Aeris POV
MABILIS kong nailagan ang sipa ng kalaban. Tumalon ako at sumampa sa leeg nito.
"Isang maling kilos mo, sa hospital ka didiretso." Tumaas ang dalawa niyang kamay, sign of surrender. Mabilis na tumunog ang gong dahil sa pagsuko ng kalaban. Its been a month since the Coterie Party. Wala masyadong pinagbago. Aral dito RP doon. At ang masasabi ko lang masaya ako sa mga ginagawa ko ngayon.
Bigla lang akong nakaramdam ng lungkot nang maisip si Kim at Alyk kung andito lang sana sila. Sinalubong ako ni Aaron.
"Ayos ka lang?" Sinipat niya ang kabuuan ko. Sinisigurong wala akong tama. Kaming dalawa lang ang andito sa battle field. Hindi ganoon kalakas ang gang na nakalaban namin ngayon. Isang representative lang ang kailangan at babae 'yon.
I volunteered to be the representative. Commander agreed with it. Masaya ako sa circle of friends na nabuo namin. Hindi lang kami basta gang. Magkakaibigan kami. Lalo na dahil kay Aaron.
Walang ligawan na nangyari, basta may nararamdaman kami para sa isa't isa kampante na kami doon.
Hawak kamay kaming pumasok sa main para ibalita ang results.
"Wow! Sweetness overload!" Pang-aasar ni Keize. Wala talagang kasing lakas ang bunganga nito.
"Baliw ka, HAHA! Si Com?" Tanong ko.
"Why? How was the result?" Lumabas ito galing sa kusina may dalang ice cream na inabot kay Keize.
"By, sa tingin mo anong mayroon sa dalawang 'yan?" Nakangising bulong ko kay Aaron.
"Love. HAHAHA!" Sabay kaming palihim na tumawa. Natigil lang ako ng maramdaman kong pisilin ni Aaron ang kamay ko na hawak pa din niya.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Panalo Com." Tumango lang siya at pumasok sa conference, sumunod sa kaniya lahat ng council.
Council?
Napatingin ako kay Aaron dahil hindi siya sumunod sa conference. "By? Diba council ka din?" Inosente kong tanong, natawa naman siya at pinisil ang ilong ko saka sumunod sa loob.
Problema 'non?
"Cambree!" Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang ginagawa niya. "Ano yan?" Kunot noong tanong ko.
"AI. Single kasi ako kaya ako naglalaro nito. At least dito apat jowa ko." Natigilan ako sa sinabi niya, nabatukan ko ang gaga ng wala sa oras.
"Gago ka, HAHAHA." Natatawang sabi ko.
"Porque may jowa ka ginaganyan mo ko ah." Nakangusong aniya.
"Baliw! HAHAHA! Stop forcing things to happen, if it's for you, it will find you. " Umalis na ko sa tabi niya, baka kung ano pang pag-iinarte ang gawin.
"Hoy! Emo girl! Saan ka pupunta?" Hindi ko na siya pinansin at nagderetso sa labas.
Tahimik akong nakaupo habang nakatingala sa puno. Napapikit ako ng umihip ang hangin.
Sarap!
Natigilan ako nang may yumakap sa leeg ko mula sa likod. Nakangiti akong hinawakan ang braso nito saka humilig sa leeg.
"Mangangalay ka diyan." Natatawang sabi ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at umupo sa harap ko.
"Tungkol saan ang meeting?"
"Gusto lang ni Com na paalalahanan ang bawat member na huwag magpakampante dahil tayo ang nangunguna sa Phase 10."