Chapter 41

1 0 0
                                    

Isabella's POV

"WAAH! Sa wakas nakauwi rin." sambit ko sabay salampak sa kama.

Nagpasama si Kuya Kouda sa'kin kasi gusto niya raw ipakonsulta ang bihilhin niyang sapatos. As if naman na may alam ako sa mga sapatos, kung ano lang naman ang maganda sa paningin ko yun na yon. Wala tuloy kaming ibang ginawa kung hindi mag ikot-ikot sa mall.

Pinagod niya lang talaga ako kasi alam niyang may outing ako mamaya at kapag hindi ko siya sinunod, kukumbinsihin niya si mommy na hindi ako pasamahin sa outing.

Grr.

Binuksan ko ang phone ko and 3 missed call galing kay Keize ang tumambad sa'kin at may mga text din siya kaya napabalikwas na ako ng bangon

5 message Received.

From: Niahtot

Nasan ka?

From: Niahtot

Sabay na tayo pumunta.

From: Niahtot

BELLAAAAA.

From: Niahtot

Tulungan na kita mag-ayos, are you home?

Composed message.

To: Niahtot

Yes, pumunta ka na.

Message Sent!

Then nahiga ulit, naglabas ako ng malalim na buntong hininga. Napagod tuloy ako kaya tingin ko deserve ko ang outing mamaya.

Tama! Deserve ko!

"Nak Bella, nakahanda na ba mga dadalhin mo?" Bungad na tanong ni mommy pagkapasok ng kwarto ko.

"Mag-aayos palang po"

"Nagluto ako nang puto, ipakain mo sa mga kaibigan mo tapos sabihin mo sa'kin kung nasarapan sila." Sabi niya at kinindatan pa ko then umalis na. Mahilig kasi talaga magluto ang mommy. Kapag may makita sa internet tapos nagustuhan lulutuin talaga.

Bumangon na rin ako at naghanap ng bag na dadalhin, pero ngayon ko lang narealized na puro maliliit ang bag ko and more on sling bag.

Mag kakasya ba dito mga gamit ko?

No choice na naman ako kung hindi manghiram kay kuya. Puro branded ang bag niya at malaki din, perfect yun sa mga gamit ko pang-outing kaya tumakbo ako papunta sa kwarto niya.

"Kuyaaaa!" Sabi ko sabay bukas ng pintuan niyo.

"Ang ingay mo Belly, bakit ba?"

Sabing huwag akong tawagin na Belly eh.

"Pahiram ako ng bag." Nakangiting sabi sa kaniya.

"Bakit ba 'di ka bumili ng bag mo?" Iritang tanong niya kasi naiistorbo ko siya sa paglalaro niya ng ML

"Eh wala akong pambili, sige na kuya Kouda please." Sabi ko at pinagdikit ang palad ko sabay nguso.

"Hayst! Ang laki ng allowance na binibigay sayo ni mommy ah? Sige na sige na, kumuha ka na diyan basta ayusin mo ah." Ang dami-daming sinasabi papayag din naman.

"Kamsahamnida! " Pang-aasar ko at kinuha ang gray niyang bag na lagi kong hinihiram sa kaniya at bumalik na ulit ng kwarto ko.

"Ano naman kaya ang susuotin kong pang swimming, mag t-shirt ba ko?" Tanong ko sa sarili ko kasi hindi ko alam ang susuotin ko.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now