Chapter 32

1 0 0
                                    

Isabella's POV

HINDI ko alam kung nanadya ba si Keize or what. Una hindi niya ako sinabihan or hinintay kanina. Nauna siyang pumasok. Simula ng makapasok ako sa room she never glances at me. Tapos nakipag-palit pa siya ng seat kay Zeke. And now magkalaban ang group namin. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa situation namin ngayon.

At kinakabahan ako, dahil this is her forte. Magaling siya sa ganito.

"The topic of first two groups is, It's better to be good at academics than to be good at sports." Tiningnan kami ng lecturer. "What's your stand?" Tanong nito sa'kin. Sinilip ko ang kapirasong papel na hawak ko.

"Disagree." Mahinang tugon ko. Lumipat ang tingin ng lecturer sa grupo ni Keize.

"Agree." Keize say it confident.

"Academic achievement may arise in personal improvement, professional possibilities, and intellectual advancement." Ang grupo nila ang unang magdedefend.

"Participating in sports can foster leadership, cooperation, and physical fitness. Not all the time Academic is needed to be a professional." Anang isa sa grupo ko.

"There are many more jobs for which academic can qualify you to become financially secure. There are proportionally many fewer sports jobs that can do the same."

Nagtuloy-tuloy ang batuhan ng bawat grupo. Ipinagtaka ko ang hindi pakikipag-
participate ni Keize. Kung ako ang tatanungin kaya niyang supalpalin ang bawat bato ng mga kagrupo ko. Pero nakikinig lang siya.

"Participating in sports improves friendships, develops time management skills, keeps you in shape, and encourages ties with adults and peers. You develop abilities through athletics that are best learned on a field, court, or track." Sabi ko nang maisip na may butas ang sinabi ng grupo nito. Napabaling ako kay Keize ng matunong siyang ngumisi.

"Friendship?" She emphasized, nakatingin sa mga daliri pero nakangisi. Kinabahan ako sa inasta niya. "Education provides stability in life, and it's something that no one can ever take away from you. By being well-educated and holding a college degree, you increase your chances for better career opportunities and open up new doors for yourself."

"Yes, but sports same goes by education." I defended.

"You mean to say, socialize? What is the use of participating in sports? To foster friendship? What is the use of friendship if it can be broke, by someone who's not wort it like your defending." Sarkastikong aniya na sa'kin nakatingin. Para akong sinaksak ng maintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

She's still mad at me. Grabe talaga to magalit eh.

And now I understand kung bakit hindi siya nakikipag-participate kanina. Kasi hinihintay niyang barahin ako sa anumang sasabihin ko.

Natapos ang klase na 'yon pero ako nakatulala na lang. Kinakausap ako ni Zeke pero wala akong maintindihan ano man sa sinasabi niya. My mind is preoccupied sa mga bagay-bagay. I feel trapped. I don't know what to do. What to say.

Kaya kong humingi ng tawad kay Keize. Pero natatakot ako. Natatakot akong hindi niya tanggapin 'yon.

Breathe Bella. You'll make it through this one.

Hanggang matapos ang pang-umagang klase ay hindi kami nag-uusap ni Keize. Ang S3 lang kumakausap sa'kin. Tinitignan ko siyang iligpit ang gamit niya.

Lalapit na sana ako nang lampasan niya ako. Napatungo ako at pinangiliran ng luha. Bakit ba nangyayari sa'min 'to? Pinunasan ko ang gilid ng mata ko. Pagharap ko ay ang mataray na mukha ni Keize ang bumungad sa'kin.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now