Isabella's POV
"ROYAL! Kausapin mo naman ako." Kanina ko pa siya gustong kausapin. Pero kanina pa din siya umiiwas.
"Keize naman. Sorry na." Hinawakan ko ang braso niya. Nasa mismong gate kami ng University.
Nakanguso ako ng nakapikit siyang humarap sa'kin. "Will you please stop?" Bumuntong hininga siya ng pagkalalim-lalim.
"Paano akong titigil? Eh, hindi tayo maayos."
"Diba' sabi ko sayo huwag muna ngayon? Baka kasi hindi pa maayos ang utak mo."
"What do you mean?" Kunot noong tanong ko.
"Kaaayos lang natin. Tapos nauwi na naman sa ganito dahil sa iisang tao?" She sarcastically said.
"Pero Keize..." Umiiling na sabi ko.
"See? Kahit ikaw nalilito. Kaya ang sinasabi ko ayusin mo muna ang utak mo. Kasi ako? Ayaw kong ganito tayo eh." Napayuko ako sa sinabi niya.
"Naiintindihan ko... KEIZE!" Nagkagulatan kami ng may kotseng pumarada sa harap namin at lumabas ang mga lalaking nakatakip ang mukha.
Napatakbo ako ng may sumuntok sa simkura niya, napaluhod ito sa pag-ubo.
"Keize!" Sinuntok ko ang lalaking humarang sa'kin. Naglaban ang kamao namin. Pero nawala ako sa focus ng makita kong isakay sa kotse si Keize na ngayon ay wala ng malay.
Hindi ko namalayan na hawak na ako ng dalawa sa lalaki. Hindi na ako nanlaban dahil natakot na baka kung anong gawin nila kay Keize.
Wala kaming laban dito.
"Hawak na namin boss." Dinig kong may kausap sa kabilang linya ang lalaking nasa tabi ng driver seat.
"Anong kailangan niyo?" Seryosong tanong ko pero nginisihan lang ako ng lalaking katabi ni Keize, tinatali ang kamay niya.
Anong gagawin ko?
"Kaso dalawa ang hawak namin boss, may kasama siya ng mahuli namin." Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya sa aming dalawa ni Keize.
Sino ang mga ito?
Hindi ko nabilang kung ilang oras kaming nasa byahe. Wala akong ibang naisip kung hindi si Keize na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Keize wake up.
Gusto kong maiyak sa sitwasyon namin. Pero hindi ko pwedeng pairalin ang panghihina ng loob ko. Ginalaw ko ang tali sa likod ko. Masyadong mahigpit, masasaktan lang ako kung pipilitin ko.
Natinag ako ng tumigil ang sasakyan. Padarag akong hinila palabas at binuhat si Keize na parang sako.
Tumigil kami sa harap ng abandonadong gusali. Kahit madilim ay masasabi kong nasa liblib na lugar ito.
"Kamusta Alchemeia!" Nagulat ako ng lumabas ang gang na nakalaban nila Xian at Kairo.
Dragons Resurrection gang.
"Gago ka! Anong kailangan mo sa'min?" Nanggigigil na sigaw ko.
"Masydong mayabang ang gang niyo, lalo na ang Commander niyo. Kailangang turuan ng leksiyon." Natatawang anito at lumapit kay Keize na nakahandusay sa malamig na semento.
"Hayop ka!" Napasigaw ako ng sampalin ni Alpha si Keize. Katulad ng inaasahan nagising ito, mabilis na dumugo ang gilid ng labi nito.
Tumulo ang luha ko ng makitang nilibot nito ang paningin na tila may hinahanap. At nanggigigil ng makita ang lagay namin.
"Achelous..." Malapad ang ngiting ani Alpha lumuhod sa harap ni Keize at hinawakan ang panga nito na mabilis winaksi ni Keize.
"Nasa ganito ka nang sitwasyon matapang ka pa rin." Natutuwang sabi pa nito.
"Dahil lang hindi ka manalo sa gang namin, gagawin mo 'to? How cheap." Dumura pa si Keize sa gilid na lalong kinainis ni Alpha.
"Mayabang ka!" Nagulat ako ng lumapit si Beta at sinampal si Keize.
"Stop..." Umiiyak na pakiusap ko. Alam kong malakas ang sampal nito dahil biglang namaga ang kaliwang pisngi ni Keize.
"Stop crying. They not even worth it." Seryosong sabi ni Keize.
"Tawagan mo na ang Xian na yon. At sabihin mong hawak natin ang pinakamamahal niyang mga member." Natatawang ani Alpha.
"Sa tingin mo pag-aaksayahan ka ng panahon ni Xian dahil lang sa mabahong trip mo?" Hindi ko na naiwasan ang magsalita. Lugi kami.
Pero nagulat ako ng sampalin niya ako.
Ang sakit gago.
"Gago ka Alpha! Huwag mo siyang saktan! Pakawalan mo kami dito!" Sigaw ni Keize.
"Tawagan mo na! Bago ko pa masira ang bungo ng dalawang 'to." Galit na sigaw nito. Inoobserbahan ko ang mga ginagawa nila. Nakailang tawag ang kasama nito pero umiling lang ng walang makuhang sagot.
"Wala talagang kwenta ang taong yon." Lumapit si Beta kay Keize at sapilitang kinuha ang cellphone. Binato niya yon kay Alpha.
"Huwag ka ng umasa." Nang-aasar na ani Keize. Pero nginisihan lang siya nito at pinakita ang phone.
Sinagot ni Xian ang tawag. "Kamusta? Kalma ka lang buhay pa naman sila... HAHAHAHA alam mo na ang gagawin... Bilisan mo lang baka mainip ako... Huwag kang mayabang Andreus nasa homebase na ako."
Ilang dipa ang layo namin ni Keize. Mga nakapalibot sa isang table ang gang nila Alpha. At hindi biro ang dami nila. Hindi ko maalala na ganyan sila kadami nang lumaban sa battle field. Nag-aalala ako sa mangyayari. Napatingin ako kay Keize. Nakapikit lang siya at nakasandal sa pader.
Anong gagawin ko?
Habang lumalalim ang gabi ay lalong nadadagdagan ang kaba ko. Kahit anong gawin ko ay hindi manlang nabawasan ang higpit ng pagkakatali sa kamay ko.
Anong klaseng tali ba ang ginawa nila?
Maya-maya pa nahagip ng mata ko na pilit inaabot ni Keize ang isang bubog. Tahimik ang table nila Alpha naghihintay pa rin.
Nang tuluyang maabot ni Keize ang bubog ay gumawa iyon ng ingay. Napatingin ang ilan kay Keize.
"Matigas talaga ang ulo mo."
"Ahh!" Boses ni Keize ang bumuhay sa abandoned building ng isaksak ni Beta ang bubog sa kamay nito.
"Keize!" Umiiyak na palahaw ko. "Hayop kayo!"
Pumasok ang tatlo sa mga kasama nila. "Andiyan na sila." Nagsitayuan ang mga ito at nagsikuha ng mga bat at kutsilyo.
"Bilisan niyo. Bantayan niyo ang mga iyan." Tatlo ang naiwan kung nasaan kami. Gumapang ako palapit kay Keize.
"Keize." Umiiyak na tawag ko. Nakapikit siya habang lumuluha. "Sorry..." Hindi ko alam ang gagawin ko.
Gusto ko siyang hawakan pero hindi ko magawa. Mas lalo akong nag-alala ng dumaing siya.
"Ahhh."
"Sorry, sorry."
"Tumahan ka na." Natatawang aniya.
"Ikaw nga din umiiyak." Humihikbing sabi ko.
"Masakit kaya."