Isabella's POV
SIMULA pa lang nalilito na ako pero mas lalo yata akong nalito ngayon.
"Ano bang gusto mong sabihin? Iyong hindi ka na magpapaligoy-ligoy." Sabi ni royal sa seryosong paraan minsan lang siya magseryoso, kaya alam ko na seryoso talaga siya.
Ano daw?
"Tama ang mga sinabi mo kanina Hani, lahat nagpapanggap, mula sa mga faculty, especially the students."
Bakit Huma-Hani Hani 'to?
"What do you mean by that pretend." Inemphasize pa talaga ni Keize ang mga huli niyang sinabi.
"May mga rules and regulations na sinusunod sa school na'to, when it comes to the studies and learnings wala kang masasabi dahil lahat ng estudyante dito ay mataas ang standard sa pag-aaral, hindi kapani-paniwala tama? Because from the word bastard, bitch, wore, useless students, ganito pa sila kaseryoso but..." Binitin niya ang sinabi niya, ako naman inaabsorb pa lahat ng sinabi niya.
"But?" Hindi na ako makatiis at alam kong ganoon din si Keize.
"But, sa likod noon nagtatago ang mga gawain namin, natin, na hindi maiintindihan ng mga taong nasa labas, katulad ng sinabi ko kanina sa loob nito may mga arena and gangs, arena kung saan sila ang nag-ha-handle ng mga gangs kumbaga sa isang school sila ang principal na gumagawa ng sariling rules at regulations, like bawal ang double gang at pag-spread ng walang mga kwentang bagay, sila ang tinatawag na administrator. May tatlong arena dito which is Resilient Rhealm Elysians (RRE) Moonlit Grim Territory (MGT) at Diablo Emperium Territory (DET). Madaming gangs ang under ng tatlong arena na yan at bawat gang na yon ay magkakalaban, pataasan, at pagalingan. May mga gangs naman na allied pero bihira ang nasa iisang arena kadalasan magkaiba ng arena iwas kumpetensiya." Mahabang paliwanag niya at hindi mag-sink in yon sa utak ko lahat, sadyang kakaiba.
Napalingon ako kay Keize at hindi na ako nagtaka na gaya ko ay inaabsorb ang lahat ng nalaman namin kani-kanina lang.
"At alam yon ng faculty at dean ng University na 'to?" Tango ang nakuha naming sagot sa kaniya.
"Paanong pinayagan nila ang ganitong sistema sa school?" Naguguluhan at nagugulat kong tanong.
"Kapalit ng ganitong sistema ay ang pagbubuti ng bawat estudyante sa kanilang pag-aaral ayon sa narinig ko hindi nabigo ang may-ari ng school, dahil sa magandang performance ng mga estudyante pagdating sa academics, and besides malaki ang tuition dito, kaya kahit sabihin mong nandito na ang pinaka masasamang estudyante mapapabilib ka naman sa angking talino. Lahat ng lecturer na nagtuturo dito ay may malaking benepisyo kapalit ng pagsasawalang bahala sa kabila ng kakaibang sistema na pinaiiral sa eskwelahan." Pagpapatuloy niya.