!
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.