Chapter 39

2 0 0
                                    

Xian's POV

ISANG oras na lang ay pupunta na kami ng battle field, may war kami at nagpapalipas na lang ng oras. Kumpleto ang member namin bukod sa tatlong suspended at kay Haniah na kanina ko pa hinahanap.

"Wala pa rin ba?" Naiinip na tanong ko.

"Hindi pa rin nasagot eh." Si Cambree.

"I'll try to call Bella. Baka magkasama sila." Lahat kami nakatingin kay Zeke na nagdi-dial.

"Nakapatay ang phone niya."

Ilang minuto pa ng may tumawag sa phone ko na unknown number, hindi na ako nag-abalang sagutin yon.

"Nakaka-ilang tawag na yan ah. Ang ingay Com." Reklamo ni Zach.

Papatayin ko na sana ang phone ko ng tumawag si Haniah. Mabilis kong sinagot yon.

"Where are you?" Kunot noong bungad ko.

"Andreus..." Nawala ang kunot ng noo ko ng boses lalaki ang sumagot sa phone ni Haniah. "Kamusta!"

"Who are you?" Seryosong tanong ko. Nakuha ko ang atensiyon ng iba.

"Sino yan?" Si Kairo na lumapit pa sa'kin.

"Hawak ko ang dalawa sa member mo." Natatawang ani ng kabilang linya.

"Anong ginawa mo sa kanila?!" Napatayo ako sa sobrang panggigigil. Mga naka-abang ang iba sa pakikipag-usap ko.

"Kalma ka lang buhay pa naman sila." Tumatawang sabi nito. Nasapo ko ang noo sa pag-aalala.

Subukan mong saktan si Haniah!

"What the fuck do you want?"

"HAHAHAHA!" Nakakainit ng ulo ang paraan nito ng pagtawa. "Alam mo na ang gagawin mo."

"Subukan mo silang saktan Alpha, makikita mo." Gitil na banta ko.

"Huwag kang mayabang Andreus nasa homebase na ako."

"Hello? Hell-" Nahampas ko ang table ng babaan ako nito ng tawag.

Saan namin sila hahanapin?

"Anong nangyari?" Si Vito na hawak pa ang braso ko. Inalis ko yon ng may matanggap na message. Ang lugar kung nasaan sila.

"Hawak nila Alpha si Haniah at Bella."

"What?" Magkakasabay na sabi ng mga 'to.

"Puntahan na natin sila."

"Baka kung anong gawin nila." Naghahanda na ang mga ito ng pigilan ko.

"Hindi pwede. May war tayo mamaya."

"Pero Com, baka kung ano ang mangyari sa kanila." Apila ni Czarina.

"Kairo, ikaw ang bahala sa war isama mo si Vito at Felix." Tumango lang ang mga ito. "Kami na ang bahala sa kanila." Lahat sila tutok sa mga sinasabi ko.

"Then the rest maiwan kayo dito."

"Pero Com--"

"Don't worry, babawiin namin sila."

Mabilis akong lumabas ng main at dumeretso ng parking lot. Sumunod sa'kin ang iba para puntahan ang address na binigay ni Alpha.

Dalawang sasakyan ang ginamit namin, dahil hindi kami kasya sa isa. Halos paliparin ko ang kotse ko para lang mabilis na dumating doon. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit. Ang daming pumapasok sa utak ko.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now