Chapter 19

1 0 0
                                    

Isabella's POV

"KASAMA talaga sa Phase 10 ang RKW no?" Nakangiwing sabi ko kay Keize. Nakatingin lang siya sa bulletin board.

"Phase 5 nga sila eh. Well, congrats." Maraming tao ngayon dito sa stadium. Bukod sa Tuesday lagalag ang mga stupidents.

Nakadapa ako sa kama ko nang may magchat sa Groupchat nang DSA.

D.S SINNERS GROUPCHAT

Kairo:
Moonlit Grim Territory Arena War Schedule

- Ferocious Deadly Life Vs. Fraise Ominix
- La Academia Vs. Jougal Jaggernauts
- The Vergoossen's Vs. Treacherous Tyrant
- The Shaitans Vs. Dark Sinners Actinolite

|' The new gang registered which is the DSA, this war is their Début. The Commander is Andreus. '|

Approved by: Administrator of MGT.

Xian:
Be ready guys, gabi ang début war. Sa umaga magpapractice lahat. Dahil lahat tayo lalaban sa war.

Seen by everyone.

"May narinig ka ba sa RKW?" Tanong ko. Kahapon kasama sila sa Phase 10, pero wala akong nakita maski isang member nang RKW. Tuwang-tuwa si Thyzon ahead of that. Kung kailan nakasama na sila saka pa nagsiwalaan.

"Wala eh, kahit diyan sa tabi wala akong makita ni isa sa kanila." Pinagkibit balikat ko na lang ang kawalan ng presensiya nila.

MAAGA pa lang nasa main na kami. Nagpapractice para sa war mamaya. Depende sa rules ang mangyayari sa war. Pero ang sabi ni Commander kailangan handa kami para kahit anong ibato sa'min kaya namin.

"Cambeee!" Nakangiting sigaw ni Keize.

"Hanii! Cambree kasi hindi Cambee!" Naiinis na sabi nito. Ang cute kasi nang name niya HAHAHA.

"Partner tayo dali!" Inakay siya ni Keize palabas sa backyard ng main, andon na ang iba nag-eensayo. "Nagsasawa na ko sa mukha ni Bella eh. HAHAHAHAHA!"

"Ulol ka." Nagdabog ako palabas pero dinilaan lang ako nang gaga!

"Huwag mo kong sisisihin kapag nasaktan ka ah." Ani Cambree kay Keize, batid kong nakangisi ito.

"Suss! Hindi yan." At ang dalawa naghilahan pa.

Magsisimula na sana ang dalawa ng hilahin ni Kairo si Keize na akala mo bata. Sa tangkad ni Kairo nagmukhang elementary si Keize!

"Ouch! Pakyu ka Kairo! Bitiwan mo ko." Naiinis na sigaw nito, pero hindi nagpatinag si Kairo at hinila pa din si Keize sa harapan nila sis.

"Ano ba!" Pinaghahampas na nito ang braso ni Kairo. Pero dahil nga maliit siya. Kulang ang pwersa.

"Bella, ikaw kay Cambree." Utos ni Kairo.

"Partner nga kami!" Nakangusong reklamo ni Keize.

"Walang kayo!" Pang-aasar pa lalo ni Kairo dito.

"Sige na Bella. Ikaw Keize dito ka. Three vs. Three kayo." Seryoso nang ani Kairo.

Magsisimula pa lang kami pero. "Huy! Foul 'yon, hintayin mo muna ang go signal, hindi ka pwedeng bira lang ng bira. Magkakaroon tayo ng deduction niyan." Sinserong sabi ko, lagi talagang nagmamadali ang babaeng 'to.

"Sorry." Nginitian ko lang siya. Naiintindihan ko kasi siya.

Binababa ko ang sarili ko para patirin siya, pero nakita niya 'yon kaya tumalon siya para ilagagan. Pero huli ko na ang galaw niya dahil saktong talon niya tumayo ako nang mabilis at sinuntok siya sa sikmura. Umubo-ubo siya pero kinuha ko 'yong pagkakataon para umikot at hawakan ang leeg niya.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now