Chapter 18

3 1 0
                                    

Keize's POV

"AYAN! Late na tayo." Nagmamaktol sa tabi ko si Bella.

"Hoy! Five minutes pa lang naman. Saka papasok na tayo diba?" Depensa ko. Nasa field na kami at itong isa masyadong bothered sa oras.

"Tingnan mo nga kanina pa text ng text si Aeris." Hinarap pa niya sa'kin ang phone niya.

From: Aeris Zhane

Hinahanap na kayo ni Commander, first day daw bakit late kayo.

8:59 AM

"Tingnan mo na! Palibhasa lagi kang late tapos idadamay mo ko." Napangiwi ako sa sinabi niya.

Grabe 'to makapalagi, minsan lang kaya.

"Lagot tayo doon."

"Bakit naman?"

"Anong bakit naman late na tayo Zi!"

"Edi, sabihin natin traffic."

"Babatukan ka noon, ang lapit-lapit ng condo mo dito tapos traffic? Adik ka talaga."

Narinig kong may nagtatalo sa tabi ko, dalawang lalaki. Ang isa pula ang buhok. Sabay silang napatingin sa'kin. Napapahiyang nag-iwas ako ng tingin.

Jahe!

"Holy shit" Nawindang ako sa dami ng tao sa labas ng main.

Anong mayroon dito?

"Bakit ang daming tao?" Nakangangang ani Bella. Hinanap ko ang dalawang kasabay na lalaki pero they're nowhere to be found.

Maglalakad na sana kami papasok nang may pumigil sa braso ko, naiangat ko ang tingin ko sa humawak dito saka pinagtaasan ng kilay. "There's a line, pumila kayo." Mataray na saad nito.

"Tsh." Maangas kong hinila ang braso ko saka pinagkrus 'yon. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"W-What are you looking at?" She stuttered. Napangisi ako sa inasal niya.

"We're already member of this gang." Asik ko at sinamaan siya ng tingin.

"How could that happen? Ngayon lang nila pinost ang recruitment sheet." Sabat nang isa pang babae sa likod ko.

"Kahit tanungin mo pa sila." Turo ni Bella sa bandang pintuan nang main, na hindi tanaw dahil sa dami ng tao.

"Do you have Identification that proves that?" Singhal pa nito. Lalapit na sana ako dito nang may humawak sa pulso ko. Nakita kong nanlaki ang mata ng kaharap kong babae.

Hinarap ko 'yon at nakitang hawak din niya si Bella. "It's true. Member sila ng gang namin and also their one of the council." Seryosong saad ni Kairo, hindi na niya hinintay na sumagot ang babae at hinila na kami sa kumpol ng mga tao.

"Huwag niyo ngang pinagpapansin ang mga 'yon." Seryoso pa din si Kairo.

"Paano ayaw nila kaming paalisin doon." Mataray na sabi ko.

Nang makapasok kami nagulat pa ko nang makita ko ang dalawang lalaki kanina na nagtatalo.

"Hi!" Bati ko sa kanila. Nagulat sila sa pagbati ko pero ngumiti din.

"Hello." Si pulang may buhok.

"I'm Keize, and this is Bella." Turo ko kay Bella na kay Aeris agad lumapit.

"Ozias. But you can call me Zi."

"Woah that's cool." Galak na sabi ko. Tumingin ako sa maputing lalaki sa tabi nito. He automatically lend his hand for shake hands.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now