Chapter 42

3 1 0
                                    

Keize's POV

AFTER naming magpalit ay kumain muna kami. Wala pa din ang iba nag-enjoy na talaga. Naiinis ako dahil masama ang tingin ni Xian sa suot ko. Inirapan ko na lang siya.

Ang aarte ba naman.

Lumapit siya kay Kairo na nag-iihaw ng hotdog. Nagulat ako ng subuan niya ako. Wala akong nagawa. Natawa pa ako ng mahulog ang hotdog ng hindi pa siya nakakakain.

Tanga! HAHAHAHA.

"Keize!" Napatingin ako sa likod ng may tumawag sa'kin.

"Ang daya niyo! Hindi niyo kami hinintay." Nakangusong baling ko kay Amber kasama niya si Felix and Cambree mga basa.

Bakit sila naka swimbra lang pero hindi mga nagreklamo. Adik talaga.

Matapos mahulog ng hotdog ni Xian ay niyakag na niya si Zeke na lumamgoy, sumunod sa kanila si Kairo. Kami na lang ni Bella ang nasa cottage.

"Nasaan ang iba?" Nagtatakang tanong ni Bella nasa harap ko nakain.

"Kachat ko si Aeris saka si Aaron. Natraffic daw si Aeris. Si tandang amen naman nag-iinarte gusto sabay sila ni Aeris." Napapailing na sabi ko.

Tiningnan ko ang ibang pagkain. Natuwa ako ng may makita akong mangga kaso hindi ako marunong magbalat.

"Kairo!" Tawag ko dito ng makita na nagsha-shower sa gilid.

"Why?"

"Ipagbalat mo ako ng mangga." Nakangusong utos ko.

"Ang galing mo naman, kakain ka tapos ako ang pagbabalatin mo." Nakangiwing anito pero nagbabalat naman.

Parang tanga talaga 'to.

Inaaya na ako ni Bella na maligo pero kausap ko pa si Aeris. Hindi niya kasi alam ang location ng resort na 'to baka lumampas.

Bumalik si Xian at umupo sa tabi ko. Kumukuha ako ng mga pictures ng iharang niya ang mukha sa camera ko.

"Tabi!" Saad ko.

"Kamusta ang kamay mo?" Tanong niya, umayos siya ng upo kaya ganoon din ang ginawa ko.

Where's Bella?

Hindi ko napansin na umalis 'to. "Okay na." Pinakita ko ang kamay ko sa kaniya pero nagulat ako ng hawakan niya yon at haplusin ang parte kung saan tinamaan.

May maliit pang galos pero hindi na masakit. Naalala ko tuloy kung ano-anong palusot ang sinabi ko kay kuya ng makita ang kamay ko.

Bago kasi ako pumunta sa kanila Bella ay nasa bahay ako. Umuwi kami ng Saturday nagpaalam kami pareho. Tapos ang daming tanong ni kuya.

"Hoy! Basa ka! Huwag mo kong dikitan." At inalis ang kamay kong hawak niya. Para kasi akong mahihimatay sa kuryente kapag hawak niya ako.

"Mababasa ka rin naman." Umusod ulit ako ng lumapit na naman siya. Para kaming tanga na urong sulong.

"Hop!" Wala na pala akong mauupuan muntik na akong malaglag buti na lang at nasapo niya ang baywang ko.

"Maligo ka na nga doon." Tinarayan ko siya, pakiramdam ko napahiya ako doon lalo at nakangisi ang kupal. "Nagshashabu ka no?" Natawa ako ng manlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"What?" Kunot noong anito.

"Joke lang!"

"Why are you still here?"

"May kachat kasi ako."

"Sino?" Seryosong aniya. Nagtaka naman ako sa reaksiyon niya.

Huwag kang ganyan baka ma-misinterpret kita.

"Si Aeris! Oa 'to." Kumalma ang reaksiyon ng mukha niya ng sabihin kong si Aeris ang kausap ko.

"Bakit daw?" Nagsandok siya ng spaghetti akala ko sa kaniya. Sa akin pala. Dahil nagta-type ako hindi ko agad nakain mainipin ang isang 'to, nakita niyang busy ako, kinuha niya ang tinidor at sinubuan ako. Kanina pa siya ganyan lahat ng kinakain niya ay sinusubo sa akin.

"Baka kasi maligaw."

"Wala bang asin? Or toyo?" Naghanap ako sa table namin pero wala akong makita.

"For what?" Nagtatakang tanong niya.

"Ang asim kasi ng mangga."

Nakita ko ng dumating si Bella kasama si Zeke.

"Oh? Saan ka galing?" Turo ko sa kaniya, hindi pa naman siya basa kaya I'm sure hindi siya sa pool galing.

"Nagpasama 'to." Turo niya kay Zeke. Ngumiwi na lang ako sa kanilang dalawa.

"Hindi pa ba tayo lalangoy?" Naiinip na ani Bella.

"Wait lang, si Aeris kasi eh."

"Chat mo si Aaron, sabihin mo baka may madaanang convenience store or grocery." Si Xian na nagbabalat ng mangga tapos isusubo sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kulang kasi ang ulam na nabili. Susunod pa ang iba." Nagtaka ako kasi hindi pa pala kami kumpleto.

Ang takaw niyo kasi.

"Saka toyo." Tumangong sabi ko.

"Mukha kang toyo." Nang-aasar na sabi ni Xian tapos sinubuan na naman ako.

Mga ilang minuto pa ng magchat si Aeris na nasa entrance na daw sila ni Aaron.

"Nasa labas na sila." Tumayo ako na sinundan nang tatlo.

Suot ko ang slippers ni Xian tapos siya walang suot.

"Ang tangkad talaga ni tandang amen." Sabi ko na ang tinutukoy ay si Aaron. Malayo pa kami sa entrance pero kita ko na siya agad ang tangkad kasi.

"Waah! Aeris!" Niyakap ko si Aeris. Ganoon din sila ni Bella.

"Oh!" Binato sa'kin ni Aaron ang asin.

"Hala! May asin na! Thank you!"

Pumasok na kami dahil ligong-ligo na ako. Hinintay ko lang talaga sila.

"Talaga? Magka-iba kayo ng sinakyan pero sabay kayong dumating?" Namamanghang tanong ko. Sabay naman silang tumango.

"Edi kayo na destiny."

Sinamahan pa namin si Aeris na magbihis. Sila Aaron naman at ang iba akala mong ilang taon nagkalayo kung magbatian.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now