KABANATA 7

123 31 8
                                    

KABANATA VII: Tusong Tagapamahala

WALANG inaksayang panahon si Ino'og nang malaman niyang nasa kamay ni Gangun ang pitong kanayong nag-aaral din sa Pulangtubig. Agad siyang nagtungo kasama si Kilu sa lugar na sinabi ni Agut sa kanila. Hindi sila nagsumbong sa mga tagapagturo at ginawa nilang lahat ang mga utos na sinabi ni Agut na galing kay Gangun.

"Talagang pinaghintay n'yo ako ng matagal kasama ng mga basurang ito!"

Matalim na boses ni Gangun ang sumalubong sa magkaibigan nang marating nila ang lugar. May kasama itong limang mag-aaral din na mga alalay nito na siyang nagbabantay sa pitong mga kabataang nakatali at pawang mga nanghihina.

Ilang minuto na lang ay lulubog na ang araw at dahil sa mayayabong na mga puno ay nauna nang dumilim sa kinaroroonan nila.

"Pakawalan mo ang mga kanayon ko!" gigil na sigaw ni Ino'og. Kung hindi lang binabantayan ng mga kasama ni Gangun ang mga kanayon niya ay agad niya na sanang sinugod si Gangun.

"Nababaliw ka na talaga, Gangun!" sabat naman ni Kilu. "Alam mo bang paglabag sa paaralan itong ginagawa mo?! Isa rin itong malaking karuwagan!"

Umismid lang si Gangun bago mayabang na sumagot, "Kaya nga dito sa labas natin ito gagawin. Kailangan mo akong labanan, Kilu'ang, at pagkatapos ay iaalay ng aliping mong iyan ang ulo niya sa akin!"

Lalong kumuyom sa panggigigil ang mga kamay ni Ino'og. Wala namang nagbago sa nais ni Gangun ngunit bakit umabot na sa ganito ang kahibangan nito. At paano ring malaya nitong nabihag at nadala rito sa labas ang kaniyang mga kanayon? Ang mga tanong na ito ay gumugulo sa isipan ni Ino'og. Nakararamdam din siya ng pangamba na tila may mas malaking mali sa nangyayari. Dahil malaya rin silang nakalabas na dalawa ni Kilu sa maliit na tarangkahan sa gawing kinaroroonan nila. Walang nagbabantay sa tarangkahan kahit na napakalapit lang nito sa gusali ng Gabay at Pagtutuwid. Mahigpit ang batas ng paaralan sa kahit na sino kaya imposibleng walang nakapansin sa mga pinaggagawang ito ni Gangun.

"Ano ba talagang kailangan mo? Sabihin mo!" Natitiyak ni Ino'og na may kinalaman sa mas malaki pang bagay ang pangyayaring ito.

"Basura! Umayos ka sa pagsasalita mo! Kanina mo pang sinisigawan ang aming amo!" Isa sa mga kasama ni Gangun ang galit na sumagot.

"Hayaan ninyo siyang ngumawa," sabi naman ni Gangun na inismiran lang si Ino'og at hindi na binigyan pa ng isa pang tingin. "Kilu'ang! Alam mong pakakawalan ko lang ang mga basurang ito kapag natalo mo ako, hindi ba?"

"Pumapayag na ako!" agad na sagot ni Kilu. Sa ngayon ay alam ng magkaibigan na wala na silang pagpipilian pa kundi patulan si Gangun sa kahibangan nito.

Samantalang napangiti naman ng malaki si Gangun dahil sa narinig.

Bago umabante sa gitna ng lugar ay isang mahabang tabak ang mabilis na inabot kay Gangun ng isa nitong kasamahanan. Ikinabigla ito nina Ino'og at Kilu. Hindi makapaniwala ang magkaibigan na gagamit ng ganitong sandata si Gangun. Mga bata pa sila at ang paggamit ng tabak lalo na yaong mahahaba ay hindi pa angkop sa kanila.

Halos isang dipa ang haba ng tabak kaya naman nagmistulan itong sibat sa maliit na mga kamay ni Gangun.

Napangisi na lang si Kilu saka niya binunot mula sa kalubang nasa tagiliran niya ang kaniyang balaraw. Siya na ang agad na sumugod. Kung dadaanin niya sa bilis ang atake ay tiwala siyang matatalo niya si Gangun dahil malamang ay hindi nito magagamit nang maayos ang sandata nito.

Iyon ang nasa isipan ni Kilu.

Mabilis siyang nakalapit kay Gangun nang hindi ito nakapaghahanda. Ngunit nang inunday niya na ang balaraw patungo sa mga braso nito ay biglang nanlaki ang mga mata niya.

Paglubog at Pagsikat (Rise of the New Sun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon