Chapter 23

3 0 0
                                    

Zeke's POV

"SIRAULO 'to bakit mo hinila ang damit ko, paano kapag nasira, Bayaran mo 'to bayaran mo!" Galit na galit na sabi ni Kairo

Damit lang 'yan powta parang bata, paiyak na, hinila lang ang damit eh.

"Tumigil na nga kayong dalawa." Pigil sa'min ni Xian.

"Ito kasi si Zeke, paborito ko pa naman 'tong damit ko, feeling ko napunit, palitan mo nga 'to." Reklamo na naman ni Kairo at pinakita pa ang damit niya, lumawag na nga ang sa may bandang leeg. Gusto kong tumawa pero baka lalo siyang magwala, napakagat labi tuloy ako at yumuko.

HAHAHAHA!

"Ano magsalita ka, gago naman Zeke." Nagdabog pa.

"Oo na bibilhan na lang kita ng bago tsk!" Sabi ko bigla naman nagliwanag ang mukha niya.

Basta libre umaaliwas mukha ng gagong 'to eh.

"In one condition."

"Ulol ka Zeke, may kundisyon pa gago." Reklamo na naman niya.

"Huwag kang lalapit kay Bella." Seryoso kong sabi sa kaniya.

Naaasar ako sa mga kalokohan niya. Napapahiya tuloy ako kay Bella.

Alam ni Kairo kung paano ako bwisitin kaya tama lang na gawin ko.

"Kol! Yon lang pala akala ko naman kung ano." Tumatawang aniya.

"Tara na nagugutom na ko ang tagal niyo." Yakag ni Xian sabay alis at lumabas na, sumunod naman kami ni Kairo.

Wala na rin sa loob sila Bella, hindi ko napansin dahil sa pagiging iyakin ni Kairo.
Pagkapasok namin sa Cafeteria nakita namin ang dalawa na namimili na ng pagkain.

Nagutom na rin pala sila. I thought we would sit next to them, pero umupo agad si Xian sa ibang lamesa near their table. Hindi rin nila kami napapansin because they are too busy to eat.

"Ang sarap talagaa!" Dinig kong pasigaw ni Keize.

"Uy ngumingiti." Akala ko ako ang inaasar niya. Si Xian pala.

Panira talaga ng moment to pshh.

"Get lost." Napatingin ako sa table nila nang marinig ko ang pabalang na boses ni Keize. Nakita namin na may dalawang lalaki sa harap nila. Ang isa sa dalawa iyong nakaaway nila sa mall.

What are they planning to do?

"Aww, mukhang may mga makakauna." Dinig kong sabi ni Kairo.

"Shut up!" Nagkagulatan pa kami ni Xian nang sabay naming sabihin'yon.

Napansin kong lalapit ang isang lalaki kay Keize. Ang sakit sa tainga nang pag-atras nito sa upuan at tumayo.

"Get lost Xavier!" Ramdam namin ang gigil sa boses ni Keize nang sabihin 'yon. Tinulak niya si Xavier nang hawakan nito ang kamay niya. Napatingin ako sa kasamang lalaki ni Xavier.

Napakuyom ang kamay ko nang lumapit ito kay Bella. "Hi." Kamot sa ulong bati nito.
"May partner na kayo?" Umiling lang si Bella. Na kinainis ko.

Tsk! Ano bang nangyayari sa'kin? Totoo namang wala pa silang partner.

"Pwede kami." Nakangiting ani nang lalaki.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now