Chapter 8

8 1 0
                                    

Keize's POV

I DON'T KNOW what to feel. Nakahiga na ako, but what I've witnessed a while ago keep running into my mind. What the hell was that? Tama ba 'tong school na pinasukan ko? Hindi ako makatulog sa hindi malamang dahilan, kanina pa ko pagulong-gulong sa kama ko to distract myself. When a piece of paper caught my attention mabilis kong kinuha 'yon at ang laptop ko.

Hinanap ko sa facebook ang pangalan ni Aeris.

Aeris Zhane Hermosa, sent a friend request.

And to my surprise na confirm agad ang request ko. Mabilis na nag pop-up sa messenger ko ang profile niya.

Aeris:
Huy!

Natawa pa ko sa chat niya, para lang siyang nag ramdom chat HAHAHA!

Keize:
Bakit hindi ka pa tulog?

Aeris:
Hindi ako makatulog.

Keize Haniah Roix added Isabella Eizen Chavez.

Isabella:
Ang daya niyo ah! Hindi niyo ko sinasali.

Aeris:
HAHAHA.

Keize:
About kanina guys.

Aeris:
Naalala ko na naman 'yan.

Isabella:
Hephep! Bukas na natin pag-usapan 'yan.

Isabella:
Tanungin na din natin si sis para naman hindi tayo clueless dito.

Aeris:
Sino yun?

Keize:
Friend ni Bella na nag-aaral din sa RPU.

Keize:
Matulog na tayo maaga pa bukas.

After that conversation pinilit kong makatulog. RPU anong klaseng school ka ba talaga, may arena, may gang, and such a thing, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng excitement at the same time nervousness.

Kung titingnan sa labas ang school aakalain mong mabubuting estudyante ang nag-aaral dito, yon bang normal na school at gugustuhin mong mag-aral dahil sa facade ng school. Katulad ng iba pang schools. But no one knows what's going on inside that school. Sa sobrang pag-iisip nakatulog na ako.

Kinuha ko ang nag-iingay na alarm clock at pinatay. Pakiramdam ko kakapikit ko pa lang kaya lalanta-lanta akong kumilos para mag-ayos papasok ng school. Bababa na sana ako para kumain pero may narinig akong boses galing sa study room.

"Mom, ako na ang nakikiusap sayo."

Ehh?

"I said no, Minrod!" Said the other voice.

"But mom, hindi makabubuti sa kaniya ang University na yon."

So, it is about me again tss.

"Pero doon siya dapat Minrod, that's her punishment for not obeying us. Now get out." Padabog na umalis ng study room si kuya kaya dali-dali akong bumaba sa hagdan.

"Aww, hoo.. hoo.. ahh! Demmit! Damn!" Dahil sa pagmamadali ko natapilok pa ako sa panghuling baitang. I was holding my injured foot ng tawagin ako ni Minrod.

Sakit!

"What are you doing there?"

"Bahay ko din kasi 'to kaya ako nandito." Sarkastikong sabi ko sa kaniya, pero ng makita ko na nakatingin siya sa paa ko iniwas ko 'yon para 'di niya makita.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now