Chapter 27

3 0 0
                                    

Isabella's POV

MARAMI nang tao nang makarating kami, hindi pa kumpleto ang miyembro nang DSA. At wala pa din sila Keize.

Ang tagal naman nang mga 'yon.

Naabutan namin si Felix, Oliver, at Cambree na mga nag-uusap habang umiinom.

"Ang aga niyan ah." Natatawang sita ni Zeke sa kanila.

"Death! You're so beautiful tonight." Nakangiting ani ko sa kaniya. Nakasuot siya nang backless white gown magandang naka-bun ang buhok upang makita ang malapad at maganda niyang likod.

"Tonight lang?" Nakasimangot na reklamo niya, natawa naman ako.

"You're always beautiful, but extra beautiful tonight!" Masayang sabi ko.

"Sus! By the way where's Achelous?" Tiningnan niya ang likod ko.

"They're on their way na." Nakangiting sabi ko. Bumalik siya sa pagkakaupo at hinila ako. Binigyan niya ako nang isang shot nang margarita. Napapikit ako nang gumuhit 'yon sa lalamunan ko.

Swabe!

Busy na naman sila sa pagkekwentuhan. Hinanap nang mata ko si Zeke palapit na siya sa'kin at may dalang bottled water. Binuksan niya 'yon bago inabot sa'kin.

"Thanks."

"Lakad muna tayo. Pampalipas oras, habang wala pa sila." Tumango ako bago tumayo at nagpaalam sa kanila Cambree.

Naglalakad kami ni Zeke dito sa field may mga LED lights din ang mga puno, kaya napakaganda nang lugar. Idagdag mo pa ang mga nagkikislapang mga bituin.

This is so, relaxing.

"Ehem." Napatingin ako sa kaniya.

"Huh?" Nagtaka ako nang binaba niya ang tingin sa'kin.

"Sorry about last time." Napapakamot sa ulong aniya.

"Why are you saying sorry?" Natatawang tanong ko.

"Kasi iniwasan kita, I didn't mean to." Sinserong aniya.

"Ayos lang 'yon. It's just a simple misunderstanding hindi dapat pinapalaki." Nakangiting sabi ko, nakatingin sa mga bituin.

"Buti pumayag ka na maging partner ko?" Nahihiyang tanong niya.

"Bakit naman hindi?"

"Bakit nga ba?"

"Gwapo ka naman, okay kasama, bakit ako tatanggi?" Natatawa kong sabi.

"Edi, nagagwapuhan ka pala sa'kin?" Nagpipigil ang ngiting tanong niya.

"Oo naman."

"Talaga?"

"Mukha ba akong sinungaling sa paningin mo? HAHAHA."

"Ha-- Hindi ah!" Maagap na tugon niya at tumigil pa sa paglalakad.

Tumigil din ako sa paglalakad at natatawang tiningnan siya. "Anong nangyari sayo? HAHAHA."

"Hindi ka sinungaling sa paningin ko." Nakasimangot na aniya.

"Joke lang 'yon! HAHAHAHA!" Tumalikod na ako at nagtuloy sa paglalakad, hindi ko napansin ang pagtakbo ng isang grupo na mukhang nagkakatuwaan. Pero bago pa ako makakilos may kamay nang humila sa'kin. "Huk!"

Natulala ako nang bumagsak ang katawan ko kay Zeke at napansing napakalapit nang mukha namin sa isa't isa. Ilang minuto kaming nakatitig lang sa mukha ng isa't isa nang mag-vibrate ang cellphone ko.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now