Keize's POV
COUNCIL OFFICE?
Nagtataka kong tinitigan si Xian. Nakatalikod siya sa amin dahil nagsusulat siya sa white board, samantala kami hiwa-hiwalay ng upuan. Kung titingnan malaki talaga ang main quarters ng DSA kumpara sa RKW.
Pero hindi ko kailangang magkumpara.
"20 members including the council ang bubuo ng Dark Sinners Actinolite." Panimula niya, nagpapa ikot-ikot sa harapan, isa-isa kaming tinitingnan. I must admit may hitsura siya, no crap it. Gwapo siya, matangkad, may kaputian pero masyadong suplado ang aura niya.
"Lima ang bumubuo ng council. Commander, Deputy, Militant, Anchor, and Sergeant. We're now six and I want you to be my council."
"Oh! Please." Nag react agad si Aeris. "I don't want to be part of the council. Member lang ako." Tumango lang si Xian.
"Ako ang Commander." Well, that's expected, tinuro niya si Kairo. "The Deputy." Tinuro si Zeke. "One of the Militants."
"So, hindi lang isa ang Militant?" I asked, kasi sa RKW isa lang ang Militant.
"Yes, I need two more."
"And why?"
"Ayokong iisa lang ang nagtatrabaho, we accept newbies so, we need more Militants." Tumango ako sa sinabi niya.
Well, reasonable naman.
"Then, you Haniah..." He stopped.
"Me? What?" Mataray na tanong ko. Nakita ko siyang ngumisi pero agad niyang binawi ng mapansing hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya.
"You will be the Anchor."
"Okay."
"Bella, will be one of the Sergeant. We have two Sergeant so, we need one more."
Wala kaming reklamo sa naging desisyon sa council. So, 20 members. Pupusta ako bukas buo na ang gang, may susobra pa. Pinag-aagawan sila nang mga gang, walang nakahula na gagawa sila ng sarili nilang gang. Pipilahan ang gang nila. Namin. And limited member is a wise idea for me. We can control the member and also their perspective.
"I will call the names. Then you will answer by your codename." May kinuha siyang folder. "But first, me, Xian Ferd Zapanta. My codename is Andreus."
"Kairo Vaunt Verjo."
"Omorfos!"
"Dylan Zeke Rivano."
"Deimos!"
"Isabella Eizen Chavez."
"Alchemeia!"
"Aeris Zhane Hermosa."
"Demonise!"
"Haniah Keize Roix."
"Achelous!"
"We call it a day for now. Tomorrow 9:00 AM sharp."
"Okay!" Lahat kami nagulat sa pagsigaw na 'yon ni Kairo, pero mas nagulat kami ng batukan siya ni Xian.
HAHAHAHA!
"Aray ahh!" Inambahan niya ng batok si Xian, pero sinamaan niya lang ito ng tingin.
"Hindi ba tayo kakain?" Wala sa sariling tanong ko, siniko naman ako ni Aeris.