Chapter 40

2 0 0
                                    

Keize's POV

NAGISING ako ng masakit ang ulo. Pakiramdam ko ay babagsak ako kapag tumayo.

Napabalikwas ako ng tayo nang maalala ang nangyari sa'min ni Bella. Pero kaagad akong napahawak sa ulo ko ng umiikot ito.

"Hey, ayos ka lang?" Malumanay na sabi nito, nakaalalay sa'kin.

"Ahh." Napadaing ako ng maramdaman na mahapdi ang kamay ko.

Gago ka Alpha!

"Just lie down." Napatingin ako kay Xian, mababasa ang pag-aalala sa mata niya.

"Where's Bella?"

"Royal!" Nagulat ako ng may yumakap sa'kin.

"Hey! She's not okay yet." Si Xian na inalis si Bella sa pagkakayakap sa'kin.

Doon ko lang napansin na kumpleto ang DSA member maliban kay Kes.

Buti naman.

"Ano? Ayos ka na bal?" Nakakunot noong ani Zi tumango lang ako.

"Bakit andito kayo?" Nagtatakang tanong ko.

"Nag-alala kami sayo Hanigirl." Seryoso pa rin talaga si Czarina.

"Hindi man lamang namin alam na may nangyari pala sa inyo." Nag-aalalang saad Aeris.

"Okay na ako, medyo masakit lang ang kamay ko. Gagong Alpha yon." Nakangiwing sabi ko. "Ayos ka lang?" Baling ko kay Bella. Ngumuso siya at tumango.

"Gusto mo ba tawagan ko si kuya Minrod?" Nag-aalalang sambit ni Bella.

"Oh! God! Please 'wag mong gagawin yan lagot tayo pareho."

Bumili ng pagkain ang iba dahil nagugutom ako, sa sobrang pag-aalala nila hindi daw nila naisip ang pagkain. Natatawa pa ako sa mga kilos nila dahil para silang natataranta.

Sabi ng doctor ay bukas pwede na akong lumabas. Napanguso naman ako dahil ayaw ko dito.

"Hoy! Anong oras na ah. Wala kayong balak umuwi?" Nasapo ko ang noo dahil magkakasabay silang umiling. Tumingin ako kay Xian na nakaupo sa tabi ko.

Hindi ko nga alam kung tumayo ba 'to dito eh. Tumingin ako sa kaniya, nanghihingi ng tulong pero napangiwi ako ng maski siya ay umiling.

"Saan naman kayo matutulog dito?" Nakangiwing tanong ko.

"Mukha bang matutulog ang mga yan?" Si Xian na nagbabalat ng apple.

Tiningnan ko sila, ang mga boys naglalaro ng online games. Malaki ang room na ito may sariling entertainment area. Ang mga girls ay ganoon din pero nasa mahabang sofa sa gilid ng hospital bed pero si Bella ay tulog.

Napapansin ko na madalas tumingin si Zeke kay Bella kahit busy sa paglalaro.

"Kaya pala ganito kalaking room ang kinuha niyo. Sino ang magbabayad?"

"Si Com!" Naitakip ko ang kamay sa tainga ko ng sabay-sabay silang magsalita. Confined room ito kaya naman malakas ang mga boses nila.

Nababagot ako sa pagtingin sa oras. Ang sabi ng nurse na pumasok dito ay may ilang gamot pa ako na iinumin.

"Wala bang gummies?" Nakangusong tanong ko kay Xian.

"Bawal ka pa 'non." Seryosong anito.

Anyare dito?

"Grabe ang stressful ngayon no?" Si Aeris na busy sa phone.

"Sinabi mo pa." Ano kayang ginagawa ng mga 'to?

"Outing kaya tayo?" Suggestion ni Felix. Napatingin kami sa ganda ng naisip niya.

"G!"

"Tara na agad!"

"Nasa hospital ka pa nga."

"Duh! Bukas lalabas na ako. Saka hindi naman bukas no." Mataray na sabi ko.

"This coming Saturday kaya?" Si Kairo.

"Oo nga Tuesday pa lang, makakapagpagaling pa ang dalawa."

"Oo nga Com." Lahat kami nakatingin sa kaniya. Umaasa na papayag siya.

Kapag hindi siya pumayag huwag na siyang sumama! HAHAHA joke!

Bumuntong hininga 'to saka tumingin sa'min. "Fine."

"Yes!"

"Overnight tayo." Sabi ko.

"Tama!"

"Kaniya-kaniyang dala ng food ah." Si Lenox. Kuripot talaga nito.

"Dapat start sa pangalan ang dadalahin! Para may thrill."

"HAHAHAHA!" Ang saya na magkakasama kami. Ang saya na nagkakasundo kami sa maraming bagay.

At some point hindi masama ang pag-transfer ko sa University na'to. Hindi man maganda at totoo ang mga sistema sa loob nito. May mga totoo namang tao. I've never been in this kind of circle.

Sa amin ni Bella ako ang maraming circle pero hindi lahat yon naramdaman ko na masaya ako. Hindi katulad nito kapag magkakasama ay masaya kami.

"Bella." Tawag ko dito. Mabilis naman siyang lumapit sa'kin.

"What is it?"

"Okay lang ba kung huwag na isama si Kes?" Tanong ko, may kaniya-kaniyang pwesto ang iba pero alam kong nakikinig sila.

Bumuntong hininga siya pero nakangiting tumango. Niyakap ko siya na ikinatawa niya.

Nagising ako ng madaling araw dahil may humahaplos sa buhok ko. Nakita ko si Xian na nakatayo at nakaalalay sa'kin habang may nilalagay ang nurse sa swero ko.

Nang umalis ang nurse ay umupo si Xian sa kama ko.

"Nagugutom ka?" Malumanay na tanong nito. Tumango ako. "Na naman?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang." Natatawa siyang tumayo at nagbalat ng mga prutas.

"Sorry." Umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Huh? Sorry for what?"

"Kasi nasaktan ka dahil sa'kin." Nakita kong dumaan ang takot sa mata niya pero nawala agad yon. Hindi ko alam kung saan galing ang kamay na humaplos sa puso ko.

"Ang seryoso mo." Natatawang tudyo ko.

"Because it's true."

"Wala ka namang kasalanan kung makitid ang ulo nila at hindi makatanggap ng pagkatalo." Natatawa pa ring sabi ko.

Natawa ako ng makita ang pwesto ng mga kaibigan namin. Apat ang nakasubsob sa table ng entertainment area. Nagulat ako ng mayroon ng isa pang hospital bed sa tabi ko at doon sila nagsiksikan maliban sa girls na nasa sofa.

Hindi ba sila pinagalitan dahil ang dami nila?

Hindi ko alam kung bakit bigla akong inaantok. Hindi ko na natapos ang kinakain dahil sa antok. The last thing I remember before going to deep sleep is a tender caress in my forehead. I'm just not sure if it's just a dream

Ang S3 ang naghatid sa'min sa condo. Gusto pang sumama ng iba pero pinigilan ko. Masyado na silang pagod kababantay sa'kin.

"Thank you." Sinserong sabi ko sa tatlo ng makarating kami sa lobby.

"Wala yon." Si Kairo na malaki ang ngiti.

"Sige na umakyat na kayo." Si Zeke na ang mata ay na kay Bella.

Inalalayan ako ni Bella hanggang sa Elevator kaya natawa ako. "Ano ka ba kaya ko naman. Saka may sugat ka din ah."

"Mas madami ang sayo 'no." Nagkatinginan kami saka sabay na natawa.

"No more sorry's okay?" Nakangiting aniko.
Nakangiti naman siyang tumango.

Hanggang sa makarating kami sa condo ay siya ang nag-asikaso. Naigagalaw ko na ang kaliwang kamay ko pero masakit pa rin.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now