Chapter 6

7 1 0
                                    

Xian's POV

"ANO? Gimik tayo mamaya?" Biglang banat ni Zeke.

"Bahala na, mainit pa masyado." Nag nakaharap sa phone na sabi ko. Naramdaman ko naman na sabay silang napatingin sa'kin. "Bakit?" Seryoso kunwaring tanong ko, naningkit ang mata ni Kairo at napailag ako ng ambaan niya ako ng batok.

"Anong connect huh? Anong connect? Bangag!" Gusto kong matawa sa itsura niya dahil sineryoso niya ang sinabi ko.

"Tara na nga par, baka mahawa pa tayo diyan sa ulul na yan." Anang Kairo at inakbayan si Zeke saka nagpatiunang maglakad iiling-iling naman akong sumunod sa kanila habang nakapasok ang mga kamay sa bulsa.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng may lumapit sa'ming tatlong lalaki, agarang napatigil ang dalawa at tumabi sa'kin, pinagitnaan nila ako. Pawang mga nakababa ang tingin ng tatlong lalaki at hindi malaman kung saan titingin, mga nagsisikuhan kung sino ang mauunang magsalita.

"Nauubos ang oras namin." Kaswal pa ring sabi ko. "Anong kailangan niyo?" Dagdag ko pa.

"A-ahh... ikaw na." Bulong nang isa pero umiling ito bilang pagtanggi, nag-angat ng tingin sa'ming tatlong ang nasa gitna ngunit agad ding nagbaba ng makitang nakatingin kami sa kanila at nag-hihintay ng sasabihin nila.

"What do you need from us?" Pag-uulit ni Zeke sa sinabi ko kanina.

"Epal ka pre, ininglish mo lang sinabi ni Xi eksena ka?" Rinig kong banat ni Kairo.

"Bakit ba? Edi umeksena ka din pake ko sayo, tabe!" Masungit na ani Zeke napailing na lang ako dahil don.

Parang mga bata.

"Ano?!" Nagulat ang tatlong lalaki na humarang sa'min nang biglang sumigaw si Kairo sa mismong tabi ng tainga ko, nilingon ko siya at binatukan. "Aray?! Inaano ka ba!? Ang sakit ah." Inambaan niya din ako ng batok pero pinandiltan ko na agad siya ng mata.

"Kung ikaw ang sigawan ko? siraulo ka." Nakita kong nagpigil sila ng tawa pero tinalikuran ko na. "Kung wala naman kayong sasabihin aalis na kami marami pa kaming gagawin." Tatalikod na sana ako ng mapatingin ako sa braso ko at saka tumingin sa taong nagmamay-ari ng kamay na nakahawak dito.

"A-ahh, ahh... t-teka." Dali-dali niyang binitawan ang braso ko dahil sa takot.
"G-Gusto kayo maka-usap ng commander namin." Utal-utal na sabi niya.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Dinig kong asik nang dalawa.

"Anong gang?" Tanong ni Zeke.

"H-Heartheaded Evil League." Nakababa pa ring anang nasa gitna hindi man lang sila makatingin sa'min para masabi ng ayos ang mensahe ng gang nila.

"Pero Xi tinatamad ako hayaan mo na yan!" Parang tangang maktol ni Kairo napailing na lang kami ni Zeke dahil sa mga batang asta nito.

"Where the place? What time? When?" Kaswal na sabi ko nagulat pa sila dahil sa pagpayag ko at 'di kalaunan naglawakan ang ngiti sa labi.

"M-Mamayang gabi sa 590 main HEL, maghihintay kami sa inyo! " Galak na galak na sabi ng nasa kanan na akala mo nanalo sa lotto. Pagkarinig 'non, tumalikod na lang ako narinig ko pa na nagmamaktol si Kairo dahil 'di kami makakagimik mamaya.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now