Chapter 14

4 1 0
                                    

Kairo's POV

AT DAHIL tapos na kaming kumain, nandito kami ngayon sa arcade nagpupustahan. Basketball ang laro namin at ang matalo bubutasin ang gulong ng sasakyan.

Kaya hindi ako pwedeng matalo kawawa ang Jaguar ko! Tiningnan ko ang mga score namin. Lamang si Zapanta ng 4 points, while kami ni Zeke pantay lang.

"Waah! Waaah! Matatalo na ko!" Dinig kong sigaw ng mga naglalaro.

"Mali! Sumuntok ka!" At may kasama pa!

"Unahan mo kasi! Huwag kang magpapatalo!" At isa pa ulit! Naulanan at dumami?

Ano kayang nilalaro nila at kailangan pang sumigaw?

Malapit nang maubos ang time namin pare-pareho ng may marinig kaming ingay.

"Hani!" Tinig ng lalaki, malambing ang boses ah.

"I told you to stay away from me!" Sigaw ng babae.

"What? Why?"

Bakit parang naging chismoso ko?

"Nakss! Panalo ka Zapanta!" Sigaw ni Zeke. Tapos na pala ang laro.

Waaaahh!

"HAHAHHA!" Tawa ng dalawang kumag!

"Gagoo? Bakit ako ang talo? Madayaa!" Sigaw ko sa dalawa.

"Anong madaya? Hoy! Walang nandaya sayo ah!" Si Xian na ngising aso kasi panalo.

Shit!

"Hindi ba classmate natin 'yon?" Turo ni Zeke sa kabilang parte ng gamezone.

Oo nga!

"Diba sila iyong mga transferee?"

"Hayaan niyo na, tara na." Medyo inis na singhal ni Xian.

"Anong nanayari 'don?" Nagkibit balikat na lang ako, dahil hindi ko alam.

Susunod na sana kami kay Xian nang.

HILAHIN NG LALAKI ANG BRASO NI CLASSMATE NAMIN!

"Araay!!" Nagulat kami ni Zeke sa lakas ng sigaw ng classmate namin.

Ano ngang pangalan ng mga 'to?

"Keize!"

"Niah!"

Natinag ako sa sabay na sigaw nang dalawa na classmates din namin.

Andami namang pangalan.

"Aray! Get your hands off of me!" Halatang nasasaktan si Keize or Niah daw sa hawak nang lalaki.

And to my surprise nasa harapan na namin si Xian at hawak ang braso ng lalaki at tinanggal sa pagkakahawak sa braso ng classmate namin.

Aww! Hero!

"Ah! Sino ka ba?" Singhal na sigaw ng lalaki kay Xian nagsalubong naman ang kilay niya kaya lalong napa-aray ang lalaki ng pilipitin ni Xian ang braso niya patalikod!

"Pre!" Lumapit na si Zeke kaya sumunod na ko at inawat si Xian.

"Hani!" Nanghingi ng tulong itong lalaki sa classmate namin.

Ano ba talagang name niya? Keize? Niah? Ngayon naman may Hani pa?

Nakatingin lang kami sa kaniya ng bigla siyang lumapit at hawakan ang kamay ni Xian, inalis naman niya ito. Lahat kami napasinghap sa sunod na nangyari!

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now