"Antagal mo naman..." sabi ni Dylan na nakasimangot.
"Pasensiya na, ang haba kasi ng pila..." sagot ko.Pagkabigay ko ng frappe ni Dylan, tumahimik na siya. Wala nang imikan. Todo picture siya sa lugar gamit ang camera dala namin. Minsan, kinukunan ako ng kumag para may picture man lang daw ako dahil dala niya ang camera nung naghiwalay kame ng umagang yun. Maya-maya may lumapit na babae sa table ko.
"Hi, I'm Liera. Pinapabigay ng friend ko..." sabay abot niya ng isang bagay na nawala sakin nung gabing naglasing ako - ang wallet ko.
"Thanks!" ang tanging nasambit ko.
Hindi ko alam ang gagawin sa oras na yun. Ramdam ko yung titig ng pinsan ko na nagtatanong.
"You're Paolo, right?" tanong ni Liera.
Tumango ako bilang sagot.
"Pwede ka ba daw makausap ng friend ko saglit?"
"Nasaan ba siya?"Tinuro ni Liera kung saan nakaupo yung kaibigan niya. Pero pinakiusapan ko siya na maiwan kasama si Dylan para may makausap ito. Kahit sinabi niyang saglit lang kame mag-uusap ng kaibigan niya, alam kong magiging mabagal ang pag-andar oras. Nung nakalapit na ako sa kanya, nakatayo lang ako sa harap niya. Di ko alam kung paano simulan ang pag-uusap namin. Nakatingin lang din siya sakin. Namumula. Nauutal.
"Hi, salamat dito.." sabay pakita ng wallet ko.
"Wala yun..." sabi niya sabay bigay ng ngiting nahihiya.
"I'm Paolo, you're?"
"I'm Vincent!"Nakipag-kamay ako at nagpaalam na din. Ang awkward kasi nung moment eh. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung ano talaga nangyari ng gabing yun at paano kame napunta sa motmot. At kung may donselyahan bang naganap. Pero wala akong lakas na loob para tanungin sa kanya yun. Kelangan ko siguro ulit ang animo ng alak para mangyari yun.
--- oo000000ooo ---
Pagbalik ko sa kinauupuan ni Dylan, nakangiting-aso ang kumag. Nagpaalam na rin si Liera na balikan na niya si Vincent. Nag-stay pa kame ng ilang minuto tapos umuwi na. Habang nasa byahe, wala akong imik. Pero yung kumag, pasipol-sipol habang nagmamaneho.
"Finally, na-meet mo na si Vincent..." sambit niya habang nagmamaneho.
"Wow, close kayo? First name basis ah." sarkastiko kong sagot.
"You owe me a lot of kwento dude or else..."
"Whatever!"Wala na akong choice. Kinuwento ko na din kay Dylan kung ano yung bumabagabag sa sakin. Nung gabing iniwan ako ni Dylan, nilapitan ako ni Vincent at pagkagising ko na nakahubad ako at katabi siya. Wala naman kaso kung may nangyari samin. Ang sakin lang, yun kasi ang kauna-unahan kong ONS. Sana man lang naramdaman ko ang sarap at init ng aming pagniniig. Unfair. Haha!
Bumalik na ako sa trabaho ko. Medyo okay na ako. Minsan, sumasagi parin sa isip ko si James at ang kanyang panloloko na ginawa niya sakin pero di na ako apektado. Pinagtatawanan ko na lang yon. Ilang araw na rin nakalipas nung nagkita ko si Vincent sa Tagaytay. Medyo busy na rin ako sa trabaho kaya nakakatulong narin 'to para di ko maisip ang mga nangyari sakin.
"Mr. Zaragoza, someone is looking for you..." sabi sakin ng boss ko bago ang aming lunchbreak.
Napa-WTF na lang ako. Ito ang kauna-unahang na may bumisita sakin sa opisina. Bumaba na ako sa ground floor at tinungo ang reception area para alamin kung sino naghahanap sakin dahil nakalimutan ko tanungin sa boss ko. Pinuntahan ko kaagad yung taong naghahanap sakin. Nakaupo at nakatalikod siya kaya di ko makita kung sino pero pamilyar ang tindig ng likod.
Lumingon siya. Bigla tumayo ng nakita niya akong papalapit sa kanya. Nginitian niya ako.
"Anong ginagawa mo dito James? tanong ko sa kanya...
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.