Chapter 28

1 0 0
                                    

Xian's POV

"DO you feel better now?" Nag-aalalang tanong ko kay Haniah. Nakadalawa siyang shot ng margarita, mababa pala ang tolerance niya sa alcoholic drinks.

"I'm fine. Go on, you can dance with other girls." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. We're now alone in our table.

"No." I said with finality. I saw her sweating so much because of alcohol. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang noo niya. Bigla ay natakot akong hawakan siya dahil ang lambot ng balat niya.

"I'm really okay nga." Para akong nakuryente nang hawakan niya ang kamay kong nagpupunas sa noo niya.

"Ang kulit mo." Kunot noong sabi ko. "I only want to dance with you." Mahinang saad ko pero alam kong rinig niya. Marahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. At pinagpatuloy ang pagpupunas sa kaniya. I'm comfortable doing this.

Nagbukas ako ng panibagong bottled water. "Here, drink this, it will help." Hindi ko maintindihan ang balat ko, everytime na magdikit kami. Parang may kuryente na dumadaloy sa katawan namin.

Sumandal siya sa backrest at pumikit, bahagya akong humawak doon para alalayan ang ulo niya.

"You know what? You should've enjoy. Paano ka mag-eenjoy kung andito ka lang?" Nakapikit na saad niya. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya.

Napansin niyang hindi ako nagsalita kaya nang tingnan niya ako ay mabilis akong nag-iwas nang tingin.

"Why do you even drink two shots kung hindi mo pala kaya?" Sarkastikong sabi ko.

Ngumuso siya at pumikit ulit. "Maya-maya okay na ko. Pwede na tayong magsayaw." Nakangiting aniya.

"Tsh." Singhal ko at saka pinagmasdan ang mga nagsasayaw.

"Hindi pa tapos ang kanta pwede ka pang sumayaw." Sabi na naman niya.

"Bakit ang kulit mo?" Igting ang pangang sabi ko. Ngumuso na naman siya.

Natapos ang unang music for slow dance nang nakaupo lang kami. To be honest hindi ako nabored. I want to at least sit next to her.

"Oh? Anong nangyari diyan?" Nagtaka si Aeris sa postura ni Haniah.

"Lasing." Nakangiwing sagot ko.

Nagulat ako ng hampasin niya ako sa braso. "I'm not lasing kaya." Nakasimangot na aniya.

Ang bigat ng kamay nang babaeng 'to!

Nagbalikan na ang iba sa table namin.
Pero sila Zach hindi na bumalik. Kung saang lupalop na naman ang mga 'yon.

Tahimik kaming nakain, habang may natugtog na banda sa stage. Maya't maya ako kung tumingin kay Haniah.

"Sino kaya ang mananalo ng best in gown?" Tanong ni Cambree.

"Ano-ano ba ang mga places?" Tanong ni Haniah.

"Mr. And Ms. Coterie, Cash and Sash, then best in gown. 'yon lang."

"Sana may makuha ang gang natin." Sabat ni Aeris.

"Oh? Bakit nakasimangot ka?" Natatawang tanong ni Haniah kay Amber na lumapit dito nang hindi maipinta ang mukha.

"Paano si Omorfos! Iniwan na lang ako basta doon. Baliw 'yang kaibigan niyo." Padabog siyang umupo sa harapan namin.

Adik talaga 'to si Kairo.

"This is the last dance! The spotlight will choose the Ms. And Mr. Coterie! The Cash and Sash! And the best gown!" Tumunog ang suspenseful drum.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now