Keize's POV
"AYOS naman pala sila ano?" Hindi ako lumingon sa kaniya dahil nagmamaneho ako.
"Sinong sila?" Maang-maangan kong sagot.
"Suss!" Tukso niya. "Yung S3!"
"Hmm, okay lang."
"Okay ka na ba? Nabigla ka siguro kahapon, hindi ka na nakapag-salita eh."
Totoong nagulat ako kahapon. Hindi ko akalain na gagawin sa'kin ni Xavier 'yon. I mean wala siyang pinakita sa'king masama, grabe siya mag-alala sa'kin. But, yesterday hindi ko alam na ganoon siya at sa public place pa.
Sa sobrang pag-iisip ko kahapon hindi ko napagtuunan ng pansin ang tatlo. Nahiya tuloy ako bigla.
"Thank you sa paghatid!" Humalik pa siya sa cheeks ko bago lumabas ng kotse.
"Dadaanan kita ulit later." Nakangiting sabi ko. Hindi siya pumasok sa kanila hanggang hindi ako nakakalayo. It's Sunday and we decided na umuwi sa pamilya namin. Kaya alam kong nasa bahay siya, kasi nag-text ako kagabi na uuwi ako.
"Good morning Miss Keize." Bati ng mga maid ng makita akong pumasok.
"Si kuya?"
"Tulog pa po, kung gusto niyo ay ipapagising ko." Magalang na anito.
"No thanks. Ako na lang ang aakyat." Nagtaka pa ako dahil knowing kuya, early person siya kahit na walang pasok, napatingin ako sa wrist watch ko, it's 10 AM yet, he still asleep.
That's new huh.
Dumiretso na ako papasok sa kwarto niya. Para talaga siyang maamong tupa kapag tulog, bahagyang nakatagilid at natatabunan ng comforter. Sumampa ako sa kama at tumalon-talon! And as expected napabalikwas siya ng bangon.
"Baby sis? What are you doing here?" Nagtatakang tanong niya, napanguso naman ako.
"Ayaw mo ba?" Umupo ako at nag indian sit.
Natawa siya sa hitsura ko at saka ginulo ang buhok ko.
"Kumilos ka na may dala akong food."
Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang ilang gamit especially my USB and lock pick sets. Nagcocoffee ako ng umupo si kuya sa tabi ko.
"Himala yata at dumalaw ka?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Ayaw mo ba na andito ako?" Asik ko.
"Ang aga-aga ang init ng ulo mo." Natatawang aniya saka kumuha ng pagkain.
"Paano kanina ka pa tanong ng tanong kung bakit ako andito." Nakangusong depensa ko.
"Nasa business trip nga pala sila mommy and daddy."
"I didn't ask kuya." Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Natapos ang breakfast nang nagkekwentuhan kami. I told him my experience in RPU except in gang.
"You seemed enjoying your stay in that school ha." Manghang aniya.
"Sort of." Nakangiwing sagot ko. "And besides I don't have a choice, alangan namang i-isolate ko ang sarili ko."
"So, do you have friends? I mean aside from Bella."
"Mayroon naman." Tumatangong sabi ko. "Pero may mga galit din."
"Ang pangit daw kasi ng ugali mo HAHAHA!"
"Tsh!"
Kahit anong iwas ko bothered pa rin talaga ko, I mean I want to see my parents. Maybe, in another Universe my love from them will be more appreciated.